PYESTA NG MGA ASWANG 4

444 5 0
                                    

Patago nyang nilingon ang bahay.

At doon na pag masdan nya kung paano dumugin ng mga aswang.

Ang kwarto kung saan sila nag iinuman.

Na patakip ng bibig si Nadia at tila naluluha pa. Dahil sa labis na takot nito.

Nang biglang mapayuko ito. Gawa ng may isang aswang ang lumingon sa kinaroroonan nito.

"""""""""""""""""""'''"'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''""""""""""""""

Pagapang namang umalis ang dalaga sa lugar na iyon.

Sa kabilang dako naman..


Nang tanggalin ang kumot ng babaeng nilalantakan ng mga aswang. Napasigaw ang isa sa mga ito.



Milen: ah ..........ah .............pamangkin koyan.........ah..........si Vilma yan.............

At nag ungulan ang mga aswang.


Kahit medyo nakalayo na ang dalaga ay rinig nito ang atungal. Ng mga aswang.habang tumatakbo.

Nadia: lord plsss.....tulungan nyo po ako.promise hindi napo ako tatakas. Lord tulungan nyo lang po ako.

Halos tumulo na ang uhog ng dalaga kakaiyak.


Habang nasa kalagitnaan ng mtataas damo. Nakaramdam si Nadia ng tila may mga mabibilis na paa ang humahabol sa kanya.

At rinig na rinig nya ang malahalimaw nitong pag hingal.

Unti-unting bumagal ang pag takbo ng dalaga dahil sa pagod.

Kasabay nito ang palapit ng palapit ng mga nakakakilabot na tunog na gawa ng aswang.

Nang lumingon ang dalaga. Namasdan nito ang aswang na palundag-lundag. Papalapit sa dereksyon nito.

Muli ay ubod lakas nitong tinakbo ang talahiban.


Ngunit dahil sa bagal ng pag takbo. Gawa ng pagod at pag sakit ng mga binti nito.


Nagawa nitong abutan si Nadia.

At biglang lumukso ang malaking nilalang sa likuran ng babae. 

agad itong kinagat sa balikat. At nag dulot ng pag durugo nito.

Nakipag pambuno si nadia sa aswang habang sumisigaw.

napatihaya naman ito at doon ubod lakas nyang sinipa ang aswang.

Ngunit gumanti ito ng kalmot sa kanyang pisngi.

Nadia: ah..........

Isang impit na sigaw ang pinakawalan nito.

At isang malakas na putok ng baril ang sunod-sunod na narinig mula sa dikalayuan.

Nang biglang bumulagta ang aswang  at nadaganan ang kawawang babae.


Nadia: ah .....irrrggghh... Ano ba ang baho mo bwisit ka...


Irita na turan ng dalaga habang inaalis ang katawan ng aswang na nakadagan sa kanya.

At nakita nya ang isang lalaking palapit sa dereksyon nya.

Halos nanlabo narin ang mata ng dalaga dahil sa mga dugong tumalsik sa kanya.

Kinusot-kusot nya ito at namukhaan nya ang lalake.

Nadia: ikaw ..ikaw yung driver ng van.

Agad na tinulungang makatayo ng lalake si nadia at inakay.


PYESTA NG MGA ASWANGWhere stories live. Discover now