ch 31:"Accident"

13 3 0
                                    

668X

__________
Max pov
_________

Maaga akong nagising dahil kailangan pa naming isubnit Ang project, nakabihis na Ako at papaalis na Rin ko nang tumawag si Manang Ang taong pinagkakatiwalaan namin sa bahay..

"Hello po Manang." bungad ko..

"Ija Ang Nanay at tatay mo nagaaway nanaman sa Sala Hindi kona sila mapigilan." Sabi nito, napahawak Ako sa ulo ko sa inis bakit Ngayon pa..

"Uhmm manang Hindi po pwedeng pumunta ko dyan may importante po akong gagawin sa school." pakiusap ko rito bago pa sumagot si Manang narinig ko Mula sa telephono Ang malakas na basag nang isang bagay at sigaw ni Mom..

Hindi nako nagdalawang isip pa agad akong tumakbo papalabas at iniwan Ang project na pinaghirapan ko kagabi..

Agad akong sumakay sa motor ko at pinatakbo nang mabilis tungo sa bahay..

...

Nang makarating ako pagpasok ko sa pinto bumungad sakin ang mga basag na vase at Ang Kalat sa Sala kita ko rin na umiiyak si Mom sa harap ni Dad at nakaluhod si dad sa harap ni Mom at isang babaeng nasa likod ni Dad, na Ngayon ko lang Nakita..

"Ano bang nangyayari dito? Mom? Dad?!" Inis na tanong sa parents ko..

"Ngayon sabihin mo sa anak mo Ang ginawa mo!!!!" Sigaw ni Mom kasabay nang pagturo sakin..

"I'm so sorry." umiiyak na Sabi ni Dad habang nakaluhod sa harap ni mom..

"What's happened Dad?." Kalmado Kong tanong habang papalapit sakanya..

"YANG AMA MO NAKABUNTIS NANG IBA, YANG BABAENG YAN ANG NABUNTIS NANG AMA MO!!! "Sigaw ni Mom sabay turo sa babaeng nasa likod ni Dad, napatingin Naman Ako sa babaeng nasa likod ni Mom..

" What?."Mahinang Sabi ko habang unti unting nararamdaman Ang sakit sa sinabi ni Mom bigla akong tumingin Kay Dad ba naka luhod parin..

" Dad, it's that true?." Naiiyak kong tanong sa Ama ko..

" I'm so sorry Anak."Sabi lang nito sa tanong ko, Hindi mapigilan nang taksil Kong luha Ang tumulo, halos matumba Ako sa sakit na nararamdaman ko Ngayon habang patuloy sa pagiyak..

" ANO BANG KLASING PAMILYA TO!! ARAW ARAW NALANG KAYO NAG AAWAY NI MOM AT NGAYON ITO PA DAD,INISIP NYO BA NA MASASAKTAN DIN AKO,ANAK NYO KO NA ARAW ARAW HINIHILING NA SANA MAGING MAAYUS NA ANG PAMILYANG TO PERO BAKIT GANUN PARANG MAS LALO PANG LUMALA ANG NANGYAYARI!!! "Galit na sigaw ko Kay Dad..

" I hate you Dad." Galit na sambit ko sakanya kasabay nagpagturo ko sakanya..

" Umalis kana sa pamamahay ko at sa buhay namin!"Galit na pagtataboy ni Mom..

" Isama mo narin yang babae mo at lumayas ka sa bahay ko, get out!!. "Umiiyak na pagtataboy ni Mom, umalis si Mom nagtungo sa kwarto nya, linapitan ko si manang..

" Manang paki asikaso nalang po si Mom kayo na po Ang bahala sakanya babalik po Ako kaagad."bilin ko Kay manang tumango Naman ito, naglakad nako papalabas, narinig ko pa Ang huling tawag sa pangalan ko ni Dad pero hindi kona pinansin yun at tuluyan na akong lumabas..

Sumakay na Ako sa motor ko at mabilis na pinatakbo pabalik sa condo ko para Kunin Yung project namin, dahil sa gulo nang isip ko at patuloy na inuulit nang isip ko ang ngyari kanina at sa nangyayari sa Buhay ko, hindi ko namamalayan ang bilis nang takbo nang motor ko hanggang sa hindi ko na malayan na may biglang humintong kotse sa harap ko, hindi na ako nakahinto at tuluyan akong bumangga sa likod nang kotse at tumilapon Ako tungo sa unahan nang kotse..

Nakita ko pa ang paglapit sakin nang mga tao bago ako tuluyang nawalan nang malay..



__________
Mon pov
_________

Dumating na si Hydro dala ang project namin, Sabi nya samin wala si Max sa condo nya at kinuha na nya ang project at binigay samin, naalala nya ang sinabi ni Max na napaka importante nang project na yun at ayaw nyang bigoin kami kaya kahit wala syang pahinga ginawa parin nya yun..

Subra kaming nagaalala kay Max habang nagrereport nung project namin iniisip parin namin sya dahil hanggang ngayon wala parin sya dito..

Inutusan naman ni Hydro ang mga bodyguards nya na hanapin si Max habang tinatawagan naman nya ni Max nang paulit ulit,at hinihintay na dumating..

Lumabas kaagad kami nang matapos ang report namin dahil sa pagaalala namin kay Max..

"Ano na contact mo na ba si Max?" May pagaalalang tanong ni Fai Kay Hydro..

"Not yet. but her phone still ringing." kinakabahan na sagot ni Hydro..

"Subukan mo ulit." Sabi ko..

Sinubukan ulit nyang tawagan si Max at Maya Maya sumagot na ito. linakasan na ni Hydro Ang speaker nang phone nya..

"Max where are you?." Pagaalalang tanong ni Hydro kahit hindi pa nagsasalita si Max..

"Sorry, I'm nurs lyn, are you Max Hellxien relatives?" Tanong nang babaeng sumagot kinabahan kaming lahat sa sinabi nang babae..

"No. we are friends of Max." sabi ni Fai..

"Pumunta nalang po kayo Dito sa hospital at paki inform nalang po yung pamilya nya."Sabi nang Nurs na sumagot..

Pinutol na ni Hydro ang tawag at nagmamadali na kaming umalis para puntahan si Max sa hospital..

Nakasakay sakin si Fai habang si Janine Naman nakay Hydro na kotse halos palipadin na namin Ang kotse sa bilis at pagaalala namin Kay Max..

...

Nang makarating kami sa tapat nang hospital halos lakad takbo na Ang ginawa namin para lang makarating roon..

...

Nakarating na kami kung nasan si Max at naka Sara pa Ang pinto Ng ICU,umupo muna sila sa gilid habang Ako Naman hindi mapakali at ganun din si Hydro..

Maya Maya din lumabas na Ang doctor galing sa ICU ..

Mabalis silang tumayo at lumapit sa doctor..

" How she is?."Tanong ni Hydro..

" She fine. she have a small injury in her head buti nalang nakasuot sya nang helmet, pero Hindi pa namin alam kung kailangan sya gigising."paliwanag nang doctor,at staka ito umalis, bumalik ulit sila sa pagkakaupo at iniisip ko kung ano Ang nangyayari Kay Max..

Maya Maya rin dumating na ang ina ni Max..

" How's my daughter?."Umiiyak nitong tanong kasama Ang isang matandang babae na nasa likod nya Ang taong nagalaga sakanya noong bata pa sya..

" She's fine. Mom don't worry." mahinhin na Sabi ko para pakalmahin ito, Mom na Ang tawag namin sa magulang nang bawat Isa samin dahil Rin sa sanay na kami, dumating narin Ang Ama ni Max..

Bago pa ito makalapit,isang malakas na sampal Ang dumapo sa muka nya Mula sa Ina ni Max..

" Kasalanan mo Ang lahat nang ito,at pumunta Ka pa Dito umalis kana dahil ayukong Makita Ang muka mo!!!"Galit at umiiyak na sumbat nang Ina ni Max sa asawa niya..

"Mom Tama na po." pakiusap ko rito lumapit na Rin sila Fai samin..

_______________________________________________

The Secret Life Of Mafia's daughter Where stories live. Discover now