Simula

601 15 0
                                    

Warning! Expect typo and grammatical errors.

FLIA ROHAN

MALAKAS na katok sa pinto ang nagpabalikwas sa dalaga sa kinahihigaan.

"Hoy babaita, nasaan na ang bayad sa renta! Aba'y apat na buwan ka nang hindi nagbabayad! Lumabas ka dyan." malakas na sigaw nito mula sa labas.

Pupungas-pungas naman si Flia na tumayo sa maliit niya'ng kama. Napapakamot siya dahil nandito nanaman ang maingay at masungit niyang landlady.

Walang ayos na dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at hinarap ang kanina pang nagpuputak na matandang landlady.

Nakapameywang 'to habang hawak ang mahiwaga nito'ng pamaypay. "Buti at nagpakita ka, nasaan na ang bayad?" inumang nito ang kamay sa harap niya.

Pilit siyang ngumiti rito. Paano ba 'to wala pa siyang pambayad at wala pa siyang nahahanap na trabaho. Hirap kasi siyang makahanap ng trabaho dahil kailangan graduate man lang ng high school, pero siya ay hanggang grade 9 lang ang natapos dahil sa pagkawala ng magulang at paghihirap. Mag isa na lang siya at walang kapamilyang mahihingian ng tulong.

"Ano na?! Saan na ang pera. " sikmat ng landlady niya na nagpagising ng tuluyan sa natutulog niya pang kaluluwa.

Napakamot siya sa ulo. "Ano. Aling Netta baka po pwede sa sunod na linggo na lang po. Pramis po magbabayad na ako. " pakiusap niya.

Tumaas ang kilay nito. "Ay hindi kapag hindi ka pa nakabayad ngayon mag balot-balot kana ng mga gamit mo. Apat na buwan na kitang pinagbibigyan, nalulugi na ang paupahan ko dahil sa'yo. " galit na sabi nito.

"Pasensya na po. Pero sana po bigyan niyo pa ako ng isang pagkakataon. Parang awa nyo na po wala na po akong mapupuntahan kapag pinaalis niyo ako rito. " pagmamakaawa niya. Wala na siyang mapupuntahan kapag napalayas siya rito. Baka sa kalye na siya tumira.

"Pasensya na rin pero nakapag desisyon na ako kung hindi ka makakabayad ngayon at kailangan mo ng umalis rito." saka ito umalis.  Nanlulumo naman isinarado niya ang pintuan, siguradong mapapalayas na siya rito.

Nahahapong naupo siya sa gilid ng kalsada, ilang beses na siyang sumubok mag apply pero wala pa rin tumatanggap sa kanya dapat ay high school graduate daw kaya hindi siya matanggap-tanggap. Ito ang problema kapag hindi ka nakapagtapos ng pag aaral, mahirap maghanap ng trabaho at mababa ang tingin sa'yo. Sa panahon ngayon ay talagang kakapit ka sa patalim para mabuhay pero siya ay hindi iyon gagawin. Hinding-hindi.

Nauuhaw at namamanhid na ang binti niya sa kakalakad sa mainit na araw. Wala na siyang paki kung tingnan siya ng mga dumaraan sa gilid ng kalsada, pagod na siya sa ilang oras ng paghahanap ng trabaho.

Kumukulo na ang tiyan niya sa gutom, kanina pa kasi siya walang kain. Wala rin siya'ng pambili kasi 10 pesos na lang ang pera niya. Naiiyak na tumingin siya sa langit, nanalangin na sana ay may bigla'ng dumating na makakatulong sa kanya.

Nanghihina at parang sumusuko na ang mga binti niya sa kakalakad pauwi, hindi na kasi kasya ang pera niya para sumakay pa. Gutom na gutom na rin siya at nauuhaw, ang labi niya ay tuyot na.

Tatawid na sana siya sa kalsada ng biglang nanghina ang tuhod niya at nabuwal siya sa kinatatayuan kasabay ng pagbusina ng kotse'ng paparating.

Dahil sa paghihina at sabayan pa ng nerbyos ay nawalan siya ng malay.

---

"Shit. Shit. " tarantang lumabas ang may ari ng sasakyan ang muntik ng makabungo sa dalagang nakahiga dalawang metro ang layo sa kotse.

"Hey, Miss. Gising." mahina nitong tinapik ang mukha ng dalaga ngunit mukhang nawalan 'to ng malay. "Fucking shit talaga! Tanga-tanga naman ng babaeng 'to at dito pa nahimatay. Muntik pang mabungo." banas na sabi nito habang nakatingin sa nakakaawang dalaga.

Carrying His Child (ONGOING) Where stories live. Discover now