✿ 1

8 4 1
                                    

What does it feel like to never be left behind?

My name is Lei Hyacinth. My mom took my second name from her favorite flower, the purple hyacinth. Purple hyacinth symbolize sorrow and a desire for forgiveness. When I was a kid I don't even know why did she name it after me. Now that I'm a teenager I finally know why.

I am Lei Hyacinth and this is my story...

________________________________________________________________________________

This is my first day of being 8th grade student. Klase ko ay sa hapon pa so I have a lot of time to prepare myself. I woke up around 8 am. Ang papa ko ay OFW at si mama ay hindi ko alam nasaan. Pagkagising ko si nanay ang nadatnan ko at naghahanda nang almusal. My lola.

"Pong gising kana pala o halika kumain ka munang almusal at para marami kang energy pagkapasok mo" ani ni Nanay.

"Nasaan po si Mama, Nay?"

"Haynako lumabas at sinabi may bibilhin lamang. Ang mga kapatid mo naman ay maagang pumasok"

Oo nga pala unang araw din pala ng mga kapatid ko sa klase nila. Pagkatapos ko kumain ay naglibang muna ako sa cellphone ko at kinakausap ang bestfriend ko sa chats. Nagtaka ako ng ito ay tumawag kaya sinagot ko ito.

"Amp bakit ka tumawag?"

"Beh nakakatamad magtype kung alam mo lang at saka may papakita ako sayo" si Wis

She's Olivia Jane, my bestfriend. I called her Wis because that's her nickname. I met her when I was in 7th grade. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano yung unang tagpo namin. Pano ba naman pagka-akyat niya bigla siyang nadulas at umiyak. I didn't know her back then so I help her, pero everytime na inaalala namin 'yun ay tawang-tawa kami.

"Ano?" I asked.

I saw on the screen that it was SB19. The filipino boy band group. She's very a fan of that band since Grade 7.

"Baby Justin ko beh may nakita ako sa palengke solo poster niya so I bought it for only 30 pesos" she said.

"Oo na jusko grabe na addiction mo lumalala na"

"Basher ka talaga!"

Natawa na lang ako dahil nagiging childish siya sa SB19. "Sabay pala tayo mamaya amp bakit kasi hindi tayo magkaklase"

"Oo na puntahan mo ako rito mga 12 sakto. Wala nga akong kilala sa section ko e"

Tinawag na ako ni nanay para magready na kaya sinabi kong magkita na lang kami mamaya. Pagkababa ko ay nanonood si nanay ng tv.

"Na-plantsa ko na pala ang unipormeng susuotin mo para mamaya para presentable ka tingnan. Pagpasensyahan mo na at medyo gusot kasi ang mata ko ay lumalabo na" sabi niya.

Napansin ko ang naka-hanger na blouse at palda at oo nga medyo gusot ito pero hindi naman gaano halata. I love how nanay take care to all of us. Hindi ko alam bakit may galit si mama kay nanay.

"Sige po Nay maliligo muna po ako"

Ewan ko ba first day na first day ay tinatamad ako. God tanggalin mo ang katamaran sa aking katawan. Habang naliligo ako ay iniisip ko ang mga pwedeng mangyari. I hate crowded places. I hate people. Sana lang ay may makasundo ako sa mga magiging kaklase ko dahil hindi ko na kaklase si Wis ngayon.

Tapos na ako maligo at umakyat na para makapagbihis at makapaghanda. Nagsuot muna ako ng palda at ihuhuli ko ang blouse kasi aayusin ko pa ang buhok ko. Napansin kong sobrang haba na ng buhok ko at ang hirap patuyuin, Gustong-gusto ko na itong paputulan kasi naiirita na ako sa haba ng buhok ko. Pagkababa ko para uminom ng vitamins ay nadatnan kong andyn na si mama at may mga hawak na supot na mukhang pinamili niya.

Overlooked Hyacinth Where stories live. Discover now