GAYUMA 2

0 0 0
                                    

"Ok class that's all for today's discussion. You may now enjoy your lunch break."

Agad ko inayos ang gamit ko at iniligpit sa bag. Nagsilabasan ang mga kaklase ko at huling ako lumabas ng classroom. Sa totoo lang wala akong naging kaibigan sa buong classroom sa loob ng sa halos apat na taon kong pag-aaral sa university na ito. Maliban nalang kay Job at Patricia na kaibigan ko talaga bago pa ako pumasok sa university. Well, sino naman makikipagkaibigan sa akin, sa pangit ng mukha ko at sa social status ko na ito. Pero mas mabuti na nga yun, iwas gulo nalang din.

Habang naglalakad ako sa hallway, at baba na sana sa may hagdan. May bigla humila ng braso ko at sa sobrang lakas ay napahiga ako sa sahig. Nagulat ang lahat naglalakad sa hallway kaya unti-unting sila umaatras papalayo.

"Where are you going?." Tanong ng humila sa braso ko. Tumayo ako kahit na masakit ang puwet ko sa lakas ng impact ng pagkabagsak ko sa sahig.

"Betty, ano kailangan mo sa akin?." Imbis na sagotin ko ang tanong niya ay tinanong ko siya pabalik. Abay, bigla naman ba ako hinila!. Sino ang hindi magagalit dun, at ano naman kailangan nito sa akin?.

Siya si Roberto Vegan o mas kilala na "Betty", ang anak ng isa sa mga head director ng university. Ang leader at choreographer ng cheering squad. Also siya ang President ng Fans Club ni Red at Job. At hindi lang yun, may bali-balita sa university na may fraternity ito sinalihan. Kaya kung gusto mo pa ng tahimik na buhay ay wag na wag mong babangain ang isang katulad niya. Ewan ko kung ano kasalanan ko sa beki na ito at galit na galit siya sumugod sa building namin kung isa siyang engineering student. Kasama pa niya ang kanyang dalawang employees niya na sila Maritza at Mason. Naka-high ponytail at may naka-lip stick na sobrang red ang dalawa.

"Ano nga ba hmm," umakto pa ito nag-iisip at pinitik ang darili. "Alam ko na, nakita ka lang kasi naman ni Ritza at Mason na kasama si Prince John. At ito pa hinatid ka niya sa building na ito."

Lagot na, talagang matinik ang mga  mata ng mga marites talaga oh. Napasok naman ako sa gulo, what unlucky day to me. Lord naman, ba't sobrang malas ko sa buhay nato. May nagawa ba akong mali sa past life ko dati kaya ako naminalas ako ngayon sa present life ko.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Betty. Nakalimutan ko palang nabangit na sikat din si Job bilang Prince John sa university. Dahil sa achievements at bilang Vocalist ng band ng university. Hindi pa yun, kilala din ito bilang anak ng isang big time business man dito sa lugar namin ang parents niya. Hindi naman ako nakapagtaka kung bakit, dahil naman pogi at may appeal naman talaga siya. Kaya nga ako na-inlove sa kanya dahil sobrang bait at ang gwapo niya parang dinaig pa ang isang Greek God sa kagwapohan.

"Hindi ko alam ang sinasabi niyo." Deny ko, pero laking ko gulat ng bigla ako sinampal ni Betty. Sa sobrang lakas halos mabali ang leeg ko.

"Do you think we're so stupid to believe with your lies?!." Sabay ng hinila ang buhok ko, at sinampal ulit ako sa kabilang mukha. Wala sino man umawat kay Betty, dahil na rin ayaw nila madamay sa gulo. Sasampalin sana ako ulit ni Betty pero may bigla nalang humila sa kanya papalayo sa akin.

"How dare you, bakla ka?!." Nagulat silang lahat sa ginawa ni Patricia. Sa sobrang lakas ng pagkahila ni Patricia kay Betty ay muntik na ito napahiga sa sahig kung hindi lang siya nasalo ng dalawang kaibigan niya. Agad siya nakabawi sa gulat at tumayo siya kaagad. Hinila niya ang braso ni Patricia at hinarap siya nito ng wala takot.

'What the, Pat anong ginawa mo?!.'

"You, how dare you!. Bakit ka sumali ng away nang iba, ha?!." Galit na tanong ni Betty kay Patricia at nagtagisan sila ng masasakit na tining sa isa't isa.

"Roberto Vegan, bakit mo inaaway ang kaibigan ko ha?."

"Don't you dare call my whole name you bitch. Kaibigan, ha kaibigan mo pala ang pangit nato." Sabay turo sa mukha ko, "what low quality."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be Inlove Duology(#1): GAYUMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon