Hi, ako si Ara. Simula noong bata pa ako ay mahilig na akong manuod ng mga horror movies at magbasa ng mga nakakatakot na kuwento. Minsan nga ay inaabot pa ako ng alas dos ng madaling araw kakapanuod ng mga vlogs about paranormal investigation. Iyon ang madalas kong ginagawa until I decided na gumawa rin ng kwento na horror din ang genre.
Natutuwa ako tuwing natatapos ko ang isang kabanata at paulit-ulit ko siyang binabasa bago ako matulog. Highschool pa lang, ako ay nag-uupload na ng mga kuwento sa wattpadd app. At ngayon, naisipan ko gumawa ulit ng panibagong kuwento pero wala akong balak na i-publish ito kaagad dahil balak ko muna sanang tapusin. Kaya naman, lahat ng draft ko ay isinulat ko muna sa blankong notebook na nakita ko sa luma naming cabinet. Halos kalahati na ng notebook ang napunan ko ng kabanata at excited na ako na matapos iyon.
Akala ko ay tuloy-tuloy na akong makakapagsulat pero akala lang pala iyon…
Nagkayayaan kasi ang pamilya ko na magkaroon ng family field trip sa isang Mountain River Resort na may kalayuan sa amin ang distansya. Halos kalahating araw ang biyahe pero sulit naman, dahil nang makarating kami sa lugar ay namangha kami sa gandang taglay ng buong area. Maraming mga puno, mayroong malalaking mga bato sa paligid at may malinis na ilog sa ilalim ng tulay na gawa sa kahoy.
Walang mga rooms na ino-offer ang resort at aware naman kami doon. Kaya nagdala kami ng sarili naming tent para mayroon kaming tutulugan sa loob ng dalawang gabi. Ang sabi ni Tito ay mayroon naman daw dalawang public cr kaya okay lang. May pinareserve rin si Tita Minang na isang malaking cottage para sa aming lahat.
Nang makababa kami sa van ay agad na napalingon sa akin ang matandang caretaker na kasalukuyang kausap ni Tita Minang. Namutla ito at umiwas ng tingin sa akin. Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon nito nang makita ako.
"Bet mo?" pang-aasar ng katabi ko.
Naiinis kong tinapunan ng masamang tingin si Angelo. Natatawa nitong kinuha ang cooler sa trunk ng van. Iniwan ko siya doon at sumabay ako sa mga babae kong pinsan na tumatawid na sa tulay.
Napapansin ko ang pagsulyap-sulyap ng caretaker sa akin kaya hindi ko naiwasang samaan ito ng tingin. At mabuti nalang dahil tumigil rin siya sa kakasulyap. Mabuti at mukhang napansin niya ang pagtataray ko.
Matapos kaming igiya nito sa cottage ay nagmamadali itong umalis at hindi masyadong maayos na nagpaalam kina Tita.
"Anyare dun?" narinig kong sambit ni Gio. Ang pinakabatang pinsan kong lalaki at nag-iisang anak ni Tita Minang at Tito Eddie.
"Tinarayan pa'no ni Ara, nabadtrip ‘ata" pang-aasar ulit ni Angelo. Binalingan siya ni Gio at handa na ring mang-asar.
Bahagya kong sinipa ang maleta ni Angelo na ngayon ay malapit sa paa ko.
"Ikaw 'yong nakakabadtrip"
Nag-squat siya at pinagpagan ang maleta niya.
"Bago 'to ha!" sigaw niya sa akin.
Pero inisnaban ko lang siya at pumunta sa loob ng cottage.
Habang nag-aayos ang mga tita ko ng paglulutuan sa cottage, nagpasya kaming magpipinsang babae na magfix muna ng mga tent sa ibaba. Nahuli akong mag-ayos ng tent dahil hinanap ko pa yung nawawalang guy wire. Napansin ko rin na nahihirapan ang pinsan kong si Eli na itayo ang tent niya.
BINABASA MO ANG
KUWADERNO (ONE-SHOT STORY)
Mistério / SuspenseThis is my entry for my school's 'Halloween Special Short Horror Story Competition,' and I just want to share it with all of you. This is not based on a true story.