Chapter 3.1:Borj's Problem

163 11 0
                                    

Roni's PoV

Pagkauwi ko ay nag decide si daddy na mag camping sa garden at alam kong wala naman kaming magagawa since it's the final decision na daw and it takes time bago namin na ayos yung tent, at malalim na ang gabi, ilang oras na siguro ang lumipas kaya tulog na sila mommy, daddy and kuya Yuan, pumunta muna ako sa gate para mag muni-muni dahil mahangin ang ihip nang hangin dito at nang bigla Kong nakita si Borj

"Borj! Anong ginagawa mo dito sa labas ng ganitong oras, wala ka bang balak matulog?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, anong oras na kasi e

"Ah, Roni hindi pa, nag papahangin pa kasi ako, hindi kasi ako makatulog e" pagkasabi niya saakin ay pumunta ako sa tabi niya para umupo sa sahig

"Borj? Umamin ka nga may problema kaba?" Pag aalalang tanong ko sakanya

"Wala noh, ako mag kakaproblema" patawa-tawa pa niyang sagot pero kita ko naman sa mata niyang hindi siya okay e

"Nako Borj, hindi mo ako maloloko noh, kanina pa kita napapansin na malungkot, ano bang problema mo?ishare mo naman saakin, makikinig ako promise" Sabi ko sakanya at hinawakan ko ang kamay niya para maging kampante siya

"Roni kasi si mommy e" naiiyak niyang sabi saakin habang pinipisil niya ng madiin yung kamay ko

"Borj, may nangyari ba kay tita Kristine?" Pag-aalala kong tanong sa kanya

"Si mommy mag papakasal na ulit" tuluyang pag-iyak niya saakin at humigpit pa lalo ang pagka hawak niya sa kamay ko, alam kong nahihirapan si Borj

"Borj, alam kong mahirap tanggapin ang pagkakaroon ng bagong asawa ng mommy mo pero ayaw mo ba siyang sumaya?" Pag cocomfort ko kay Borj

"Gusto kong sumaya si mommy pero masyado pang maaga Roni , ayoko pang mag-asawa ng ibang lalaki si mommy e" pagpisil niya lalo sa kamay ko

"Alam mo Borj, your feelings are so valid kaya kahit ano pang idecide mo na satingin mo ay maayos sayo, is okay but I think kailangan mong kausapin si tita Kristine para malaman niya kung anong nararamdaman mo o opinyon mo sa bagay na iyan, hindi ba?hayaan mo Borj nandito lang ako para sayo lagi, hindi lang ako pati narin sila mommy, daddy, kuya and Jelai " Pag akbay ko naman sakanya para lalo niyang maramdaman na nandito lang ako para sa kanya

"Thank you Roni ah, napagaan mo yung pakiramdam ko, hayaan mo Roniboy gagawin ko yang advice mo, sige na matulog kana, goodnight Roni, magpahinga kana ah" pag yakap saakin ni Borj at agad na itong umalis para makauwi na siya sa kanila,at bago ako matulog umakyat muna ako sa kwarto at kinuha yung diary ko para mag sulat ng mga nangyari saaraw ko.

Dear, diary

Maayos naman ang naging araw ko ngayon, bati na kami ni Kuya at parang mag ka-kaboyfriend na si Jelai, haynako kailan kaya yung saakin. Kanina nag usap kami ni Borj tungkol sa problema niya tungkol kay tita Kristine and sa magiging asawa niya, grabi pala ang dinadalang problema ni Borj, sana lagi nalang maging masaya si Borj dahil mas bagay sakanya ang nakangiti lalo na pag genuine ang smile niya dahil kita ang dimples niya,ang cute niya tignan.

"Roni, Yuan gumising na kayo at mag breakfast" pag gising saamin ni mommy at syempre pumasok na kami ni kuya pag kaupo palang namin ay may kumatok na

"Oh Borj sakto pag punta mo ah, mag breakfast ka muna"pag aaya ni mommy kay Borj

"Ah sige po tita hehe, hindi pa po ako naka pag breakfast e" pag upo naman ni Borj sa bakante na upuan agad naman akong tumayo para kuhaan siya ng plato para makakain din siya

"Good morning Borj" pag bati ko sakanya habang naka ngiti

"Good morning Roni"pag wave pa ni Borj saakin

Just the two of usWhere stories live. Discover now