CHAPTER 1

49 7 13
                                    

CHAPTER 1

"The Bucket List"


"Gusto ko pang mabuhay," iyan ang madalas kong sambitin sa aking isip tuwing nagpapa-dialysis ako. I was so desperate to live to the point na paulit-ulit ko itong ibinubulong noon hanggang sa makatulog ako.


"How I really wish I could live longer," saad ko at napangiti nang mapait. "But I only have less than two months left to live."


Humugot ako nang malalim na hininga at pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin. Ibinaba naman ni Gabriel, ang long term best friend ko, ang phone na pinangvi-video niya sa akin.


Narinig ko pa ang mahinang paghikbi niya sabay punas sa kaniyang luhang dumadaloy na sa kaniyang pisngi. Dahan-dahan akong tumayo mula sa upuan ng aking table, at tinabihan ko siya sa pagkakaupo sa dulo ng aking kama


Marahan kong hinaplos ang kaniyang likod. "Kahit wala naman na ako, ikaw pa rin ang best friend ko."


Ayaw ko nang ganito. Ayaw kong nakikitang lumuluha ang mga mahal ko sa buhay dahil sa akin. Last year, I was diagnosed with end-stage kidney failure due to glomerulonephritis. My kidneys' glomeruli, which acts as filters, were damaged.


Unti-unti ko na lang tinanggap na kailangan ko nang isuko pati ang mga pangarap ko. Eksakto noong magi-internship na ako sa college sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English, na-diagnose naman akong may kidney failure.


Akala ko noon, 'yong mga dinaradam ko ay dahil sa labis na stress, pero noong nagpa-laboratory ako for our internship, doon na-detect na may kidney failure na pala ako. Of course, parang pinagsakluban ako ng langit at lupa kasi kaunti na lang ay ga-graduate na ako.


Walong buwan din akong nag-dialysis, not until last month n'ong patigilin ako. Hindi na gumagana sa akin ang dialysis, at ang tanging paraan na lang para mabuhay ako ay through kidney transplant. My doctor told us that I only have less than two months to live. Mahaba na raw iyon.


I really wanted to live. Pero saan naman kami kukuha ng donor? Kahit na may pera kami, hindi gan'on kadali ang makahanap nang magdo-donate ng kidney sa akin.


Until now, walang donor. Sa pagdaan ng mga araw, mas lalo na akong nanghihina. Araw-araw ay natatakot ako na baka sa pagtulog ko ay hindi na ako magising pa; na baka lisanin ko ang mundong ito nang hindi nakakapagpaalam.


Hanggang sa unti-unti ko na lang tinanggap na wala na talaga akong pag-asa. Isinuko ko na pati ang pangarap ko. I decided to live my remaining months to the fullest. I wanted to leave the world with my sweetest smile kahit pa nanghihina ako.


"Hope, hindi ko kaya."


Muling napahikbi si Gabriel at niyakap ako.


"Gabriel, hindi pa ako patay, kaya huwag mo pa akong iiyakan," litanya ko kahit na maging ako ay naluluha na rin.


Kumalas siya mula sa pagkakayakap at saka pinunasan ang kaniyang mga luha. "Hindi naman kasi ikaw ang iniiyakan ko."

✓ Hope's Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon