situation

3 0 0
                                    

CHAPTER 1
ANGE POV:

6:57pm na ngunit nag lalakad pa rin ako dito sa gitna nang dilim pano ba naman 5:30pm ang uwi galing iskwelahan tapus malayu layu pa ang boardinghouse na inuupahan ko at ang mga ibang istudyante naman ay naiwan sa school dahil may gina gawa pa para sa teachers day,

kasama na dun ang mga kaibigan ko kaya isa nalang akong umuuwi sana hinintay ko nalang sila para hindi ko nararanasan to bat ba kasi nakalimutan kung may gumagala gala dito at pumapatay daw,

Halus matumba ako sa pag lalakad dahil sa aking mga tuhod na nanginginig nasa Napapalibutan pa naman ako nang mga malalaking puno buti nalang may mga poste nang kuryente dito nag sisilbing liwanag,

Bali-balita pa mandin na may pumapatay daw dito samin at ang masaklap pa ay ako nalang ang natitirang nag lalakad sa gitna nang gubat,

'kunti nalang' saad ko sa aking isipan habang matulin na nag lalakad,
napasinghap ako nang biglang pumatay ang mga ilaw sa paligid buti nalang nakikita ko pa ang dinadaanan ko dahil sa liwanag nang buwan,

'ang malas naman oh kung kilan nag iisa nalang ako nag lalakad staka pa namatay ang mga ilaw' saad ko saaking isipan nanginginig ang mga tuhod ko halus hindi na ako maka lakad dahil dito,

natigilan ako nang maka amoy nang malansang dugo halus mapatakip ako nang ilong dahil dito at kasabay non ang mga kaluskos,

Napalingon ako sa hindi kalayuang mga damo nang may narinig akong kaluskos doon,

halus mang laki ang dalwang paris ng mata ko nang makakita nang isang bulto nang hindi ko mawari kung tao ba oh kung ano, hindi ko ito masyadong maaninag dahil may mga matatayug na damo nanakaharang dito,

napaatras ako nang bigla itong gumalaw
halus marinig kona ang tambol nang aking puso sa subrang lakas ng tibok nito,

hindi ko alam kung sisigaw ba ako o hindi ako nalang ang nag iisang tao dito sa gitna nang gubat at malay ko ba kung tao yang nakikita ko o kung anong hayup lang,

hindi ko mapigilang umiyak habang dahan dahang nag lalakad nakatalikod ito saakin na parang may kinakalkal,

muntik na akong mapatalon nang bigla itong tumingin sakin, napapikit ako nang biglang humangin nang malakas, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,

atrass ako nang atrass hanggang sa may maramdaman akong matigas na bagay sa aking likuran wala na akong maatrasan,

'ano to pader? sa gitnanang gubat?' saad ko sa saking isipan, bigla naman akong napatingin sa mahahabang damo na kung san may anino nang hindi ko alam kung hayup ba o tao,

biglang nangunot ang aking noo nang wala na ito ruon?

Napasinghap nalang ako nang makarinig nang sunod sunod na paghinga nang malalim na tila galing sa malalim na hukay,

unti unti ko itong nilingon,nang malingun ko ito isang malakas na tili ang aking pinakawalan bigla nalang akong natumba habang naka titig sa misteryosung nilalang saaking harapan,

Hindi ko alam kung isa itong hayup o kung ano man isa itong malaking aso na may matutulis na pangil at koko ngunit ang katawan nito ay pangtao mabalahibo at nakakatakot puno rin nang dugo ang bunganga nito,

Bigla nalang akong nakaramdam nang hilo at ang mga tulikap nang aking mata ay unti unti nang pumipikit, pinipigilan ko ito hindi ko alam kung bakit parang hindi ako makagalaw,

unti unti nang nilamon nang dilim ang aking nakikita hanggang sa hindi ko na mapigilang makatulog,

Bigla akong nagising sa sinag nang araw na tumama sa aking muka,

FALL IN LOVE WITH AN ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon