PYESTA NG MGA ASWANG 1

1.3K 26 4
                                    

Sa panulat ni : Better known.

"Hi best!! "


Malakas na tawag sakin ni Vilma.

Na pamulagat ako sa kanyang turan.
lagi kaming ganito sa classroom.sa twing magkikita kami.

Nadia: best ano kaba lagi mo na lang akong ginugulat.

Vilma: sorry na best... Sya nga pala may plano kanaba?


Nadia: plano saan?

Vilma: Sa summer break?

Nadia: wala....baka sa bahay lang ako sila mama at papa kasi nasa baguio. Para sa buisness trip.

Vilma: Sakto sumama kanalang sakin sa probinsya namin.



Nadia: bakit anong meron?

Vilma: pyesta samin masaya doon promise.


Nadia: Hindi ako papayagan ng parents ko.


Vilma: hindi ka papayagan kung mag papaalam ka. Hahahahah...


Malakas na pangangatsaw ng dalaga.

Nadia: pag iisipan ko... Saan bayan?


Vilma: Capiz.

Nadia: ewwww....diba maraming aswang doon.


Vilma: pati banaman ikaw ganyan tingin mo saakin. Isang aswang....


Malungkot na turan ni Vilma.

Nadia: hindi naman sa ganoon.

Vilma: oh.....yan payag kana ah... Ang saya ko bestfriend talaga kita.

Masayang turan nito.


Lumipas ang araw at dumating ang araw ng pag alis namin.

Put...put...put...

Malalakas na busina galing sa gate namin.


Vilma: Nadia.... Tarana. Dali.

Excited natawag saakin ni Vilma.

Nadia: Oo na excited lang.

Natatawang turan ko sa kanya.



Habang nasa byahe nag kukwentuhan kami ng mapansin ko. na parang anlayo na namin sa kabihasnan.



Nadia: Vilma saan na tayo banda? Anong lugar naba ito?


Sunod sunod na tanong ko.

Vilma: hay nako best matulog kanalang para makapag beautyrest ka. Para pag dating natin doon. Fresh ka.

Nag tawanan kaming dalawa.


Nang mapansin ko na kakaiba ang titig saakin ng driver. Ngunit binalewala ko nalang at natulog.


Makalipas ang ilang oras ay huminto kami sa isang gasoline staion para makapag pahinga.


Naunang bumaba si vilma at yung driver. Napansin ko na tila ba nag tatalo sila.



Kaya agad akong bumaba. At nilapitan si vilma. Habang papalapit ako ay agad na huminto ang dalawa sa pag tatalo.



Vilma: best punta muna ako sa cr


At nag lakad palayo saakin.


Habang ako naman ay bumili ng mainit na kape at bumalik sa harapan ng Van na nirentahan namin.



Agad na lumapit si manong driver. Hindi pa sya ganoon katandaan mga nasa 40's. Ang edad nya.


Manong: Neng sigurado kaba na tutuloy ka?

Nadia: Ba...ba ..bakit po?


Utal..utal kong tanong sa kanya.



Ng akmang mag sasalita na si manong ay biglang sumulpot sa likuran namin si Vilma.

Vilma: tara na para makarating tayo ng maaga.

Nag katitigan kami ni manong driver habang kinakaladkad ako ni vilma. Papasok sa Van.


Kita sa mukha ni manong driver na may roon itong nais sabihin saakin.

Muli ay bumyahe kami sa kahabaan ng kalsadang iyon.

Ramdam ko ang kilabot sa mga tinuran saakin ni kuyang driver.

Nakatulala lamang ako sa bintana habang iniisip kung ano ang nais nyang sabihin.


Nang biglang kilitiin ako ni Vilma.


Vilma: hoooy.... Ano kaba mukhang semana santa yang mukha mo.

Dahil sa kakulitan nya ay nawala ang aking mga isipin.

Hanggang sa napansin ko. Na parang kakaiba na ang lugar sa paligid.


Dahil sobrang layo-layo ang mga bahay. Agad kong binuksan ang bintana upang tanawin ang paligid.


Nang sumambulat saakin ang mabangong simoy ng hangin.


Salamat sa pag babasa..

Better known..

PYESTA NG MGA ASWANGWhere stories live. Discover now