CHAPTER 22:

13 0 0
                                    

MEGAN'S POV

Kasalukuyan ako nakahiga dito sa hospital bed at hinihintay ang sasabihin ni Kenth saakin at halata sakanya ang pagkaputla ng mukha niya.

"Sabihin mo na, hobby ko"sambit ko sakanya dahil putlang putla na ang mukha niya.

Tumingin naman siya saakin at parang nag dadalawang isip pa siyang sabihin saakin para tuloy akong kinakabahan dahil parang importante talaga ang sasabihin niya saakin.

"Sorry Meg"nakayuko niyang sabi saakin kaya nagtaka ako sa sinabi niya.

'Bakit siya nanghihingi ng tawad saakin? may ginagawa ba siya na hindi ko magugustuhan?'sambit ko sa isip ko.

Napatingin naman siya saakin at parang gulat na gulat ito.

"Huy, kinakabahan nam

ako sa sasabihin mo saakin eh"kinakabahan kong sabi sakanya.

Hinawakan naman niya ang aking mga kamay at tumingin naman siya saakin ng deritso at nagsalita rin siya uli.

"Hmm tatanggapin mo ba ako Meg kung malalaman mo yung totoo na ako?"tanong niya saakin kaya nagtaka naman ako sa sinabi niya saakin.

"Oo naman bakit hindi?"tanong ko sakanya.

"Mamahalin mo pa ba ako? Kung sasabihin ko saiyo ang totoo"tanong niya ulit saakin.

"Bakit hindi? mahal kita kung sino kapa hindi kita huhusgahan kung ano man ang sasabihin mo saakin, gusto ko lang ay maging honest ka palagi kapag ako kaharap mo at magtitiwala ako sayo"nakangiti kong sabi sakanya.

Kaya ngumiti naman siya saakin at nagbunga ng malalim na pag hinga.

"Hindi kami tao"deritso niyang sabi saakin habang ako naman parang umecho sa aking tainga ko ang mga salitang iyon.

Hindi kami tao

Hindi kami tao

Hindi kami tao

Paulit ulit na umecho sa aking tainga ang HINDI KAMI TAO to be honest na shock ako sa sinabi niya.

Napatingin naman ako kina Frezie na nakatingin din saakin binaling ko naman ulit ng tingin si Kenth na nakayuko at walang imik.

"Sorry Meg, kung nagsinungaling ako sayo"nakayuko parin niyang sabi saakin.

Ngumiti naman ako dahil nagsabi siya ng totoo saakin, dahan dahan naman akong bumangon at napaupo sa kama tumingin naman ako sa kanya ng diretso at niyakap ko siya nangmahigpit.

Gumanti naman siya nangyakap saakin, ilang sigundo rin kaming magkayakap at ako narin ang kumalas sa pagkakayakap naming dalawa at tumingin naman ako sakanya na nakangiti.

"Hindi kaba natatakot saakin kung ano ako?"tanong niya saakin.

"Paano ako matatakot sa isang katulad mo, kung minahal kita at nangako ako na tatanggapin ko kung sino ka"nakangiti kong sabi sakanya kaya nakita ko namang sumilay ang ngiti niya sa sinabi ko sakanya.

"Thank you dahil tanggap mo ako kung sino ako at sila"nakangiti niyang sabi saakin.

Lumapit namn sina Aira saakin at niyakap ako, humingi narin ng tawad saakin si Frezie kaya pinatawad ko narin siya sa ginawa niya.

Masaya ako dahil may tiwala sila saakin.

Nagising naman si Dwine at si Hanna at pagkatapos nilang magpahinga ay lumabas na kami sa clinic dahil ok na kaming tatlo.

Pagkalabas namin sa school ay nag uusap usap kami habang naglalakad kami sa daan.

Bakit kaya wala sina Lara at hindi sila kasabay ko?

The Powerful Princess Is BasaguleraWhere stories live. Discover now