prologue

2 0 0
                                    

“ Ay! ” Tili ko, nang bigla akong madulas at mapatapon ang kapeng dala ko.

“ What the fuck? ” Biglang may nagsalita sa may unahan ko

Ang gulat ko nalang nang makita kong natapunan ko ito ng kape. Omg! my coffee was all over his face!

“ S-sorry po, bakit po kasi kayo nandiyan, lawak ng daan e, pahara-harang kayo ” Saad ko

Ngunit biglang nandilim ang mukha ng lalaking ito, kaya kinabahan ako bigla.

“ Ay, hehe sorry po, sabi ko nga kasalanan ko lahat to e, hehe peace ” