Maaga akong pinagising ni Lolo. May pupuntahan daw kami. Dahil sa puyat ako sa kakalikot sa mga gadget ko at kakalaro sa x-box ay heto ako, parang zombie. Nasa hapag na ako ngayon at inaantok pa.
"Aly, hindi kba nakatulog ng maayos sa kama mo? Napapansin kung puyat ka palagi." Tanong sakin ni Lolo.
"Hindi po talaga ako sa kama natutulog Lo. Sa sahig po, pakiramdam ko kasi parang nilalamon ako dun sa kama e." Paliwanag ko kay Lolo
Narinig ko namang humagikgik yung isang katulong namin kaya tiningnan ko siya ng "tumahimik-ka-jan-look". At nilantakan ulit ang pagkain sa plato ko.
"Ah, ganun ba? Hayaan mo't masasanay ka rin. Pagkatapos mo jan ay maligo kana dahil may bibisitahin tayo." Sabi ni Lolo habang nagkakape.
"Opo Lo."
At yun nga, naligo na agad ako at nagbihis. Umalis na rin kmi ni Lolo. Nagsimba kami at pumunta sa sementeryo. May parang mansion na sa laki ang kinaroroonan ng Lola, papa at mama ko. Nagkwentuhan lang kami ni Lolo. Kinausap niya rin nang masigla ang larawan nila na para bang buhay na nakikinig. Nang nagtanghali na ay umalis na kami at pumunta sa mall. Dun na rin kami kumain.
Manghang-mangha ako sa nakita. Anlaki ng mall. May mall naman dun sa Surigao pero di gaanong malaki. First time kung makasakay sa elevator. Woohh.. Nakakalula naman! Para akong nahihilo, pero carry lang. Pagkatapos naming kumain ay pinasyal ako ni Lolo sa loob ng mall. Hanggang sa pumasok kami sa department store.
"Aly, pumili kana." Sabi ni Lolo sakin na nakangiti.
"E Lo, andami po kasi. Nalilito po ako kung ano ang pipiliin ko." Sagot ko. Pero sa totoo lang ay nahihiya ako sa kanya.
"Diba sabi ko sayo, lahat ng gusto mo. Ibibigay ko." Sagot niya na parang naiinis ang boses.
"Opo Lo, walang problema po yun sakin. E kasi Lo.." Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil tumawa siya ng mahina.
"Naiilang kaba sakin?" Nakangiting tanong niya sakin.
Tumango nalang ako sa kanya. Oo, naiilang ako sa kanya. Alam niyo na, kahit na Lolo ko siya ay naiilang pa rin ako.
"Okay, may pupuntAhan lang muna ako. Tapos ikaw mamili ka at bilhin mo. Lahat ng magustuhan mo. Ito yung gamitin mong pambayad." Paliwanag niya sakin ni Lolo at binigyan niya ako ng card.
"Ah, cge po. Pero panu po kita mahahanap mamaya?"
"Tawagan mo ako. Pinapunta ko nga pala yung driver natin para may katulong ko sa pagbitbit ng pinamili mo." - Lolo
"Ha? Ah, cge Lo. Ingat po kayo." Sabi ko at bumeso sa kanya.
Namili na ako at namili ng mga damit. Andaming damit ang nabili ko. Buti nalang pumunta yung driver namin, dahil pag ako lng ay talagang mahihirapan ako sa pabitbit nun. Pinahatid ko muna sa sasakyan yung nabili kong damit at sinabihang bumalik siya dahil kakain kami.
Pagbalik niya ay kumain muna kami sa McDo. Sa una ay ayaw niyang kumain. Panonoorin niya lang daw muna ako. Pero pinagalitan ko siya joke! Pinilit ko kaya ayun, tarantang umupo naman at kumain. Pagkatapos ay pumunta kami sa sapatusan at namili. Binilhan ko rin siya. Todo tanggi din siya pero ako pa rin ang masusunod. Hahaha! Masaya rin siyang kasama kaya di ko rin ramdam yung pagod.
"Ma'am.. Bagay po sa inyo ang mag-relo." -sabi ni Mang Ben nang nasa tapat kami ng reluhan. Gusto ko rin bumili ng relo. Wala kasi akong relo e.
"Tara mamili tayo Mang Ben." Aya ko sa kanya. Pili, pili, pili, wala akong masyadong nagustuhan hanggang sa dumating kami sa Casio G-shock. Ayun! Halos lahat nagustuhan ko. Hahaha
"Nakakalito naman, halos lahat gusto ko. Hahaha!"
"Ma'am, yung blue bagay sayo." Saad ni Mang Ben.
Kaya ayon, binili ko tapos sinuot agad. Binilhan ko rin siya at pinasuot agad. Nakakatuwa talaga si Mang Ben, aayaw-ayaw pero gusto naman pala. Tinawagan na rin namin si Lolo at sabi niya ay sunduin nalang daw siya sa entrance ng mall.
Nang makauwi kami ay dun ko na naramdaman ang pagod. Dun ko rin napansin na andami pala ng nabili ko. Waaahh... Kaya naligo na agad ako at natulog. Di na ako nagdinner, at bukas ko nalang aayusin yung pinamili ko.
BINABASA MO ANG
Electrified (AlyDen)
FanfictionYour stare is filled with static Your touch is so electric I give my world, I give my all I give you anything and more. Kwentong magbibigay aliw at kakintalan sa mga mambabasa. Ngunit nais ko ring iparating sa inyo na ito'y pawang kathang isip laman...