02

16 1 0
                                    

"Napakapapansin! Humanap nga kayo ng maba-badtrip n'yo!"


Napailing na lang ako at inawat ko na lang si Carter na parang susugurin na 'yong mga lalaking hindi naman namin kilala. Pinulot ko na lang din 'yong mga art materials ko na kakabili ko lang sa store ng CIU. Hindi na libre ang mga gamit ko dahil hindi naman ako naka-with highest honors noong nakaraang semester pero may discount pa rin naman. Nakita ko lang din doon si Carter na bumibili ng columnar pad kaya sabay na kaming bumalik. Nagkukuwentuhan lang kami ng kaibigan ko nang biglang may bola ng basketball ang tumama sa amin.


"'Uy, si gamer boy pala 'to, eh! Si Rafaela god!" Malakas pa na tumawa 'yong lalaking nakatama sa amin. Malapit kasi kami rito ni Carter dumaan sa outdoor basketball court ng CIU.


"'Na mo!" galit na ganti ni Carter habang hawak-hawak pa rin ang bolang tumama sa amin, ayaw ibigay sa lalaki. "Isa pang bolang tumama sa'min, babalik na sa pagmumukha mo 'to." Itinaas pa ng kaibigan ko ang bola, umaamba na ibabato ito sa lalaki.


"Scary, wooh!" Itinaas din naman ng lalaki ang mga kamay niya na parang nananakot, inaasar ang kaibigan ko. Mabilis niyang kinuha ang bola sa kaibigan ko kaya wala nang nagawa pa si Carter kundi ang mainis na lang talaga sa kaniya. "Corny mo! Fan kaya ako!"


"Ulol!" Sumama pa lalo ang tingin sa kaniya ni Carter.


"Hayaan mo na," mahinahon na sabi ko. Papaano, ganiyan sila palagi. Sila ni Elijah, ang hilig makipag-away! "Umuna na tayo."


"Mabuti pa 'to, chill lang," sabi niya naman sa akin at ngumiti pa.


Nabaling lang ang paningin ko sa lalaking kaharap. Jersey ng basketball ang suot niya. Makikita rin sa noo niya 'yong kulay gray niyang headband ngunit medyo natatakpan lang din ng mga basang buhok niya dahil naka-bangs siya. Well, hindi naman maitatangging mahitsura siya kahit na nakakainis siya.


His skin tone is lighter than mine. His nose is sharp, and his lips are thin, as if he cared about them because they appear healthy. Although his eyelashes are thin, they contrast with his brows, which are merely ordinary in number. His brown eyes and triangular facial shape, which makes it easy to notice his jawline. I'll admit that his body is fine as well. Even though his clothes covered it, his chest was well-shaped. That's probably because he's so athletic.


"Pogi ba?" Tumawa 'yong lalaki habang nakatingin din nang diretsa sa mga mata ko. Inilagay niya pa sa baba niya 'yong pagitan ng hinalalaki't hintuturo niya habang nakasara ang tatlo pang daliri. "Grabe ka naman kung makatitig. Hinuhusgahan mo na siguro ako sa isip mo..."


"Huh?" Nagtaas ako ng isang kilay.


"Sungit!" sabi pa niya. "Halikan kita diyan, eh!"


Sinampal ko siya. Ako man ay nagulat din sa ginawa ko. Ano ang magagawa ko, ang bastos kaya! Napapalakpak pa si Carter sa ginawa ko, proud na proud. Sa kabilang banda, mukhang nabahiran naman ng pagkainis itong mukha noong Grayson.


Tumalikod na siya sa amin at tumatakbo na pabalik sa court habang nagdi-dribble ng bola. Pagkarating sa court, nag-shoot pa siya nang nandoon sa three-pointer line ng court, at agad na lumingon sa gawi namin ni Carter at nag-thumbs-up pa na para bang sigurado siyang masho-shoot 'yong bola. Nagulat na lang ako nang ma-shoot nga 'yon. Kasabay pa noon, ay ang paghiyawan ng mga kalaro niya. Ngumisi pa siya kaya napairap na lang ako bago inaya si Carter na umalis na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Admiring The Last Seven Sunsets With You (CIU Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon