Party

0 0 0
                                    

Ashley's POV

Sinagot ko na si Kent three weeks ago. So, malapit ko na rin siyang i-break. Pero bago yan, may plano pa kami. Plano namin magsyota. Saktong 1 month namin ni Kent ang party. At plano namin ng Besty ko sa kanya ay... Basta!  Masaya ata to. Haha!

Andito kami ngayon ni Darlene sa classroom. Nagsusulat siya sa Plan book namin. Ako nagdidiscuss lang ng gagawin. Pwede naming gawin to sa room kasi wala naman kaming kasama rito. Sinisigurado namin kung may tao o nakikinig sa amin. At ni-lock ang pinto. Syempre, nakasalalay ang safety namin. Haha! Bawal ma-bulgar ang plano.

"So, magkakaroon tayo ng surprise party dito sa room natin. Tutal, na-check ko sa schedule ng Profs natin na itong si Mrs. Fernandez eh mag-aabsent sa Friday." Sabi ko kay Darlene na sobrang nakikinig at seryosong sinusulat ang plano.

"Then?" She asked.

"Yun na rin ang time sa plano natin sa boyfriend ko. Papasayahin natin sila at pagkatapos gugulatin." Nakangisi kong sabi.

"That's nice. Expert ka na talaga Best. Haha!" Tawa nya.

"Ako pa! Oh then, maglagay na rin tayo ng video chips. Para ma-capture ang moment. Para kapag na-bored tayo, papanoorin natin. Haha!" May pagkaloko ba? Yan ako eh. Hi hi!

"So, ito lang ba?"

"Nope. I-add mo si Ms. Aquino landi. Para masaya." Seryosong sabi ko.

"I like that too, Besty. So pwera sa mga classmates natin, dapat andito rin sina Kent at Ms. Aquino. Hmm... Excited na ko sa mangyayari. " nagniningning pa ang mga matang sabi ni Darlene.

"Yes. It's more exciting because that slut's gonna be the main topic when Monday comes. Haha! Pero dapat magmukhang ako yung niloko ha. I-capture natin kung sakaling naglandian ang dalawa. Playboy at flirt. Boomm! Hahaha!" Tatawa-tawa kong saad.

No worries naman ako sa amin. Kasi sisiguraduhin kong hindi masasangkot ang pangalan namin ni Darlene. Yun lang ang "kunyareng niloko ako ni Kent para kay Landi.

Friday na ngayon. At nagpi-prepare na kami sa secret party na to. Buti na lang talaga at sound proof lahat ng rooms dito. Para hindi raw maiistorbo ang klase kapag maingay sa loob o labas.

"Besty, magpapa-VIP daw si Cassandrang malandi. Ayon kay Che." Pag-iinform sa akin ni Besty.

"Ok lang Best. Mas OK nga iyon eh. Para mas lalong thrill. Haha!" May naisip kasi ako.

" o sige Best. Kumpleto na tayo rito. Paparating na si Kent. At naka-ready na lahat. So, relax na tayo ng kaunti. " sabay wink nya. Kulit lang..

"Ok. Thanks Best. Kaya Labz kita eh. Pinapasaya mo ko. Hehe! " hinug ko na rin sya. LoL..

Mag-uumpisa na kami. May tugtog na at alak. Syempre, kapag ako nagplano, malulusutan.

"Hello Classmates! Mag enjoy lang muna kayo sa mini party at secret party na rin. Mamaya na ang thrill. Relax at enjoy muna!" Joyful na sabi ko. Nagsitanguan naman sila. Talagang nag eenjoy sila.

Maya-maya pa'y nakita ko na si Kent. Kakapasok nya pa lang. Pero kasama nya si Aquino. Nice capture.

Nakita kong lumingon-lingon si Kent. Tumingin ako sa iba nung alam kong dito na sya lilingon sa side ko. At tumingin ulit ako sa side nya. Nagtama ang tingin namin. Lumapit sya sakin at iniwan si Aquino dun.

"Hi babe!" Bati nya sakin bago ako hinalikan sa pisngi.

"Hello babe! Na-late ka ata?" Kunwa'y tanong ko.

"Bumili pa 'ko ng regalo ko para sa 1st month natin. Sana magustuhan mo." Inabot nya sakin ang gift at nag-smile.

"Thank you babe. Sa monday na lang ang gift ko babe. Naiwan ko kasi sa condo." Hinging paumanhin ko. Pero abg totoo,wala naman talaga akong gift. Pero surprise meron. Sa monday pa nga lang. Alam na this.

"It's ok babe. So, let's have fun! By the way, happy 1st monthsary"

"Same babe" tipid kong sabi. At yun, pumunta na kami sa drinks table. Yung puro drinks lang. Mejo maliit na kasi sa room. Marami kasing pumunta.

"Wait babe. I'll go to the other rooms muna. Tingnan ko lang iba dun." Paalam ko kay Kent.

"Sure babe. I'll wait you here." Umalis na ko.

Pero sa totoo lang, sinadya ko yun para may makuha kaming magandang kuha nila ni Cassandrang malandi. Haha!

Pumunta ako sa computer lab. Nandun kasi si Darlene. Dun nya tinitingnan ang video sa party. Di na ko pumunta sa kabilang room na sinabi ko kay Kent. Kasi alam ko namang may mga kababalaghang nangyayari dun. Haha!

"Musta best?" Tanong ko agad kay Darlene.

"Mejo marami na akong nakuha best." Sagot nya. Naka-focus pa rin ang mga mata nito sa screen ng laptop.

"Kapag patapos na, saka na 'ko babalik dun" ani ko. Tumango lang si Darlene. Kapag ganito kasi, enjoy na enjoy sya.

Malapit ng matapos ang party. Bumalik na 'ko dun.

"Ang tagal mo naman babe. Patapos na ang party, di man lang kita na-solo" salubong na saad ni Kent sakin.

"May problema lang kasi. Pero maayos naman na. " Maagap kong sabi. "Uwi na tayo. Napagod ako eh." Nag-aya na akong umuwi. Dahil totoong pagod na 'ko.

"Osige. Hatid na kita" hinatid na 'ko ni Kent sa condo.

"Bye babe! Ingat!" Hinalikan ko sya sa labi. Huli na kasi to eh. Haha!

"I love you babe. Good night!" Paalam ni Kent.

Nakahiga na ko sa kama. At natawagan ko na rin si Darlene. Nakauwi na sya. Buti naman. Bukas na namin aayusin yung mga kuha nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Man Hater's MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon