Chapter 25

14.4K 267 42
                                    

"We cannot force ourselves to love—or to withhold it. At best, we can curb our actions. The heart itself is beyond control. That is its power, and its weakness."
—Chitra Banerjee Divakaruni, Place of Illusions

Chapter 25

Nakarating kami ng saktong hating-gabi, sa tuktok rin kami ng Rial Condo bumaba. Ngayon ko lang nalaman na meron palang helipad ang building na ito. Hindi na ako magtataka kung bakit napakatayog nito.

"Kaius─"

"Shut it, iyubov moya." He kissed my temple while he's carrying Kai who is now asleep. "I already told you to live together with me. You'll stay in my penthouse with our son."

Aangal pa sana ako nang pumasok na kami sa loob ng elevator. He immediately typed the passcode into his penthouse and wrapped his arms again after typing. Panay ang halik nito sa aking sintido na ikinabilis ng tibok ng puso ko. I leaned on his shoulder and lightly brushed my son's arms, who is now sleeping peacefully on his other shoulder.

"Na sa penthouse na ang mangga," he whispered. Pinatong nito ang kanyang baba sa aking ulo.

Napangiti naman ako. "That's nice."

Bumuntong hininga ako. At dahil nakasandal ako sa balikat ni Kaius, rinig na rinig ko ang kalmadong pintig ng kanyang puso. Nakakainggit naman. My heart is thumping so fast, while his is just calm. Mas lalo pa akong napasimangot nang maamoy ko ang pabango niya. It's addicting.

"What's with the face?" natatawang tanong nito habang nakatitig sa reflection namin sa makintab na pinto ng elevator.

Hindi ako sumagot. Sakto namang bumukas ang pinto. We went out of the elevator with his arms still holding my waist. Tinanggal niya lamang ito nang magpaalam na ilalapag niya muna ang bata sa kama. Kasunod rin naming dumating ang yaya ni Kai at ang butler na may dala sa aming mga bagahe.

"Nakausap ko na po si Sir James. Ipapakuha na lamang po ang gamit ni Kai sa condo na tinutuluyan niya. Habang ang private tutor naman po ni Kai ay pinadalhan ko na po ng address ng bago niyang pupuntahan," pag-iimporma sa 'kin nito at ngumiti.

I nodded. "Arigato, Kin."

"Gusto niyo po bang ipagbalat ko kayo ng mangga?" she offered.

I shook my head. "No. Matutulog ka na. Tatanungin ko pa kay Kaius kung saang silid ka matutulog."

"She'll sleep in the other room," sabad ng kakalabas lang na Kaius mula sa kanyang silid. "That one is vacant. I'll just talk to you tomorrow, for now, you rest," malamig na usal nito.

Kin politely nodded before heading to the said room where she will stay. Tumabi naman sa akin si Kaius. Kinuha nito ang aking mga binti at pinatong sa kanyang kandungan. Siya na mismo ang naghubad ng aking sapin sa paa at hinilot ito. I leaned on the soft armrest of the couch and yawned.

"Peel me some mango," I murmured.

Hindi ko rin mahinuha kung bakit siya ang gusto kong magbalat ng mangga. Basta. Ayaw kong kainin ang mangga kung hindi siya ang magbabalat.

"Gabi na masyado," sambit nito.

Pinanliitan ko ito ng mga mata. "Ayaw mo?"

I saw him roll his eyes in a manly way before carefully lifting my feet and resting them on the couch. Bagsak ang mga balikat nitong pinulot ang supot ng mangga na nasa center table at naglakad patungong kusina.

Cute.

Isipin mo nga naman. Ang lalaking kinakatakutan ng lahat, lalo na't kapag nagagalit, ay taga-balat ng aking mangga! The least thing I could ever imagine in my whole damn life!

Forbidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon