1 (Who Am I)

643 15 0
                                    

Kumusta? Ako nga pala Alyssa Caymo Valdez. 17 taong gulang at lumaki akong sanay sa hirap, in short galing ako sa mahirap na pamilya. Ayoko na pinagsasabihan o pinagsasalitaan ako sa mga ginawa ko. Ayaw na ayaw kong pinagpapakialaman ang buhay ko.

"Young master, kelangan po kayo ng Lolo niyo sa baba." Saad ng isang katulong na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko.

Tumango lang ako bilang sagot. Inayos ko muna ang damit ko bago bumaba. Nakita ko ang Lolo ko na nakaupo sa study table niya habang may binabasang newspaper.

"Lo, pinatawag niyo daw po ako."

"Yes, sitdown Aly." Sabi niya na hindi inalis ang tingin sa binabasa.

Naghintay ako na magsalita siya. Medyo nainip na ako kaya galaw na ako ng galaw sa upuan.

"Alam kong di ka sanay sa ganitong buhay, pero dito ka napapabilang Aly. Balang araw ikaw na ang nagmamay-ari lahat ng meron ako. Malaki ang pagkukulang ko sayo, alam ko yun, patawarin mo sana ako. Patawarin mo kami apo. Ikaw nalang lang mag-iisa kong lakas, ang nag-iisang pag-asa ko." Sabi niya sakin habang minamasdan ang buo kong mukha.

"Pero, panu po nangyari yun Lo?" Hanggang ngayon di ko pa rin naiintindihan lahat ng nangyari. Tingin ko'y nananaginip lang ako. Ang dati kong kinalakhang kubo ay naging palasyo.

"Hinanap kita, labinlimang taon na ang nakalipas. Wala akong pakialam nun kahit na maubos lahat ng meron ako, matagpuan ka lamang. Dalawang taon kapa lamang noon. Nasa private plane tayo, kasama ang iyong Lola, iyong ama at ang nag-iisa naming anak, ang iyong ina. Sa di malamang dahilan ay nagkaproblema ang eroplano, nawalan ito ng control at bumagsak tayo sa bukirin ng surigao del sur."

Nakitang kong nakayuko si Lolo at pumiyok siya nung banggitin niya ang ina ko. Ang nag-iisang anak nila Lola. Napabuntong hininga nalang ako. Swerte ko rin pla dahil nabuhay ako sa aksidenteng yun.

"Sabihin mo lang Aly lahat ng gusto mo. Ibibigay ko ng walang alinlangan." Sabi ni Lolo sakin hinimas ang balikat ko at ngumiti.

Tumango nalang ako sa kanya.

"Wag mo nang isipin sina Belen, pinagdalhan ko sila ng pera dun. Pinatayuan ng bahay, binilhan ng mga lupain ang lahat ng angkan niya. Maaari din silang pumunta dito kahit kelan nila gusto." Sabi pa ni Lolo.

"Po? Ginawa niyo po yun? Salamat po Lo." Sabi ko sa kanya at yumakap.

"Kung tutuusin, kulang pa yun apo. Sa pag-aaruga at pGpapalaki niya sayo."

"Salamat po Lo, malaking tulong po ang ginawa niyo kina Nanay." Naiiyak kung saad sa knya.

"Pwde ba akong humiling sayo apo?" Tanong ni Lolo sakin.

"Opo, ano po yun Lo?"

"Dito kna magpapatuloy ng pag-aaral mo. Malapit na rin pasukan. Dito kna titira apo at wag kang mahiya saking lumapit kung may kailangan ka."

"Hahaha.. Lolo naman e. Akala ko na kung ano. Syempre po Lo. Sabi mo nga po diba, dito ako nabibilang." Masayang sagot ko kay Lolo.

"Hmm.. You remind me of your mother. Thank you apo. I love you so much apo. Ngayon, pangako kong di na tayo magkakahiwalay pa." Naluluhang sabi ni Lolo.

"Mahal na mahal ko rin po kayo Lo." Sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Sa loob ng 3 linggo kong pananatili dito sa bahay ni Lolo ay mas nagiging napalapit ako sa kanya. Kamukhang-kamukha ko rin siya, para bagang boy version ko siya.

Binilhan niya ako ng X-box at nilagay sa kwarto ko para daw di ako mabored. Takot rin kasi akong lumabas baka mawala ako. Anlaki kasi ng manila. Binigyan niya rin ako ng laptop, cellphone, ipod at ipad. Nung una, di ko pa alam panu gamitin yung mga yun na bigay niya. Puro touch screen kasi pero kalaunan ay natutunan ko rin. Pati na rin yung iba pang gadget. Halos buong araw na akong busy sa gagamit ng gadgets ko at xbox.

Electrified (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon