One Sweet Bad Day

15 1 0
                                    

One sweet bad day ang pamagat niya,

Kung inyong mapapansin ay ingles siya,

Siguro't oo dahil hindi naman kayo shunga,

At sasabihin kong tagalog itong istoryang patula.

Aking sisimulan ng magsalaysay,

Nang isang pangyayaring walang kwentang bagay,

Ngunit baka'y isipin niyong ito ay walang halaga'y,

Naging bahagi na rin siya ng aking buhay.

Aba't akoy nagagalak ng pagtuonan mo ng pansin,

Ang isang pamagat na akala mo'y maganda rin,

Subalit aking pagtitiyagaan at sisikapin,

Na itong istorya ko ay matuwa ka rin.

Eto na nga't akin ng sisimulan,

Dahil kanina pa tayo nagdadaldalan,

Haha so ito na nga,

Pasensya na at hindi naging tugma,

Pero pipilitin ko mamaya.

Isang masarap na hangin at haplos ng mainit na sinag ng araw ang gumising sa akin,

Nararamdaman ko na ito ay magiging magandang araw para sa akin,

Bumangon ako ng may maamoy na mukhang masarap na pagkain,

At ako'y natigilan ng may bumato sa akin.

Ako'y natawa ng malaman na ito ay ang aking mama,

Ano pa nga bang bago sa routine naming mag-ina?

Halos araw-araw ay ginigising niya ko ng maaga para pumasok sa eskwela,

At heto naman ako't hindi pa tumatayo sa kama.

Halos dalawampung minuto ang nauubos kapag ako'y papunta sa eskwela,

Naglalakad lang naman ako dahil walking distance lang siya,

Pero pwede rin namang sumakay dahil medyo malayo siya,

Pero keri ko naman mag lakad dahil exercise siya.

Subalit ako'y late na dahil ang bagal ko kanina,

At ang sabi ng mama ko na 'ano bang pinagbago kahit noon pa',

Kaya no choice ako ngayon na sumakay at magbayad na,

Swerte ko padin dahil ako nalang ang hinihintay at lalarga na.

Sa sobrang kaba na baka malate na,

Hindi ko napansin na si crush ay katabi pala,

Sobrang saya ang aking nadarama,

At sa wakas katabi ko na ang aking pantasya.

Agad akong nag punas ng pawis,

Nagsalamin kahit hindi ko nais,

At itinali ang buhok upang magmukhang malinis,

Ang aking ngiti sa labi ay hindi ko maalis-alis.

Sa isang hindi inaasahang pangyayari,

Si crush ay tumingin sa aking gawi,

Ni isang salita wala akong nasabi,

Natulala ang aking beauty.

Si manong driver ay biglang nagpreno,

Nakakaloka si kuya muntik na ang aking noo,

Mabuti nalang at nandito si crush ko,

At hindi ako na paano.

Ilang minuto din akong natulala,

Nang maramdamang hawak niya ko pala,

Para lang hindi ako magdusa,

Na mapasubsob sa baba.

Nang akoy kaniyang binitawan,

Lungkot ang aking naramdaman,

Agad akong nagpasalamat sa kaniyang kabutihan,

Nang sa gayon ay mawala ang akwardness na namamagitan.

Ngumiti ako ng matamis sa kanya,

Ngunit parang hindi niya nakita,

Nakaramdam ako ng hiya,

Kaya tumingin nalang sa ibaba.

Huminga ako ng malalim at saka ibinuga,

Lakas ng loob ang aking kinukuha,

Eto na talaga't walang atrasan na,

Para tanungin kung anong pangalan niya.

Ngunit kung minamalas ka nga naman,,

Tricycle na sinasakyan huminto na naman,

Magtatanong na sana kung bakit kami natigilan,

Nang biglang maramdaman na lalabas siya sa aking harapan.

Ako'y na guguluhan ng magbayad siya kay kuya,

Agad akong bumaba at dumukot sa aking bulsa,

Natigilan ako ng aking maalala,

Yung wallet ko nasa lamesa pala.

Sa emosyon na aking nadama,

Ako'y hindi agad nakapag salita,

At nagulat ako sa mga sinabi niya,

'Manong ito ho ang bayad niya'.

Kung ating maiisip,

Dalawang beses na niya akong sinagip,

Hay nako sana totoo ang aking nasa isip,

Na sana hindi ito panaginip.

Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan,

Ng mapansin na may I.D sa aking harapan,

Dahil sa curiosity na aking nararamdaman,

Pinulot ko ito at nalamang sa kanya lang naman.

Oenone Kyle D. Cruz,

Magandang pangalan bagkus,

Bagay din naman sakin tapos,

Ako'y magiging Kamille Osana-Cruz.

O diba ang gandang pakinggan,

Lalo na pag apilyido niya ang nasa aking pangalan,

Hay ang sarap lang pag isipan,

Paano pa kaya kung totohanan.

Habang tinutungo ko ang daan,

Papunta sa classroom lang naman,

Wala ng masyadong taong nagdaraan,

Nang may tumatakbo at ako ay nasagi lang naman.

Sa sobrang lakas ng impak,

Sa sahig ako'y sumalampak,

Ang sakit ng aking pwet sarap manapak,

Ng sa akin ay biglang may humawak.

'Miss okay ka lang ba?',

Hay naku! Hindi ba halata,

'Pasensya na hindi kita nakita',
'Hinahanap ko kasi yung I.D ko nawawala'.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Sweet Bad DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon