Siguro iniisip mo na ampanget panget ko kaya hindi ko maligawan si Kim. Kasi kung may itsura ako at may maipagmamalaki, edi sana maglalakas loob akong manligaw sa kanya dahil kahit papano may itsura ako, may pag-asa ako. Diba? Iniisip mo din siguro na pobre ako at walang mapabaon sakin mga magulang ko kaya di ko maligawan si Kim. Diba? Wala nga akong baon sa school manliligaw pa ko sa isang babaeng kilala ng buong school. Pwes.. NAGKAKAMALI KA!
GUNGGONG lang ang magsasabing mahirap at pobre ako. Makakapasok ba ko sa school na nagkalat ang sasakyan, babaeng makakapal magmake-up na araw araw iba iba ang bag na dala dala, mga lalakeng kung makapagspray ng pabango sa tabi tabi mapakita lang na may pera sila, mga estudyanteng nababayaran nila teacher nila para lang makakuha ng tres(3). Kakaibang kakaiba school ko. Andito na lahat ng pinakamayabang na tao sa mundo. Yung tipong kapag may new product and Apple, "yo, check out my new Iphone 5. Pretty cool, huh?" maririnig mo sa kanila. Para silang mga probinsyanong first timer sa Maynila.
Anyways (NUKS english), Ako nga pala si Milo. Mamatay na matawa sa pangalan ko. Hindi ako mahilig sa Milo kaya yan pinangalan sakin ng mga magulang ko. Nung mga 7 years old na ko, tinanong ko si mama kung bakit Milo pinangalan niya sakin.. eto nalang sasabihin ko. Milo means love.. Yan lang sinabi sakin ni mama nuon. Tumango nalang ako sa kanya kasi masaya na ko na nalaman ko ibig sabihin ng pangalan ko.
Tpos ayun, si mama lang nagpalaki sakin. Si papa kasi maagang namatay.. Lungkot nga eh. Kaya naiinggit ako sa mga may tatay dyan, wag kayo pasaway. MYPP!! Make your Papa Proud tangek.
Ako si Milo. Isang normal na estudyante na hindi marunong makipagkaibigan. Siguro nakuntento na ko sa kakarampot kong kaibigan. Sila kasi yung mga kaibgang hindi ka man tulungan sa mga simpleng bagay, pero kapag dumating na sa kagipitan.. Hindi ka naman nila iiwan. :) Isa sa mga talent ko ang paglalaro ng basketball, maraming nagsasabing dapat sumali ako sa vasrsity team pero ayoko. Ayokong magrepresent ng isang napakawalang kwentang school. Not the quality of education but the students, kasama na mga iilang mga teachers. Trip ko din maggitara, kumanta pero ayokong ayoko sumayaw.
Wala ka ng dapat malaman sakin bukod sa mahal ko si Kim.