Chapter 5

65 1 3
                                    

Hezekiah Venice Neri


"I want to try us." I giggled upon remembering the message he sent. Alam ko namang ibig n'yang sabihin ay kung meron kaming synchronization sa laro. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng iba. He also asked for my discord account.

Nabalik ako sa katinuan nang biglang mag lock ng archer hero ang kakampe namin ni K. He was the first to pick, that'd be crucial dahil siguradong ico-counter s'ya ng kalaban.

Pero okay lang, nandito naman ang best core.

Si K ang seat number 3 o tinatawag na s3, habang ako naman ang huli. Habang pumapatay ng oras sa picking ang mga kalaban ay nag open ako ng page ko sa computer para tignan kung nag stream si K, and I was shocked to see that he really is streaming!

Naka off mic s'ya pero sobrang dami n'yang viewers ngayon. I was shocked to see 70+ thousand viewers in just 5 minutes. Ganuon s'ya ka sikat. To think that these people recognized him by his skills, at hindi dahil sa etsura o ano paman.

God! I do really idolize this guy.

Nang muli kong tignan ang picking ay nagulat ako nang mag pick si K ng Angelic! It's a support hero! Mukhang hindi s'ya magco-core!

"Omg!" My eyes grew wide when our s4 chose a mage hero. Natawa ako sa hangin. Joke time ba 'to? Ipagco-core ko si K?

Nagulat ako ulit nang tumunog ang PC ko, a familiar username appeared on my screen. K was calling on discord!

"Ehem." I cleared my throat, trying to subside the hoarse sound I got from crying. Sinagot ko ito at hindi maiwasang mag react.

"Bakit support? Should we switch?" Kunot noo kong tanong kahit hindi n'ya naman makita.

"Use marley." Iyon lang ang sabi n'ya. His voice was clear and thick, napakalamig pakinggan, it gives me chills.

"H-ha?" I stuttered. It was my turn to pick! Natataranta na ako. "Hindi ako magaling mag retri." I clicked my tongue, kahit na confident naman ako sa pag retribute ko.

"T'saka praktis lang iyong Marley ko. Wala pang skin." I pouted. Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya, pero may mahinang static lang. Parang tinakpan ang mic, o ginalaw ito.

At dahil wala s'yang sagot ay pinick ko nalang ang Marley. I saw how the comments on his live stream flooded. Some are saying that we might be piloting each other's account. While some are praising our cool set up.

Hindi naman ito cool eh, nakakatakot 'to. It's my first time using Marley in public! Gusto ko iyong sabihin pero wag nalang.

Naka collector skin pa si K! Habang ako ay naka trial card, normal skin pa! Hindi ba gumagamit ng Marley si France? Hindi man lang binilhan nuong legend skin. Kuripot.

"Welcome to Legends' arena!"

As we went inside the game, I immediately activated my second skill. Kung si K ito ay uunahin n'ya ang first skill. Pero gusto kong maiba eh. I cabled towards a jungle monster to get a buff. Sumunod naman iyong batang may maliit na pakpak na si Angelic, used by K.

Iniinis pa ako nito at pinapatama sa akin ang skills n'ya kahit hindi pa naman lumalabas ang jungle monster hindi naman ako makaisa sa kanya.

He was following me as I rotated at our side of the map, nang mag level 4 ay agad akong pumunta sa lane ng archer namin.

I aimed my cables at the right corners of the map's walls and went straight to the opponent's archer. Isang ultimate ko lang ay namatay na agad ang punong buhay na kalaban.

"Impressive." Nagulat ako nang marinig ang boses ni K sa kabilang linya. Nakalimutan kong magkatawag pala kami!

I then cabled back on the way where the huge buff was, nang pumalya ang cable ko. I chuckled at my own action.

Falling In Love With A Pro PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon