How far are you willing to go to not left behind? Are you ready to abandon everything, even though you're worn out? What would be the amount of time of this? Is it at the point at which you consider taking your own life? Every problem in life can occasionally have a cost; they can either benefit you or merely hurt you. It's absurd, until you don't know what to do.
I was mistaken to think that being a child was enjoyable. Some people believe that the oldest child is fortunate, but I disagree.
"Mama, nasaan po si Papa?"
"Pumasok. Bilisan mo kumain diyan at maglinis kana para makatulog kana." sagot ni mama sabay talikod.
After my dinner, I take a bath for a moment. Umakyat na ako sa taas at nakita ko si Mama na natutulog na katabi niya ang kapatid kong babae pati ang bunso namin. Mukhang hindi niya na inantay si Papa. May narinig akong nagbukas ng gate at mukhang si Papa na ito. Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay bumaba ako para salubungin siya.
"Papa! Inantay po kita" I giggled.
"Bakit hindi pa natulog ang baby girl ko? Gabi na ha"
"Papa inantay po kita at para makakain ka po kasi panigurado ay pagkarating mo ay hindi kana kakain at didiretso ka na naman sa pagtulog ng walang laman ang tyan mo" sermon ko.
"Haynako ang anak ko talaga. Ang mama nasaan?" tanong niya.
"Andyn ka na pala. Bakit ka ginabi? Hindi ka nagsabi sa akin." nagulat ako ng gising pa si Mama.
"Ay ma nagpa-extend sa akin boss ko sa oras, bayad naman 'yun huwag ka mag-alala. Halika sabayan mo kami kumain ng anak mo. Lei anak, halika na" sabi ni papa.
Kumuha muna ako ng tatlong plato at utensils para sa aming tatlo nila Papa. Hindi ko alam pero mukhang may gustong sabihin si Papa dahil halata sa kanyang nababalisa siya.
"Ma, gusto ko mag abroad. Lumiliit na yung kinikita ko sa pagiging encoder dito sa Pilipinas lalo na't lumalaki na si Lei pati si Lara at Leo hindi na sumasapat ang kinikita ko para sa inyo."
Abroad? Ibigsabihin iiwan kami ni Papa. Hindi, ayoko.
"Paano kami ng mga anak mo? Sige nga, mag-isip ka. Sino magiging katuwang ko habang binabantayan ko ang mga anak mo?"
"Len, iiwan ko kayo para may magandang kinabukasan akong maibigay sa mga anak natin. Gusto ko sila makapagtapos ng pag-aaral. Alam mo naman iyon diba?"
"Haynako hindi ko alam, bahala ka!" padabog umakyat si Mama
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Papa. Naiiyak ako. Ayokong umalis si Papa.
"Papa, iiwan mo kami? Hindi mo na ba kami mahal?" hikbi kong sabi.
"Alam mo Lei kahit maaga kang dumating sa buhay namin ng mama mo tinanggap kita namin ng mama mo ng sobrang buo at puno ng pagmamahal. Mahal na mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo. Palagi mong tatandaan 'yan. Kung aalis man ako isipin mo ginawa ko 'yun dahil mahal ko kayo. Hmm? Shhh tahan na. Halika na kay Papa."
Niyakap ako ni Papa noong araw na iyon at binuhos ang luha sa dibdib niya. Hindi ko alam kung makakaya ko bang wala si Papa. He loved us. I can tell and feel that. I love my parents but Papa is the one I loved the most.
Pero dumating ang araw na pinaka-ayoko. Ang unang pagkawalay sa amin ni Papa. Niyakap niya kami isa-isa at binigyan ng mga bilin na dapat naming sundin. Pupunta siya ng ibang bansa hindi dahil gusto niya kundi kailangan. Para sa amin.
YOU ARE READING
Overlooked Hyacinth
Teen FictionYou are alone, whether in a good or bad way, and you cannot escape it. What if, after living miserable for a years, you found someone who changed your perspective? Are you prepared to put your trust in that person? Lei Hyacinth, a high-school stude...