02

12 2 0
                                    

"Kumusta na pakiramdam mo?"

"Okay na, thank you po."

"Thank you for what?" kunot noo na tanong niya sa akin.

"Thank you sa pag-alaga po." I said then smiled.

"Tsk, stop saying po love, nagmumukha akong matanda." saad niya pagkatapos ay ngumuso.

Ay alam ko na 'to... magpapababy na naman ang baby damulag na 'yan.

"Gwapong matanda?" pamimilosopo ko sa kanya.

"Gwapong binata." pagtatama niya sa sinabi ko.

Tumawa ako ng malakas dahil sa naging reaction ng mukha niya. Ang cute e.

Kasalukuyan kami ngayong nasa kwarto niya at naghahanda para matulog. Kakatapos niya lang maligo kaya medyo basa pa ang buhok niya. Pagkatapos niyang magpunas ng buhok ay humiga na rin siya sa tabi ko. Pareho na kami ngayong nakaharap sa kisame at nakatingala sa kawalan.

Mas gusto ko ang ganito, tahimik na buhay at walang gulo tanging saya lamang ang mayroon.

"Love," tawag niya sa attention ko.

"Hmm?"

"What happened? May problema ba?" biglang tanong niya.

Alam kong nag-aalala siya sa akin. Napaka iyakin ko kasi noon kaya sa tuwing umiiyak ako ay kung ano-ano nang strategy ang ginagawa niya para lang mapasaya ako. Kung minsan nga ay tumatambling pa ito sa harapan ko.

Hahahaha...

Nanatili akong nakatitig sa puting kisame at hindi siya nilingon.

"Wala, nagkaroon lang kami ng sagutan ni mama kanina but I'm fine love, promise." pagsisinungaling ko. Naramdaman kong umiinit na naman ang gilid ng magkabilang mata ko kaya minabuti kong tumalikod nalang muna sa kanya.

Bakit ba kasi napaka soft hearted ko. Kaunting tanong lang umiiyak na agad.

Soft hearted nga ba ako o iyakin lang?

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Jamerex papalapit sa kanya. Naramdaman ko agad ang init ng katawan nito na siyang nagpapakalma naman sa katawan ko. Naka sando lang kasi siya at short habang naka pantulog naman ako.

"Don't lie love, alam ko may problema ka. What is it tell me." hinawakan niya ang tiyan ko at hinimas himas iyon na para bang isang diamenteng mamahalin.

Agad naman akong nakaramdam ng awa para sa anak ko kung sakaling ilayo ko siya sa ama niya. Ayaw kong maramdaman niya kung ano ang naramdaman ko noon ng iniwan kami ni papa. Pero kung ang paglayo namin ay para sa ikabubuti ng buhay ni Jamerex ay gagawin ko. Ginusto ko 'to kaya ako lang rin ang magdudusa. Ako lang hindi si Jamerex hindi ang magiging anak ko... kundi ako lang.

Kung hindi lang sana ako nabulag sa pera noon, hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to.

Kung hindi ko lang sana siya nilasing at ginalaw noon, hindi na sana gumulo pa ang buhay ko.

Sa aming dalawa ako ang babae pero parang mas hinigitan ko pa ang mga lalaki.

Oo aaminin ko... may nangyayari sa amin minsan ni Jamerex pero maingat naming ginagawa iyon dahil palagi niyang ipinapaalala sa aking may mga pangarap pa kami at ayaw niyang masira iyon. Palagi niya sa aking sinasabi na gusto niya maging ganap na Doctor dahil iyon raw ang gusto ng Mommy niya para sa kanya. Pero parang ako ang sumira sa pangarap niyang iyon.

Ang daming kong pinagsisisihan, pero huli na ang lahat. Nangyari na at hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan.

"Jamerex,"

Gargantiel's Unknown Daughter Where stories live. Discover now