PROLOGUE

12 1 0
                                    

MIA FAYE CRUZ-SALVADOR

"Hindi mo naman kasi naiintindihan, Gray!"


"Mia..." Nagpakawala siya ng tipid na ngiti, sinusubukan na kumbinsihin na maayos lang siya... kami. "Mia, kumalma ka muna, okay?"


Hahawakan na niya sana ako sa bandang panga ko pero umiwas ako sa pamamagitan ng pag-atras. "Kalma?!" Namumula na ang mga mata ko sa sobrang galit. "Paano ako kakalma, Gray? Putang-ina, magkakaanak na tayo, 'tapos sasabihin mong may sakit ka, huh?! Nanganganib ang buhay mo, 'tapos mag-e-expect kang kaya kong kumalma ngayon, huh?!"


"Posible namang magamot 'to, Mia," sabi pa niya. "Huwag kang mag-alala."


"Kita mo, hindi ka nga sigurado, eh!"


Iniisip ko pa lang 'yong mga mangyayari pero nagtutubig na kaagad ang mga mata ko, iniipon ang lahat ng 'yon bago ibinagsak. Napasabunot ako sa sariling buhok bago umupo rito sa isang upuan.


"Mia..." Muli niyang sinubukan na kunin ang atensyon ko.


"Ang galing mo kasi, eh!" Sarkastiko akong tumawa kahit na may bahid pa rin ng sakit ang maririnig doon. "Ang galing-galing mo! Kaya pala ang hilig mong magbiro nang ganoon kasi may sakit ka naman na pala talaga. Sana hindi mo na lang ako kinilala."


"At sana hindi mo na rin ako minahal," dagdag niya, umuupo na rin ngayon sa tabi ko.


Napahawak ako sa tiyan ko, inaalala ang sanggol na nasa loob noon.


"Mia, go to your room! Now!"


"Kuya!" Paulit-ulit akong umiyak dahil pilit akong inilalayo ni Mommy kina Papa at Kuya David. Ang higpit ng kapit ko sa kapatid ko, umaabot sa punto na nakangiwi na sa akin si Kuya dahil hindi niya alam kung paano ako aaluhin.


Mas lumakas na ang puwersa ni Mama at matagumpay na niya akong nailayo kina Papa. Lumakas ang pag-iyak ko dahil ayaw ko maiwan dito. Hindi ako sanay na wala ang Kuya ko.


"Nasasaktan ang bata!" Nagtangkang lumapit si Daddy pero napahinto na lang nang itaas ni Mama ang kamay niya.


"Masasaktan talaga si Faye kapag hindi ka pa lumayas sa pamamahay ko!"


"Aalis ako." Bumuntong-hininga siya.


"Pa... Kuya..."


Bumalik ako sa katinuan at sunod na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Naiiyak ako sa mga senaryong naiisip ko na hindi imposibleng mangyari. Mahal ko si Joseph pero alam kong kakayanin ko. Kaya ko.


"Paano ang anak natin?" naiiyak na tanong ko. "Ano'ng sasabihin ko sa kaniya? Paano kita ikukuwento sa kaniya? Paano ko ipapaliwanag? Mahal kita pero ang gago mo! Ang gago-gago mo! Alam mo ang buhay ko, Grayson! Alam mo! Alam mo ang sakit na dinanas ko nang lumaki ako nang hindi kumpleto ang pamilyang kinikilala ko! Ang sakit lumaki nang walang ama! Alam nating pareho 'yon, Grayson! Ano ba—"


"Mia, nandito ako! Nandito pa ako!" sigaw niya. "Hindi ko sinabi sa'yo 'to para manghina ka. Alam ko, oo! At hindi ko hahayaang lumaki nang walang amang kinikilala ang anak natin! Mahal kita, Mia."


Napasabunot ako sa sariling buhok bago humarap sa kaniya. "Magpapagaling ka, ha! Magpagaling ka... Gagaling ka!"


"Lalaban ako, Mia," bulong niya sa akin bago ako hinalikan sa mga labi ko. "Seven days, Mia. In seven days, we will go to another country for my treatment. Like I said, I will fight."


"Eh, paano—"


"Hindi natin hawak ang mga buhay natin, Mia," pagputol niya sa sasabihin ko. "Fifty-fifty, Mia. Kapag bumalik, buhay ako. Kapag hindi..." Umiling siya. "Mahal kita."


"Babalikan mo 'ko..." Hindi iyon tanong bagkus utos na nagsasabing kailangan niyang sundin at ipangako.


Grayson held my hand and stood up next to me. He invited me to stand, so I followed him immediately. When I stood up like him, he wiped the tears from my face. Then, he smiled and gently squeezed my right cheek.


Together, we turned to the scenery we love to see. We held each other tighter and sighed at the same time.


"Starting today, we'll admire the last seven sunsets that I can share with you, Mia. But our journey won't end there because we will continue this many more times kapag puwede na uli... Babalikan kita. Pangako."

Admiring The Last Seven Sunsets With You (CIU Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon