Silent Chapter Four

161 9 0
                                    

Delilah's POV

Natapos ang araw na hindi na nagpakita sa'kin si Kiandre, in short ay nag-absent siya. Wala namang maaapektuhan kahit mag-absent pa siya ng ilang buwan, sa kanila kasi 'tong school eh.


Mayaman sila, of course, wattpad'to eh. Lmao.


Anyway, andito ako ngayon sa locker 'ko, nag-aayos ng gamit. Nilagay 'ko na yung libro 'ko sa shelf kaso may nahulog na papel. Nanlaki mga mata 'ko nang maalala 'ko na pupuntahan 'ko pala si Kiandre sa Gym.

Tumingin ako sa orasan at leche! Two minutes nalang six o'clock na! Karipas akong tumakbo papunta sa gym, malaki pa naman 'tong campus.


Nang makarating na'ko don, agad na tumindig mga balahibo 'ko. I sense something bad will happen, I already feel scared. Damn.


Ang dilim na, mga ilaw nalang sa poste ang nakikita 'ko. I'd rather wish for the boogeyman than a Kiandre Casper Blade. Really.

Wala naman akong nakikitang taong nakatambay dito eh, ano ba yan paasa naman siya! Ay joke, mas okay nga yun eh, ligtas ako!


Paalis na sana ako nang may narinig akong mga yapak. Hala sino yun?! Takot na'ko! Waahhh! Mommy!



"Charlie Charlie are you there?" Pabiro 'kong tanong. Naglakad-lakad ako pero bigla akong nabunggo, madilim kasi eh!


"Aray!" Napahawak ako sa noo 'ko at halos manghina ang mga tuhod 'ko nang makita 'ko ang mukha ni Kiandre. Sh*t, he's here. Act cool, Delilah. Don't be scared.


"H-huy! Ano ba naman yan! Harang-harang pa k-kase!" Kunwari palaban 'kong sabi. Sana effective, please.


Pero as expected, hindi siya sumagot.


"Bakit mo ba ako pinapunta dito? Ha?"


Hindi pa rin sumagot.


"Answer me Kiandre."


Still there was no reply.


"Ugh problema mo ba?" Inis 'ko nang tanong. Sinasayang neto oras 'ko eh. Kailangan 'ko nang umuwi para makagawa na'ko ng mga assignments at para makapanood ako ng Pangako Sa 'Yo nang walang istorbo.


"Ay ewan 'ko nga sa'yo!" Lalakad na sana ako paalis pero hinawakan niya bigla braso 'ko.


"Hoy! B-bitawan mo nga ako! Get your filthy mits off!" Pilit 'kong tinatanggal kamay niya but jeez he's too strong.


He's still not saying a word. He just looked at me.


Sisigaw na sana ako ng 'rape' kaso naramdaman 'ko nalang na hinahalikan na niya pala ako.



The Boy Who Kept Quiet [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon