EPILOGUE

78 8 3
                                    

I woke up to the sound of kettle whistling in the kitchen.



Maliban dito, tahimik na ang bahay at tanging mga ibon nalang sa labas ang maririnig. Parang walang natirang ibang tao dito at ako lang ang naiwan. 



Asan nanaman kaya si Fabian?



Labag sa loob kong bumangon mula sa kama para patayin ang kumukulong tubig sa kusina. Pagkalabas ko ng kwarto, hindi ko mapigilang mapatitig sa pintuan ni Alayna.



It's been 6 months since she left and true to her words, she didn't contact me at all. When Scarlett randomly appeared in front of our gate to visit me, she told me everything that happened when Alayna got home. Ewan ko nga kung pano niya ako nahanap but since she's Scarlett Sevillero, hindi na ako nagtaka.



Alayna was immediately given work in their company as soon as she came back at balita ko may balak na itransfer sa kaniya ang kumpanya dahil gusto na magretire ng papa niya. She's been actively participating in business matters that I could always read her name in the papers and sometimes here her on the news. She's been too busy to contact us – I don't even know if she still has our number since hindi naman ito masyadong nagagamit noon. May isang time naman na pinadalhan niya kami ng pasalubong mula Hong Kong but after that, she's been out of country for the past 3 months.



Tinanggal ko ang pagkakatingin sa pintuan at bumaba na sa kusina bago pa mag overflow ang tubig. Matapos kong patayin ang takure, nagsalin na ako sa mug ng tubig at nag umpisang magtimpla ng kape. Mukhang nakalimutan nanaman ni Fabian yung tubig niya.



Nang matimpla ko ang kape ko, iniwan ko muna ito sa mesa at sumandal sa counter habang nakatingin sa labas ng bintana. Pasikat pa lang ang araw at sa mga gantong oras, bumabangon na dapat si Alayna para magdilig ng mga halaman. Kung hindi naman iyon, nagbabasa na siguro siya sa ilalim ng puno ng mangga tulad ng nakita ko noong unang buwan na pagkikita namin. Pwede ring nilalakad niya na si Patra sa may patubigan at inaantay akong sumunod sa kanila.



Natigil ang pag-iisip ko nang narinig kong bumukas ang pinto. Inasahan kong papasok si Fabian o si Tita Matilda sa kusina pero nakita ko lang ang brown na balahibo ni Patra patungo sakin.



I smiled softly and bent down to pet her head. Base sa mga putik sa paa niya, mukhang nilakad niya ang sarili niya.



"You miss her too, huh?"



Patra whined in response which made me chuckle.



"Me too, buddy," sagot ko at binuhat siya at ang kape ko sa mesa. "She won't be here to take care of you though so let's wipe those feet clean na."

Point of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon