Hindi na niya alam kung ilang oras na siyang nanatili sa lugar na yon. Kailangan niyang umiyak, kailangan niyang ilabas lahat para pag alis niya sa lugar na yon makakakilos na ulit siya ng normal.
Nasa St. Claire Monastery sa Cabuyao, Laguna siya ng mga panahon na yun.
Magkasama sana sila ng boyfriend niya ngayon kaya lang, ilang araw na ba sila hindi nagkikita? Ilang araw na ba silang di nag kakausap simula ng magsent ito sa kaniya na ayaw na niya sa relasyon nila?
Tahimik lang siyang nakaluhod at nakapikit. Iniiyak niya lang ng tahimik ang lahat. Nasasaktan siya pero hindi niya dapat iyon ipakita.
Makalipas ang dalawang oras, umayos na siya ng upo. Ramdam niya na pinagtitinginan na siya ng mga tao na napasok sa chapel ng monastery, pero wala.siyang pakialam. Walang nakakakilala sa kaniya sa lugar na yon.
Dito siya lagi napunta pag di na niya kaya ang sakit at bigat ng pakiramdam niya.
Nagmulat siya ng mata, nakayuka parin siya, kahit di siya magsalamin alam niyang mugtong mugto ang mata niya.
Hinanap niya ang slaamin sa bag niya at isinuot iyon. Nagdasal lang ulit siya at tumayo na.Tuwing 11:00AM ay sinasaraduhan ang monasteryo at binubuksan ulit pagdating ng 1:00PM.
Nagtirik lang siya ng kandila at umalis na sa lugar.
Pagdating ng apartment na inuupahan niya sa Santo Tomas, Batangas ay natulog munasiya. Di narin muna siya kumain kailangan niyang magpahinga para sa trabaho niya bukas.
Nagising siya ng hatinggabi, nakatitg sa kisama at dahang dahan bumangon. Naghanap siya ng kwaderno at ballpen.
Nag umpisa siyang magsulat.
DAY 1 - August 12, 2018
Kung pede lang sumuko sa mga oras na to, sumuko na ako.
Yung lahat mg iniisip ko at nararamdaman ko, gusto kong mawala. Pero papaano? Hindi ko pedeng ipakita na di ko na kaya. Kailangan kasi na maging okay ka eh, kasi wala namang dahilan para maging hindi okay.
Ang hirap lang na wala kang pedeng pagsabihan ng nararamdaman mo na hindi mag iiba tingin nila sayo. Mahirap. Sobra.
Minsan iniisip ko, wala ba akong pedeng maging dahilan para magbreakdown, para bumigay at iiyak lahat ng frustrations, insecurities at anxiety ko?
Pede ba kahit isang beses lang bumigay ako at sabihin lahat lahat?
Sana okay lang, sana pede.
------
Isinarado na niya ang kwaderno at bumalik na ulit sa pagtulog.
YOU ARE READING
Simply Alethea
De TodoDiary of a woman, a woman who needs to love herself. Alethea Leviste Santiago, an independent woman. She is 28 years old and a teacher. A woman who choose to give up her love life than her career. A woman who needs someone to love her without he...