01

10 2 0
                                    

Pak!

"Wala kang hiya! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na layuan mo 'yang Gargantiel na 'yan, ha?" sigaw ni mama sa mukha ko. Napahawak ako sa pisngi kong namamanhid dahil sa lakas ng sampal niya sa akin. "Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon natin Roshan? Halos magkandakuba na nga ako kakatrabaho para lang may mapalamun sayo tapos ito ang isusukli mo? Ang magpabuntis? Ang kapal naman ata ng mukha mo?" nanatili lamang akong walang imik at tahimik na umiiyak. Ayaw kong sagutin siya. Hangga't kaya ay pipigilan ko ang sariling hindi makapagsalita ng hindi maganda sa Ina ko. "Magpapasalamat nalang ako kapag natanggap ng Gargantiel na 'yan ang anak mo pagkatapos niyang malaman na pinagsamantalahan mo siya para lang sa pera. Grabe Roshan, hindi ko akalaing ganito ka pala kalala pagdating sa pera. Gagawin mo talaga ang lahat e no... magpapabuntis ka para ano, para pakasalan ka niya at magkaroon ka ng mana mula sa pamilya nila? Ang landi mo! Kahit kailan hindi ko ginawa 'yan sa ama mo. Nabuo ka dahil sa pagmamahalan namin at hindi dahil sa yaman niya!"

"Roxan ano ba! Huwag mo ngang pagsalitaan ng ganyan ang anak mo. Tandaan mo anak mo 'yan, hindi 'yan kung sino lang–" awat ni Tita Celia kay mama.

Si Tita Celia ay ang nakakabatang kapatid ni mama. Tatlo silang magkakapatid. Nasa abroad ang panganay dahil doon na ito nakapangasawa at nagkapamilya, pangalawa naman si mama at sunod ay ang bunso nila na si Tita.

"Wala akong anak na malandi! Oo aaminin ko, nagkulang ako sayo bilang Ina mo... pero tinignan mo naman sana ang sitwasyon natin Roshan. Mahirap lang tayo. Wala tayong sapat na pera para pambuhay diyan sa anak mo."

"Kaya ko ma! Kaya kong buhayin ang anak ko!" sinadya kong diinan ang huling salita. "Kaya kong buhayin ang anak ko nang hindi humihingi ng tulong sayo. Kaya kung buhayin ang anak ko kahit ako lang mag-isa. Kaya kung buhayin ang anak ko ma! Hindi gaya niyo. Ipinagpasapasahan ang anak kung kanikanino dahil ang Ina ko na dapat nag-aalaga sa akin ay mas pinili pang makihalubilo sa kung kanikaninong lalaki sa bar!"

Pak!

"Roxan sabing tama na eh."

Wala akong nagawa kung hindi damdamin ang sakit ng pisngi ko. Pangalawang beses na niya akong sinampal kaya naman sigurado na akong pulang pula na ito.

"Anong sabi mo?" nanggagalaiting tanong niya sa akin.

"Bakit ma, hindi ba totoo? Sinasabihan mo 'ko ng malandi pero sa ating dalawa ikaw ang mas malandi. Kaya tayo iniwan ni papa eh, dahil diyan sa pinanggagawa mo."

"Wala kang respeto, paano mo nakakayang sabihin sa akin lahat ng iyan, ha?"

"Nakakaya kong sabihin lahat ng 'to sa inyo hindi dahil sa galit ako. Nakakaya ko 'tong sabihin sa inyo dahil punong puno na ako. Sa tuwing nakikita kita na may kasamang ibang lalaki... parang dinudurog ang puso ko. Nasasaktan ako para kay papa, ma. Sa tuwing aalis ka at iniiwan mo ako kina tita... nalulungkot ako dahil pakiramdam ko ako na naman mag-isa. Hindi ko kasi akalaing magiging ganoon kang ina sa akin ma."

"Napaka bastos ng bibig mo! Sana hindi nalang kita naging anak."

"Sana nga ma, dahil pagod na pagod na ako kakaintindi kung ano nga ba talaga ako sa inyo." walang tigil sa pagtulo ang luha ko sa mga mata ko.

Nasasaktan ako!

Kahit nanlalabo ang paningin ay pinilit ko paring tumayo. Kinuha ko ang gamit ko sa kahoy naming upuan at dirediretso lumabas ng pinto.

"Roshan, bumalik ka rito." rinig kong sigaw ni Tita pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko lalo pa at hindi nalang sarili ko ang iisipin ko ngayon kundi pati na rin ang magiging anak ko.

Kahit kailan talaga napaka unfair sa akin ng mundo. Hindi manlang ako binigyan ng magandang pagkakataon na mabuhay ng mapayapa at masaya. Kapag nasa school ako mga laiterang kaklase ko ang kalaban ko. Tapos kapag nasa bahay naman pamilya lang ni tita ang nag-aasikaso sa akin... pagkatapos wala na.

