Kabanata IV

2 0 0
                                    

Isang linggo matapos kong buksan ang topic sa pagkakaroon ng anak. Naging malamig ang pakikitungo sakin ni Ivan. Hindi ko alam kung busy ba sya sa negosyo nya o talagang iniiwasan nya ako. Isang linggo narin syang hindi natutulog sa bahay. Halos mabaliw nako kakaisip kung ok lang ba sya? Kung kumain na ba sya? Kung may problema ba sya? Hindi rin nya sinasagot ang mga tawag ko. Walang patid ang luhang umaagos sa aking mga mga mata. Sa paglipas ng araw na wala sya pakiramdam ko ay nagiging malabo na ang lahat. May mali ba akong nagawa? Masyado ba kong nagmamadali? Hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin. Madalas lang akong nakaabang sa labas ng pinto para kung sakaling bumalik sya ay sasalubungin ko sya ng isang mahigpit na yakap. Babalik pa nga ba sya? Siguro naman oo andito pa ang mga gamit nya. Ano bang iniisip ko natural na babalik sya dahil dito sya nakatira. Asawa ko sya at masaya kaming nagsasama. Masaya pa nga bang masasabi ang pagsasama na ito? Lahat naman siguro dumadaan sa hindi pagkakaunawaan. Ang mahirap lang sa parte ko ay hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko. Kung anong maling nagawa ko para umiwas sya ng ganto.
_________________________________________

Ilang araw na pala akong hindi nakakakain ng maayos. Ang laki ng ibinagsak ng aking timbang. Mula sa repleksyon ng salamin, tanaw na tanaw ko kung gaano kamiserable ngayon ang itsura ko. Baka matakot sakin ang asawa ko kailagan kong ayusin ang sarili ko. Naghanda ako ng hapunan at kumain. Pagkayari kong ligpitin ang mga pinaggamitan ko ay dumiretso ako sa cr para maligo. Desidido na ako. Magpapakatatag ako para sa pagsasama namin. Magpapakatapang ako dahil yon ang sinumpaan namin sa harap ng Diyos. Mamahalin ko sya sa hirap at ginhawa.

Bumaba ako sa sala para maghintay. Dito muna ko magpapalipas ng oras baka sakaling maisipan nyang umuwe. Maya maya pa'y narinig ko ang pagbukas ng aming gate. Sinilip ko ito sa bintana. Halos maiyak ako sa tuwa ng masilayan ko ang gwapong muka ng aking asawa. Dali-dali akong lumabas para salubungin sya, ngunit nakasakay na sya sa kotse at nagmaneho para igarahe ito. Inabangan ko sya at may nakapaskil na malaking ngiti sa aking mga labi.

"Asawa ko" sabay yakap ng sobrang higpit. "Ang tagal mong hindi nakauwe. Ayos ka lang ba? May problema kaba sa negosyo? Kumain kana ba asawa ko? Sandali iinitin ko lang yung niluto ko kanina."
'Kumain na ako.'
Pagkasabi non ay dire-diretso syang pumasok sa loob ng hindi ako tinatapunan ng tingin. Ano ba to? Bakit parang may nakabara sa lalamunan ko. Sumunod ako sa likod nya at hinabol sya.

"Alam ko pagod ka ng sobra. Hihilutin kita pagkayari mong magshower."
'Please i need space'
Space parin? Hindi pa ba sapat ang 1 week na hindi sya umuuwe?

"Ah-ahm a-ano kase namimiss na kita. Kung pwede sana hayaan mo lang akong pagsilbihan ka asawa ko"
Tumingin lang sya sakin at napailing.
Pumasok sya sa aming kwarto at padabog na isinara ang pinto. Binuksan ko ito at nakita kong pumasok sya sa cr. Umupo ako sa aming kama. At naghintay. Narinig ko ang lagaslas ng tubig. Kasabay non ang pagbagsak ng aking luha. Ano bang nangyayare? Iniisip ko kung anong naging problema. Muli akong nagbalik tanaw parang kailan lang. Tinatarayan ko pa sya wala sa aking hinagap na magugustuhan nya ang isang tulad ko. Pero ngayon balik na naman kami sa dati ang nagbago lamang ako na ngayon ang kanyang tinatarayan. Napangiti ako. Kung dati ay ayaw nya akong mawala sa kanyang paningin, subalit ngayon ni anino ko'y hindi nya kayang tagalan. Kung umiwas sya ay para akong may malubhang karamdaman. Para na namang may bumabara sa aking lalamunan. Bumukas ang pinto ng cr at iniluwa nito ang aking asawa. Nagpupunas sya ng kanyang buhok habang papunta sa kanyang study table. Lumapit ako at minasahe ang kanyang likod. Hindi kami umiimik. Tanging ang pagtipa sa kanyang laptop ang maririnig sa tahimik na gabi. Maya maya pa'y pinaalis nya ako sa kanyang tabi.
_________________________________________









Andito ako ngayon sa sala naghihintay na mayari sya sa kanyang trabaho. Baka gusto nya munang magfocus para matapos na nya ang kanyang ginagawa. Siguro pagkayari din nya saka nalang ako mangungulit. Nanood nalang muna ako ng tv.

Naalimpungatan ako sa ingay ng tv. Pagtingin ko sa wall clock 2:18am na pala. Hindi man lang ako ginising at tinawag ng aking asawa mukang pagod na pagod sya. Umakyat ako sa aming kwarto at nakitang prente syang natutulog. Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang gawi upang gawaran sya ng isang patak ng halik. Tinitigan ko ang kanyang muka. Mukang marami ang bumabagabag sa kanya. Maski sa kanyang pagtulog ay hindi payapa ang kanyang muka. Hayaan mo asawa ko mamaya ipaghahanda kita ng masarap na umagahan.









Umidlip lang ako maaga akong gumising upang mapaghandaan ng masarap na agahan ang aking asawa. Halos 2 oras mahigit lang ako nakatulog. Bumaba ako sa sala para  maghanda at kumuha ng mga ingridients sa ref. Magluluto ako ng paborito nyang tinola. Kinuha ko ang aking cp upang iopen ang browser. Ito ang unang beses na ipagluluto ko sya. Sana ay magustuhan nya.






Nakahanda na ang kanin at ang iniluto kong tinola. Nakapaglagay na rin ako ng kape sa kanyang tasa. Sakto ang kanyang pagbaba.
"Asawa ko gising kana pala. Halina't kumain na tayo mas masarap ang tinola kung mainit pa ang sabaw". Hindi sya kumibo ngunit umupo sya sa kanyang pwesto. Tahimik sya habang sinasandukan ko ang kanyang pinggan at nilalagyan ng sabaw ang mangkok sa kanyang harapan. Nakakabinging katahimikan na naman ang bumalot sa amin. Mukang hindi to matatapos kung hindi ko babasagin ang awkward moment na to. Akmang ibubuka ko ang aking bibig ay sya namang pagbasag nya ng katahimikan.

' I'm going back to manila'



Itutuloy....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tattoed PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon