CHAPTER 19:

12 0 0
                                    

HANNA'S  POV

Nakita ko namang umalis si Megan at parang nagtatampo yata siya kay captain namin, napansin ko namang sinundan ni Captain si Megan palabas...

Parang may nililihim sila saamin, ano kaya yun? Napalingon naman ako sa sumiko saakin sa braso ko.

"Ano ang tinitingnan mo dyan"tanong niya saakin habang nakangisi pa siya.

"Wala lamag yun, Melody"nakangiti kong sabi sakanya.

"Hahaha sino bayan tinitingnan mo dyan si Meg or si Dwine"nakangisi niyang sabi saakin.

Umiling naman ako sakanyang tanong at binaling ko ng tingin si Prinsepe dwine.

Makikita mo sakanya ang ugaling maginoo sa ibang tao kaya may paghanga ako sakanya dahil mabuting tao siya.

"Sus, deny ka pa, Alam kong may pagtingin ka sa Prinsepe na yun"bulong niya sa aking tainga kaya napatingin ako sakanya na nakangisi saakin habang nilalaro niya ang pagsulat sa papel.

"Wala akong pagtatangi kay Dwine, Melody"nakangiti kong sabi sakanya at kinuha ko muna ang bag ko at sinakbit sa likod ko

"Haha Alam ko yun, Hanna"nakangiti niyang sabi saakin sabay siko sa braso ko.

"Paumanhin, Melody ako"y mauuna na sainyo"Paalam ko sakanya at lumakad na ako palabas.

Pagkalabas ko sa room ay may nararamdamn akong presensya na sumusunod saakin.

Haharap na sana ako ng may tumakip sa aking bibig at parang may halong gamot yung tela na tinakip saakin dahil parang nahihilo ako sa tela nayon at nawalan na ako ng malay.

AND EVERYTHING WENT BLACK

MELODY'S POV

"Melody!!"tawag saakin ni Aira kaya lumingon ako sa likuran ko dahil nasa likod kasi sila naglalakad, tumakbo naman si Aira patungo saakin.

"Bakit?"takang tanong ko sakanya pagkalapit niya saakin.

"Nasaan si Hanna?"hinihingal niyang tanong saakin .

Ano ang problema na to?

"Ewan ko umalis siya eh, mauuna na daw siya pumunta sa canteen"Sagot ko sakanya tumango naman siya saakin.

"Sabay nalang tayo maglakad,melody"Sabi niya saakin kaya inakbayan ko siya sa balikat.

Pagkarating namin sa canteen nakita ko si Meg at si Captain na sweet na sweet sa isat isa, inalis ko naman ang pagkakaakbay ko kay Aira at tumakbo sa deriksyon nina Megan.

"Megan!!!!"tawag pansin ko sa kanya kaya lumingon naman siya saakin.

"Oh! Melody"sambit niya saakin lumingon naman siya sa likod ko at parang umiba ang expresyon ng mukha niya,lumingon naman siya saakin ulit.

"Hmm parang hindi niyo kasama si Hanna at Dwine huh?"takang tanong niya saakin kaya tumingin naman ako sa paligid at parang wala nga si Hanna.

Bakit ganun nagpaalam si Hanna na mauuna na siya sa Canteen huh.

"Melody, akala ko ba nandito siya"tanong niya saakin pero umiling lang ako sakanya.

"Baka may pinuntahan lang muna si Hanna kaya wala pa siya rito"sambit ko sakanya.

"Tara maupo muna kayo dito"sambit ko sakanila.

Tumigin ulit sa pintuan ng Cateen, saan ka naman pumunta Hanna.

DWINE'S POV

Hindi na ako sumabay kina Zeb sa paglalakad dahil may ipinabibigay si Maam sa third floor kaya pumunta ako doon.

The Powerful Princess Is BasaguleraWhere stories live. Discover now