Surprise

5 0 0
                                    

Ashley's POV

5 days na 'kong 'di umuuwi sa'min. Si Mom nga laging tumatawag. Pero di ko sinasagot. Dami nga rin ng text messages nya na 'baby, where are you?', 'anak, come home please.' , 'i miss you, anak. mom's worrying' .. Haha! Haayy... Mas namimiss ko sya. Kaso nga lang, kailangan eh. Para sa plano.

Sa 5 days na wala ako sa bahay, nandito ako sa Mini-house 'KO'. Binili ko 'to nung nag-graduate ako ng high school. Walang may nakakaalam nito. Once in a blue moon lang kasi ako umuuwi rito. Kapag napagtripan lang or kailangan lang talaga. Actually, sa likod lang 'to ng mansion namin. Parang connected sya pero ako lang ang nakakaalam.

"Besty, saan natin gaganapin ang surprise?" Tanong ni Darlene pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng school.

"Hmm... Sa Tarlac..Ikaw ng bahala sa kanya. Mauuna na ako papunta run. Alam mo naman siguro yun dahil napuntahan na natin yun nung isang araw." Paliwanag ko.

"Ok. Bukas na talaga. Sige upo na 'ko."

Can't wait.. Mamaya na 'ko babyahe. :)) Sana magustuhan niya. Sana mapasaya ko siya. Siya na lang kasi eh.

Uwian na! And time na para bumyahe papuntang Tarlac. Tsk. Bakit kasi 7PM yung uwian? -_-

"Sige, Besty. Una na ko. Baka umagahin pa 'ko sa byahe. Ikaw na ang bahala sa kanya bukas." Paalala ko kay Darlene.

"Ok Besty. Ingat ka." Nagbeso kami at umalis na 'ko.





Darlene's POV

Whooh! Nandito na 'ko sa bahay nila. Kinakabahan ako. Pero keri lang. Fighting!

"Welcome, Ma'am Darlene" Pang-welcome ng mga maid sa'kin. Astig talaga rito! :))))

"Good morning! Anjan ba si Tita Sam?"

"Yes, Ma'am Darlene. Nasa garden po." Magalang na sabi ng maid.

"Ok. Puntahan ko lang sya. Sige, salamat." Yumuko lang siya at umalis na. Pumunta naman ako sa garden.

"Hello, Tita Sam!" Masayang bati ko kay Tita.

"Oh, Hija. Napadalaw ka? Wala rito si Ashley. 6 days na syang di umuuwi eh." Malungkot na saad nya.

"Naku! Baka nakipagtanan na po sya! Hala! Ano pong gagawin natin? Saan po natin sya hahanapin? Di rin po sya pumapasok eh." Hysterical kong sabi.

"Pero... Saan kaya ang anak ko?May nasabi ba sya sa'yo, Hija?" May pag-aalalang tanong ni Tita sa'kin.

"3 days ago po, tumawag po sya sa'kin. Ang sabi nya po nasa Tarlac po siya. Puntahan po natin sya.Baka naman po nandun pa rin sila." Pagsisinungaling ko kay Tita.

"Osha, sige. Try natin. Halikana. Naku! Ang batang yun talaga! Kebata-bata, mag-aasawa na. " Hahaha! Nakakatawa talaga itong si Tita Sam. :D

Yun, bumyahe na kami. Nakaka-guilty mang magsinungaling. Pero kailangan para sa plano. Ang tagal... Pero malapit na kami.





Ashley's POV

Sa wakas! Andito na sila. Sakto! Tanghalian na, at nagpareserve na 'ko. Maganda ang place na 'to sa kanya. Lalo na't matagal ng 'di sya nakakapunta rito. Siguro 10years na.. Naalala ko lang na favorite spot namin 'to noon. Talagang nakakarelax kasi kami dito.Maganda pa ang ambiance. Dahil yung parang bahay kubo ay nagpo-floating. At may maliit na falls sa dulo. At ginawa ko 'tong restaurant. Then nandito lahat ng seafoods menu at mga paborito namin ni Mom. May mga statue at garden din pala. Pwede ka pang mamingwit ng isda, Free to catch. Taz may small bridge dun sa dulo papuntang falls. Sikat na 'to ngayon. Eto yung pinag-ipunan ko sa... basta.. Hehe!

Papalapit na sila. At nilapitan ko na lang sila para batiin at mag-proceed na kami sa bahay kubo. xD

"Hello, Mom! :)" Sabay beso sa kanya. Mukhang nakatulala si Mama..

"It looks familiar. Is it a restaurant? The ambiance is nice. By the way, where's the guy you are with to run away?" Mom asked me with panlilisik na mga mata. Haha!

"Yes, Mom. Haha! That's my reason po, so that you can go here. And I succeeded because you came. And Mom, Happy 47th Bithday! This is my surprise plan for you. You like it?" I said while grinning. Bumaling ako kay Darlene. " Thanks Besty to convince my Mom."

"Nah! I love it, Baby! And you! Talagang nakipagsabwatan pa kayong dalawa! Psh." Pero nakangiti nyang sabi.

"Mom talaga oh. Haha! Tara na sa loob." I guided them inside. Eto, magpapaka-waiter muna ako just for this day.

"Welcome to SAMSAM Restaurant!" Sabi ko sa kanila with my sweetest smile. Nag-smile din sila. Ni-lead ko sila sa bahay kubo #11. Mayroon itong 20 kubo. At dun ko sila dinala sa #11.

"Hello,Ma'am! I'm Ashley, your server today. This is our menu card. Free to choose Ma'am. It's free." Haha! Na-amaze ata si Mom.

"Ok, I'll take all in the menu. Thank you." Haha! Mukhang natatawa pa si Mom nung sinabi nya yan.

Free 'to syempe para sa kanya. At yun nga, talagang inorder ni Mom ang lahat ng paborito namin. xD Kaya ako naman, pina-prepare ko na yun. Bahala na ang mga tauhan ko sa orders ni Mom.

"Excuse me, Ma'am. Can I join you here? I heard that it's your birthday? Happy Birthday then." Natatawa kong sabi kay Mom at kay Darlene.

"Lokaret ka Besty! Haha! Bagay sa'yo! Joke!" Makatawa naman 'tong si Besty. Haha!

"Sure. Haha!" Sabi ni Mom na natatawa rin.

At yun nga nag-start na kaming kumain hanggang sa tapos na kami. At masaya ako dahil napasaya ko si Mom pati si Besty. Nasarapan din sila sa foods. Satisfied na 'ko run. :)

At sinabi ko na rin kay Mom na sa'kin tong restaurant na 'to. Nagulat pa nga sya eh. Pero di na sya nagtanong kung paano ako nagkaroon ng restaurant sa edad na 19.

"Thank you, Baby. This is the happiest birthday I ever had! I love you, anak!" Si Mom talaga oh. Teary eyed pa talaga. Pati si Besty. Haha! I hugged her. At nakisama na rin si Darlene sa drama namin. Ang saya nitong surprise ko kay Mom.

"I love you too, Mom! Also to you, Besty.. " Teary eyed na rin tuloy ako.

Man Hater's MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon