Chapter 8: Panahon

17 0 0
                                    


Nakaupo sa sala ng bahay nila Vincent si Race at Vincent, pareho nilang iniisip kung paano mahahanap si Rams. Hindi lubos akalain ni Race na maglalaho ang kanyang lolo nang ganun ganun lamang. Tiningnan ni Race ang bag na dala ng kanyang lolo at sinubukang hanapin ang pluma sa loob.

"Ba't mo hinahalughog ang gamit ni Rams?" tanong ni Vincent.

"May hinahanap ako at sana nandito sa loob yun. Malakas ang kutob ko na hindi pumunta si Rams sa 2017 at his free will, dinukot siya." sagot ni Race habang hinahanap ang pluma. Kinapkap nito ang bulsa ng bag at doon nga'y nahanap nito ang pluma ng kanyang lolo. Hinawakan niya ito at biglang siya ay nakakita ng visions nang hawakan nito ang plumang pagmamay-ari ng kanyang lolo. Kagaya sa nangyari kay Kian, umitim din ang mga mata ni Race, pinakita ng pluma ang nangyari sa kanyang Lolo Ramon, na ito ay dinukot ng nakaitom na hood na tao at tinangay papuntang 2017.

Muling nagkamalay si Race at dali daling kumuha ng papel.

"Teka, saan ka pupunta? Aalis ka ba ulit? Iiwan mo ako?" tanong ni Vincent.

"Kailangan ko iligtas at ibalik si Rams dito, kailangan niyang mabuhay para di magulo ang mga pangyayari sa future." sabi ni Race. Tinitigan ni Vincent si Race habang kinukuha ang bag ni Rams at ang kapirasong papel. Napalingon si Race kay Vincent at nilapitan niya ito.

"Vincent, wag ka mag-alala, babalik ako, pangako yan." sabi ni Race kay Vincent.

Hinawakan nito ang mga palad ni Vincent at tsaka hinalikan ang noo nito.

"Bumalik ka. Ikaw na lang ang meron ako. Ayokong harapin ang laban na'to na di ka kasama."

Napangiti si Race at hinawakan sa pisngi si Vincent. Niyakap ni Vincent nang mahigpit si Race bago ito umalis para magtungo sa 2017. Naiwan muli si Vincent sa 1973 at pinagmasdang maglaho si Race.

__________________________________________________________________________

2017

Nakapasok na sa taong 2017 si Race ngunit hindi nito alam kung saan mahahanap si Rams. Naglakad lakad ito sa daan para subukang mahanap kung saan dinala ang kanyang lolo. Biglang nagliwanag ang plumang hawak nito na tila ba tinuturo ang daan papunta sa may-ari nito. Sinundan ni Race ang daang tinuturo ng pluma. Nakarating si Race sa isang abandonadong apartment.

"Tao po?" pagkatok ni Race sa pintuan ng apartment. Binuksan ni Race ang pinto at doon ay nagulat ito sa laman ng pinto, lahat ng nasa loob ay iba't ibang bersyon ng lolo nito sa bawat taon. Nakita ni Race si Rams at kaagad nitong tinanggal si Rams sa pagkakatali.

"Lolo? Ano 'to? Anong meron?" tanong ni Race.

"May babae, kinuha niya ako at inilagay dito, nanay mo daw siya." sagot ni Rams.

"Nanay?" tanong ni Race.

"Oo, Race, kunin mo ang pluma sa kanya. May masama siyang plano. Gusto niyang sirain ang buhay mo. Naghihiganti siya." sagot ni Rams.

"Si Myrna. Pero bakit?"

"Hindi ko alam. Pero Race, kailangan mo nang umalis bago pa mahuli ang lahat."

Deja VU (A Vinci and Reyster AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon