Kabanata 4

204 5 0
                                    

Maaga siyang bumangon para magluto ng breakfast nilang dalawa. Medyo may kirot pa sa paa niya pero pinilit niya na lang na itapak ito sa sahig kahit iika-ika siyang maglakad. Hindi pwedeng hindi siya kumilos at maglinis dahil nakakahiya sa lalaki.

Dahil sa ointment na nilagay ni Levi sa paa niya ay nabawasan ang pamamaga nito. Bakit ba naman kasi hindi siya nag iingat iyan tuloy nasaktan pa siya.

Bumalik sa alala niya noong nasa apartment pa siya, noong nanghihingi sa katabing apartment para makahingi ng pagkain. Nakakaawa pero kung hindi niya gagawin iyon mamamatay siya sa loob ng apartment niya. Laking pasalamat niya dahil nakakaraos naman papaano kahit minsan tinitiis niya na lang ang kumakalam na sikmura. Kung hindi sana nawala ang magulang ay hindi sana siya maghihirap at mararanasan ang mga naranasan niyang 'yun.

Ilang minuto siya bago nakarating sa kusina. Binuksan niya ang ref. at kumuha ng mga lulutoin. Isinalang niya ang kawali sa kalan at nilagyan ng mantika.

'Yun ang nadatnan ni Levi sa kusina. Kakagising lang nito at magulo pa ang buhok. Kumunot ang noo nito ng makitang abala ang babae sa pagluluto.

"Hindi na ba masakit ang paa mo?" lumapit siya rito.

Lumingon naman sa kanya si Flia at binigyan siya ng ngiti. Magandang ngiti na ikinatigil ni Levi sa kinatatayuan.

"O gising kana pala. Good morning. Hintay ka muna diyan hindi pa ako tapos magluto. " saka ibinalik ang tingin sa ginagawa.

Tumikhim si Levi at sumandal sa counter top at humalukipkip na pinagmasdan ang ginagawa ng babae. Pansin niya ang pagngiwi nito tuwing maglalakad.

"Ayos ka lang? "

"Oo ayos lang ako." pero hindi siya naniniwala rito dahil ng naglakad ito palapit sa may ref. ay napangiwi ito at iika-ika.

Lumapit siya agad at hinawakan ang braso nito at pinaharap sa kanya. Magkasalubong nanaman ang kilay.

"Damn. Hindi ka ayos, babae. "

Ngiwi lang ito. "Hindi ayos lang talaga ako. Medyo makirot lang ang paa ko pero kaya ko naman. " inalis nito ang mga kamay ni Levi pero hindi siya nito hinayaan. Napahawak siya bigla sa balikat nito ng bigla siyang buhatin. Nagtataka niya itong tiningnan.

"Bakit mo ako binuhat?" nagtataka niya itong tiningnan.

"Huwag ka muna magkikilos baka lumala pa iyang paa mo. " pinaupo siya nito sa may upuan sa dining.

"Pero 'yung niluluto ko. "

"Ako na lang ang magpapatuloy. Huwag makulit." seryoso ito kaya napatango na lang siya. Baka magalit ito sa kanya at ayaw niya nun. Ayaw niya na magalit sa kanya ang lalaki.

Tumalikod ito at ipinagpatuloy ang naiwan niyang gawain roon sa kusina.

Nang matapos ito ay hinain nito sa lamesa ang mga pagkain.

Tumabi ito sa kanya. "Let's eat."

"Salamat." saka kumain sila.

Umalis ito pagkatapos nilang mag agahan. Nasa sala lang siya, nakaupo at manunood ng TV.

Walang emosyon ang mukha ni Levi habang papasok sa kompanya niya. Ganito ito palagi. Ang mga empleyado ay natatakot sa presensya niya. Wala itong paki sa lahat ng bagay. Cold, Dangerous, and a beast, that's people sees and think to him. But he doesn't give a fuck.

"Good morning Sir. " bati ng isa, kinakabahan pa ito pero binati niya parin ang boss. Pero hindi man lang binigyan pansin ni Levi. Tuloy-tuloy Lang itong pumasok sa private elevator niya.

Binati siya ng kanyang secretary na nasa labas ng kanyang office and informed him that his parents is inside of his office.

"Good morning sir. Sir your parents is inside of your office. They're waiting for you po. " his secretary said.

Carrying His Child (ONGOING) Where stories live. Discover now