Wala na ngang Ama, wala pang Ina.

Tumakbo ako patungo sa waiting shed na nakita ko para sumilong dahil bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Alas onse na ng gabi kaya wala nang masyadong tao na pagala gala sa labas. Kakaunti nalang rin ang dumadaan na mga sasakyan. Tanging street light na lamang ang nagsisilbing liwanag sa madilim na lugar na ito.

Wala na bang bago Lord? Ako na naman mag-isa.

Kasabay ng malakas na kulog na may kilat pang kasama ay ang pagtunog rin ng sikmura ko.

Hinawakan ko ang tiyan ko at hinimas himas iyon. "Gutom na ba ang baby ko?" tanong ko rito na para bang sasagutin rin niya ako. "Kunting tiis nalang nak makakain na rin tayo."

Sumandal ako sa poste ng waiting shed habang naghihintay na tumila ang ulan. Niyakap ko ang dala kong bag dahil bigla kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin sa balat ko. Inaantok na rin ako dahil sa pagod.

Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon nang may isang magarang sasakyan na huminto sa harapan ko. Bumukas ang pinto nito at bumungad sa akin ang pamilyar na postura ng isang lalaki.

"What the fvck are you doing here, Roshan?" bungad niya nang makalapit na ito sa akin. Agad niyang hinubad ang jacket suot at ipinasuot sa akin. "Suotin mo na 'yan. Alam kong kanina ka pa nilalamig." seryusong saad niya pa.

"J-Jamerex... a-anong ginagawa mo rito?" utal na tanong ko sakanya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na narito ako ngayon.

"Of course I'm not named Jamerex Gargantiel for nothing.

Hindi naman halatang hambog eh.

"Let's go," binuksan niya ang passenger seat ng sasakyan niya at inilalayan niya akong makapasok.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa condo magluluto ako alam kong gutom ka doon ka na rin magpahinga kung gusto mo." sagot niya habang nasa daan ang mga mata niya.

"Jamerex,"

"Don't worry wala akong gagawin sayo. I let you rest and feel safe Roshan. I assure you that."

Pagkarating namin sa condo niya ay tumungo agad siya sa kusina para magluto ng pagkain ko. Habang nagluluto siya ay nagpaalam muna ako na pupunta ng CR para mag ayos.

Pagpasok ko palang sa CR ay agad akong naghilamos. Pakiramdam ko ay binubuhay ng malamig na tubig ang mukha ko. Nagagawa nitong pakalmahin ang kaninang walang tigil na pagluha ng mga mata ko.

Pagkatapos kong maghilamos ay tinitigan ko ang sarili sa salaming nasa harapan ko. Walang pinagbago... hindi parin nawala ang pamumuula ng pisngi ko. Dahan-dahan ko itong hinawakan dahil mahapdi parin ito.

"Mama...sorry," wala sa sariling ani ko. Ang kaninang kalmado nang mga mata ay nagsisimula na namang lumuha. Iniiwasan kong hindi makagawa ng ingay para hindi marinig ni Jamerex sa labas.

Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Sana... hindi ko nalang iyon sinabi sa mama ko. Sana mapatawad pa niya ako. Sorry ma... sana mapatawad mo pa ako. Pero hindi ko pa kayang humingi ng tawad sa inyo dahil nasasaktan parin ako. Hindi ko matanggap na hindi mo kayang tanggapin ang anak ko na magiging apo mo kaya gagawin ko ang lahat ma pangako. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Magsisipag ako, pangako.

Ilang minuto rin akong nagtagal sa loob bago napagdesisyonang lumabas na. Inayos ko muna ang sarili ko lalo na ang buhok ko na akala mo ay nadaanan ng buhawi dahil ang gulo-gulo.

Binuksan ko na ang pinto at nagulat ako nang makita si Jamerex na nakasadal sa pader ng pintuan habang naka-cross ang mga paa, at braso sa taas ng dibdib at seryusong naka tingin sa akin. Mula sa mga mata ko ay lumipat ang tingin niya pababa sa pisngi ko. Iniiwas ko ang mukha sa kanya para hindi niya iyon makita ng lubusan.

Hindi ko alam kong ano ang magiging reaction ko. Pero nalulungkot ako, hindi dahil sa sitwasyon ngayon, kung hindi dahil sa wala pa akong balak na ipaalam sa kanya na buntis ako. Ayaw kong pati ang buhay niya ay masira rin dahil sa akin. Siguro kapag maayos na ang lahat pwede ko nang ipaalam sa kanya na magiging Ama na siya.

Humakbang siya papalapit sa akin at walang isang salitang niyakap ako ng mahigpit.

"Shhh, stop crying love. I'm here na, ok? You are not alone anymore."

🪻

Gargantiel's Unknown Daughter Where stories live. Discover now