Chapter 3: Borj's Problem

175 10 0
                                    

📌 Maikling chapter lang po ito pero may susunod naman po agad, don't worry! This is the shortest chapter so yung other chapter will be long (1,500 above words) I love you guys! :⁠-⁠D

Roni's PoV

"Kuya, ano ba, breakfast na, ang tagal tagal mo namang bumaba" pag sigaw ko ng malakas, ang tagal tagal kasi ni Kuya e, baka malate pa kami sa school

"Yahoo, Ikaw alam mo Roni ah, sigaw ka nang sigaw, alam mo sa kakasigaw mo magiging kamukha mo na si Brady" pangangasar ni Kuya

"Alam mo kuya, yan ka nanaman" pag sasaway ko sakanya, nag sisimula nanaman siyang mangasar e

" 'd joke lang, hey guys, good news, dahil maganda ang gising ko, ako mag huhugas ng mga dishes ngayon" masayang sabi ni kuya

"Himala!" Sabay sabay na sabi namin nila mommy and daddy

"Bakit kuya, napanaginipan mo na ba yung mga dishes na hinahabol ka dahil sa pangdadaya mo sa paghuhugas sa kanila" lumapit ako sakanya at inasar siya

"Hoy naman, Roni,it's not a good thing to say to somebody na handa na talagang magsisi dapat you should give him the benefit of the doubt" pangangasar ni mommy kay kuya, at nag kukunwari pa kami ni daddy na umiiyak

"Haynako si mommy,kinampihan nanaman si Roni" asar na sabi ni kuya

"Joke lang yon" sabi ni mommy na natatawa pa

"O, mga joke lang, teka lang,kumain na tayo,gutom na ako e"sabi ni daddy at balak na pumunta sa dining area nang hatakin siya ni mommy palapit saamin

"Hy, hoy, halika dito,bago tayo kumain may sasabihin ako sakanya, alam mo ba, I think kailangan mo nang puntahan yung kaibigan mo dahil parang kanina pa siya nag aantay sa labas" pag iinform ni mommy kay kuya Yuan

"Andyan si Borj "sigaw ko kay mommy

"Andyan siya, andyan talaga" pag iinsist ni mommy

"Teka, teka ha, pag ako niloloko niyo, hindi ako mag huhugas ng dishes" pag babanta ni kuya at pumunta na siya sa door at nakita niya nga si Borj don, maya-maya ay lumabas na ako para antayin yung bus

"Kuya bilisan niyo nga diyan"sigaw ko kanila kuya and Borj at dumating na si Jelai sa gate namin at parang excited pa siya

"Roni, nasaan na kuya mo" pag hahanap ni Jelai kay kuya

"Nandoon sa loob, ang bagal bagal nga e" pag rereklamo ko

"May ikukuwento ako sayo, kilala mo si Junjun diba, binigyan niya ako ng regalo kahapon" pag kukuwento ni Jelai saakin

"Ano, ibigsabihin non nililigawan kana niya"pag tatanong ko kay Jelai na may halong kilig, hays sana all

"Hindi siya nanliligaw, binigyan niya nga lang ako ng regalo , ito oh"pag eexplain saakin ni Jelai while showing me the gift that she received from Junjun

"Jelai, ang ibigsabihin non nililigawan kana niya"pag iinsist ko naman lalo

"Hindi nga, ang kulit kulit mo, masyado kang makulit noh at tsaka hindi pa nga siya nakakapasok sa bahay namin, ligaw agad" pag tanggi pa ni Jelai

"Nako Jelai, kinikilig ako para sayo kasi mag ka-kaboyfriend kana, yun na yun e"pag tulak tulak ko pa sakanya habang kinikilig sakanila ni Junjun

"Anong boyfriend, alam mo ikaw napaka bilis mo, oa ka" pag mamatigas pa ni Jelai

"Tama naman ako ah"pag iinsist ko pa

"Ih, regalo niya lang 'to saakin e" sagot pa niya

"E bat ka kinikilig,namunula yang pisngi mo oh, tignan mo yang pisngi mo" pag mamatigas ko rin at ayon habang nag aasaran kami ni Jelai lumabas na rin si kuya and Borj, finally.

Habang naka sakay kami sa school bus ay napapansin ko na parang wala sa sarili si Borj,hindi kasi siya nakikipag kulitan sa bus e at parang statue lang dito "bakit kaya? May problema kaya siya?" Pag aalala ko kay Borj pero medyo nawalan rin nung nag usap na sila ni kuya after a while natapos na rin yung day namin in school, wala naman masyadong nangyari kasi

"Hi mom" sabi ko kay mommy nung inopen niya yung door for us

"Oh, ba't ginabi na kayo?"pagtatanong ni mommy saamin

"E kasi mommy na flat yung gulong ng school bus namin" pag papaliwanag ni kuya at agad naman kaming sumang-ayon ni Borj

"Mommy pwede po bang pumunta kanila Jelai? Sandaling sandali lang, gagawin lang po namin yung homework"pag p-please ko kay mommy

"Sandali lang ha, mag-ingat ka, bye" pagbibilin ni mommy

"bye" pag b-bye ni Borj saakin at ayon umalis na ako at pumunta kanila Jelai, pag katapos namin mag homework ay lumabas na kami

"Jelai,for you" pag aabot ni Junjun ng gift kay Jelai

"Sabi ko sayo e, tanggapin mo na yan" pag bulong ko sakanya ng mahina

"Thank you ah" pag kasabi ni Jelai non ay nagtitigan pa sila ng ilang minuto bago mag b-bye sa isa't isa

"Ay sus, kinikilig ka noh" pangangasar ko kay Jelai at ilang minuto pa ay nag bye na ako kay Jelai para umuwi na ako

-----&-----&---
╰⁠(⁠ ⁠・⁠ ⁠ᗜ⁠ ⁠・⁠ ⁠)⁠➝ Date:10/23/23
☆○o Words:835 ☆○o

Just the two of usWhere stories live. Discover now