Hezekiah Venice Neri
Hindi masyadong traffic kaya nakaabot ako kaagad sa airport. I feel so excited, tatlong buwan na rin mula noong huling kita namin kanila Mommy. They went to the states to take care of their business, kasama ang isang malapit na kaibigan daw.
I immediately dialed mom's number the moment I entered the airport. Mabilis ko naman s'yang nakita agad. She was waving her hand at me, not so far from the entrance. With all smiles, I waved back.
Nasa likod nito si Daddy, kasama ang isang kasing-edad nilang lalake, they were talking.
"Mommy!" I hugged her when I went to them. Masaya naman itong yumakap pabalik sa 'kin.
"My baby, Nice!" Malakas nitong sabi na ikinanguso ko. Baby parin ang tawag nito sa 'kin, kahit ako naman ang panganay.
And yes, I got my IGN from my mom. She calls me Nice. Sila ng ninang ko.
"Baby n'yo? She's grown up, Xi." The middle aged man said. Napalingon naman kami sa kanila. I immediately gave daddy a tight hug, hinalikan naman nito ang noo ko.
"How's our babies?" Dad asked. Mas napanguso ako.
"Dy, mga adults na anak n'yo!" I groaned, annoyed. They chuckled.
"Well, still our babies." Ani mommy. "Ito ang panganay namin, Keir. This is my first baby, Nice." Pagpapakilala ni mommy sa akin. Napilitan akong ngumiti nalang. The guy has an intimidating aura. Kagaya ni dad. But he looks nice, especially when he gave me a small smile and a nod.
Sa etsura palang nito, halatang maraming admirers 'to noong kabataan nila.
"This is our friend, Tito Keir." Mommy added. So it must be him, iyong kasama nilang kaibigan sa States.
"Nice to meet you, po." Nag bow ako rito at ngumiti ng kunti.
"Likewise hija." Marahan nitong sabi. "Well, I have to go ahead too, my son's outside." Tumango naman sina Daddy.
"Ingat kayo sa daan, Keir. Ikumusta mo ako kay Adel at sa kids, okay?" It was mom.
Nang makaalis iyong lalaki ay kumapit ako sa braso ni mommy palabas ng airport.
"May pasalubong pa kami?" I asked excitedly.
"Oo naman! Mamaya pag-uwi. Nasaan ba ngayon ang bunso?" Ani mommy.
"Nasa Arena my, anong sasabihin ko? Na nakauwi na ako?" I asked. Huminto kami sa labas dahil parating pa ang binook kong taxi. Definitely Shine and I can drive, pero kasama namin si France. Automatic s'ya ang magdadala ng sasakyan at magmaneho.
"No, bumalik ka roon." Nahinto ako sa sinabi ni Mommy. She was wearing her best smile though, parang may plano sa utak.
"Why?" I asked, pertaining to her plan. Anong plano? Ngumisi lang so mommy dahilan para magulat ako. "Ikaw na bahala magpalusot, we'll be waiting at the house." She said as she kissed my cheek, and so as dad.
"Bakit ang tagal mo?" It was shine when I arrived at the venue. Napatingin ako sa blanko na upuan sa gilid ko bago tinanaw ang stage. 1-0 at nanalo ang Alpha sa first game.
"Period." Tipid kong sagot. I hope she stops asking. Buti nalang hindi na nagtanong pa ulit.
"Ulats ang Nexus sa first game. Chocolate lahat, maliban kay Miko." Tumawa naman ito na parang nasiyahan sa nangyari. I could hear the casters hyping the game and the crowd's cheer.
Nakikita kong clashing na naman ng dalawang team sa may malaking monster. Nag-aagawan, sobrang ganda tignan ng sobrang habang clash. Salitan lang ng skills at kitang-kita ang bilis ngunit nakakasabik na mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With A Pro Player
General FictionAfter being betrayed by a 3 years pro player suitor, Hezekiah Venice Neri learned to play that game and swears to make him pay. She discovered how she slays the game with her fast fingers and strategic mind. She entered the gaming world and suddenly...