Anchie's POV (2:55am)
Pasuray-suray na akong naglalakad sa kalsada pauwi, grabe epekto ng alcohol sa sistema ko. Sobrang bigat na ng katawan ko. Konti na lang malapit ko na isuka lahat ng nakain at nainom ko, pero ayos lang, kahit papano medyo nabawasan din mga iniisip ko kahit panandalian lang.
Ang ganda ng langit! Bilog na bilog ang buwan, para siyang nakatingin sakin at binabantayan ako.Bahaya akong tumigil sa paglalakad ng makakita ako ng poste, tiningala ko ang langit at tinitigan ang buwan at mga bituin. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakatayo sa mga oras na iyon, gustong gusto ko talaga ang buwan, naiibsan ang mga problema ko tuwing tititigan ko to.
Malapit na naman sa bahay, sinimulan ko na muli maglakad. Dahan dahan ko pang pinasok ang isa kong kamay sa kabilang parte ng gate at pinihit ang lock nito.Doble kabog ng dibdib ko dahil bukod sa nagpapalpitate na ako dahil sa nainom ko, natatakot pa akong mahuli at masinghalan nanaman ng magulang ko.
Dahan dahan... ng biglang my humila sa akin sa damuhan at tinakpan ang bibig ko dahilan para di ako makasigaw.
"Shhhhh!" Boses ng lalaki to. Isang malaking lalaki, halata dahil sa laki ng kamay nito na nakatakip sa bibig ko. Sobrang takot ang nararamdaman ko, unti unti ko nararamdaman ang paghinga niya sa tenga ko, papalapit ng papalapit ang mukha niya.
"Manahimik ka kung ayaw mo masaktan, akala mo ba pakakawalan pa kita Miss Althea? " ramdam ko pa ang pag ngisi niya kahit diko na kikita ang ichura niya.Ang sakit, padiin ng padiin ang pagkakahawak niya sakin.
Hinila niya pa ako lalo sa halamanan ng bakuran namin dahilan para mapahiga ako, dahil sa sobrang dilim hindi ko na makita ang ichura niya kahit nakaharap na siya, umibabaw siya sakin pero tanging bulto niya lang ang naaaninag ko dahil sa repleksiyon ng buwan, tila ako tang na humihingi ng tulong sa buwan at sana dinggin niya to. Nakita ko nanaman ang pag ngisi niya, at eto na....inilalapit niya na ang sarili niya sa akin,halos hindi ko na maramdaman ang paghinga ko sa sobrang takot.
"I miss you....." sabay yakap ng mahigpit sakin, ang boses na to.....
Anthea Michelle Liwanag, 17
Nickname: Anchie*. . . . .
Eto ba yung part na hihingi ako ng support and mga comments about sa story ko? Haha.anyway, this is my first story on wattpad, I think the genre will be horror/suspense and baka romance na din, I'll try, So,eto nangangapa pa ako sa ngayon. Thankyou in advance. Minsan lang ako mag iiwan ng note,para hindi masira yung mood ng story.