Lumabas ng kusina si Race matapos uminom ng kape, hindi pa rin ito makapaniwala na nasa iisang lugar siya kasama ang lolo niya sa taong 1973. Ibig sabihin nito ay hawak hawak ng lolo Rams niya ang isang bersyon ng pluma sa taong ito. Hindi maipaliwanag ni Race ang nararamdaman niya pero hindi maganda ang pakiramdam niya sa nangyayari. Papalabas na sana si Race nang biglang nag-iiba na naman ang pakiramdam niya sa paligid niya, para bang nagbabago ang anyo ng kanyang paligid, parang siya ay napupunta na naman sa kasalukuyan, tinangkang lumabas ni Race sa pinto ng kusina pero ilang saglit pa ay unti unting nawala sa paningin niya sila Vincent at ang buong 1973 at napalitan ito ng gate ng university kung saan siya nanggaling bago pumasok ng 1973. Kaharap nito ang nakatalikod na si Kian na parang di mapakali.
"K-Kian?" sabi ni Race.
"RACE! SAAN KA NANGGALING! ALALANG ALALA NA MAGULANG MO!" sabi ni Kian sabay yakap kay Race.
"I told you guys I was gonna do something. How long have I been gone?" tanong ni Race. "Mga isang oras na simula nung nasa bahay ka."
Nagtaka si Race sa kung paano tumatakbo ang oras sa loob ng 1973, sa loob ng dekada 73, nandoon siya sa loob ng isang araw, at ang isang araw sa 1973 ay isang oras sa 2023. Hindi pa din alam ni Race kung paano siya nakakabalik sa 2023 gayong hindi naman ito sumulat sa papel gamit ang pluma.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong ni Race.
"Oo. Tinatawagan kita pero wala kang reception, saan ka ba nanggaling?" sagot ni Kian.
"Let's just go home, pag-usapan na lang natin mamaya." sabi ni Race habang papasok sa kotse. Habang binabaybay nila Race at Kian ang daan pauwi ay hindi pa rin mawala sa isip ni Race kung paano siya nakakabalik ng 2023. Kailangan nitong makabalik sa taong 1973 upang mailigtas sila Vincent. Inisip muli ni Race ang mga posibilidad, tanging ang mga batang sila Jeromy at Marcus lamang ang makakasagot ng kanyang tanong. Nakarating na muli sa bahay si Kian at Race. Umupo si Race sa living room ng kanilang bahay habang si Kian ay ipinarada ang kotse sa parking. Hawak hawak ni Race ang pluma, tinitigan niya ito at kukuha na sana ng kapirasong papel nang dumating si Kian at tumungo sa kanyang direksyon. Tinabihan ni Kian si Race.
"Race, we've been roommates and magkaibigan sa loob ng 5 taon, sabihin mo sakin, bumibisyo ka na ba ulit?" tanong ni Kian kay Race. Nagulat si Race sa itinanong ni Kian, ilang buwan na simula nung ihinto ni Race ang pagbibisyo kaya di nito akalaing pag-iisipan siya ni Kian nito.
"Kian naman, anong klaseng tanong yan, eh nakabuntot ka nga palagi sa akin, I swear I am not doing bad, I wish I could explain it, pero baka di mo maintindihan."
"Race, 1.25 ang GWA ko last semester, kung may makakaintindi man sayo, isa ako dun." pagmamayabang ni Kian.
"Okay, wag kang magugulat ha." sabi ni Race habang hawak hawak ang pluma. Kumuha ito ng kapirasong papel.
"Ano yan?" tanong ni Kian.
"Magbigay ka ng taon o petsa na di mo makakalimutan." tanong ni Race kay Kian.
"2018, March 5" sabi ni Kian.
Agad na isinulat ni Race ang petsang sinabi ni Kian, hinawakan ni Race ang kamay ni Kian at nagsimulang magbago ang paligid nila. Hinawakang mabuti ni Race ang kamay ni Kian para masigurong makakasama ito sa kanyang paglakbay papunta sa petsang sinabi ni Kian. Nanlaki ang mata ni Kian nang biglang mapadpad sila sa ibang lugar, nakaupo sila ngayon sa isang park, at sa harap nito ay may malaking billboard na may nakasulat na 2018.
BINABASA MO ANG
Deja VU (A Vinci and Reyster AU)
Teen Fictiona vinster au wherein Race (Reyster) mysteriously got time travelled in the 70's era of the Philippines and met a young activist, Vincent (Vinci).