Two

54 3 0
                                    

Iniba ko yung tingin ko para di niya ko mapansin. Kinalabit ako ni Yoonjo at bumulong, "Nakita ka niya Unnie. Nasa likod mo siya nakaupo." Tinignan ko si Yoonjo at Ara, at alam nila yung hitsura ko ngayon, parang magfade na. Lumipas ang apat na subjects at break na. Naunang lumabas si Yoonjo at Ara dahil nautusan sila. Papunta na sana ko ng meeting place namin ng limang bruha ng may humawak sa kamay ko. Sino pa ba? Edi si Cha cha cha dabarkads! Chanyeol! Lumingon ako at nakita kong paalis na yung lalaking mukhang manika, este si Luhan. 

Hawak pa din ni Chanyeol yung kamay ko habang nakatitig pa sakin, tinanggal ko yung kamay niya, at inirapan siya.

"Alice." Sabi niya, with matching manly voice. Infairness, nagiba na siya. Lalong naging pogi, pweee. Dami siguro kalandian nito no? Kaya nag evolve. 

"Oh, hi!" Nag fake smile ako tas with matching wave pa ng kamay. 

"Pwede ba tayong magusap?"

Natawa ako, "Hay. Natanga ka na ba simula nung nag break tayo? Tsk. Ano bang ginagawa natin? Nagpapatayan? O baka gusto mo mahantong dun?" Sabay kindat sa kanya.

Nagexhale siya ng malakas, "Alice naman."

"Huh? Alis? Ahhh. Pinapaalis mo lang pala ko. Sorry hah. Assumera ang lola!" Sabi ko, sinubukan kong tumakbo paalis pero nahila niya ko at humantong ako sa dibdib niya. Oh my. Anyare dito sa boylalu na ito? Siraulo na ata? 

"Please?" Sabi niya sabay pout. Pumiglas ako mula sa kanya at tumungo. 

"Kamusta..ka naman?" Tanong niya habang nakatitig sakin.

Ngumiti ako at tinitigan ko din siya, Heto mahal ka parin. Sa isip ko lang yan, pero hindi yan ang aking sinabi, "Heto nakamove on na. Ikaw?"

"..I guess. Kamusta naman yung katawan mo? Diba ayaw mo ng weather pag spring?"

Tumungo ako, "Oh I'm totally doing fine..until I saw you."

Ngumiti siya, "Alice naman eh."

Tumawa ako pero fake lang siya, "Sige. Alis na ko. See ya somewhere."

Nag goodbye ako at dumeretso sa rooftop, meeting place to namin ng limang bruha at isang prinsesa. Hahah! Dinatnan ko silang nag aalala, di pa nakain. Sumigaw ako ng malakas, "Hello mga dilag!"

Humarap silang lahat at sabay sabay na nagsabi, "UNNIE!"

Tumawa lang ako at nagjoke, "Ano mga 'teh? Sabay sabay tayo~ Ang trip natin ngayon?"

Tumawa lang sila at niyakap ako ng mahigpit, yung parang ayaw mo na pumiglas. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Spring Day [EXO][HELLOVENUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon