Kimchi

10 0 0
                                    

Kim.. Kim ang pangalan niya. Schoolmate ko siya since highschool.. naging classmate ko pa nga siya sa P.E. class non. 18 years old na si Kim, simple lang mag-ayos. Yung tipong palagi siyang naka-pony tail pero hindi siya nakakasawang makita kapag nasa school siya. Sobrang talented si Kim, mahilig sa sports lalo na sa voleyball. Sumasayaw din siya at naggigitara. Most of the time, tumutugtog siya ng mga kanta ni Sir Chits. :) 

Maraming nagkakagusto kay Kim (isa na ako don.), Since freshmen highschool palang kami, crush na crush ko na si Kim. Minsan naiisip ko na sana pwede ko siyang i-text. Tutal may number naman siya sa phone ko kahit na every year nagbabago siya ng number and network. Friends kami sa facebook. Syempre dun ako nang-iistalk ng mga pictures niya. Halos mapuno na memory ng phone ko dahil sa mga pictures niya. Ang sarap kasi matulog kapag siya yung huli mong makikita sa gabi, tapos gigising ka sa umaga na parang siya yung gumigising sayo. Dagdag motivation pumasok.. kahit sobrang nakakatamad. 

Tuwing nakikita ko si Kim sa school, hindi ko alam kung masaya ba ko o masasaktan. Araw araw may nagbibigay sa kanya ng flowers and chocolates. Minsan nga may malaking stuff toy pa pero sobrang napakadalas ng chocolates and flowers. Buti nga di tumataba si babes eh. 

Nasasaktan ako kasi hindi ko masabi at mapakita sa kanya na gusto ko siya. Sa dami ba naman ng nanliligaw sa kanya eh, ayokong makisali sa mga babasted-in niya. Haha! Hindi pa nga ako nanliligaw alam kong basted na ko dun. Madami kasing mayaman sa school, lahat na ng kayamanan sa mundo kinamkam nila. Ang daming kotse eh! Pagandahan sila ng porma mapatingin lang nila si Kim. Hindi ko alam bakit si Kim pa pinopormahan nila, madami namang ibang maganda sa school. Nagkalat silang "magaganda" pero kapag tumabi kay Kim tumataob sila. 

Mistisa si Kim. Tamang taas lang, tama lang para sakin. Isa sa mga nagustuhan ko kay Kim eh yung mata niya. Ramdam na ramdam ko yung "butterflies" sa tiyan ko kapag tumitingin siya sakin. Dalawang beses pa lang ako tinitignan nun eh! Yung una nung pinalabas ako sa room dahil late ako, eh saktong sakto dumaan siya sa hallway. Ayun napatingin sakin ng naka-half smile. Haha! Atleast parehas kaming late. :") Yung isa ayoko ng i-kwento kasi hindi kapa 18. Pero hindi lang naman dahil sa itsura niya kung bakit crush na crush ko siya eh. Kahit sino kasi alam na sobrang napakabait ni Kim. Marunong siya makisama sa kahit kaninong mga tao. Hindi siya nagmamaganda kahit maganda siya, hindi siya kagaya ng iba na hindi na namamansin porke maganda na sila. Hindi siya namimili lang ng mga gwapo o magagandang kaibigan. Sa madaling salita, HUMBLE si Kim.. Hindi HAMBOG na parang bitch. Jokeszzxx. Ahh basta! Perpekto na si Kim para sakin.. 

KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon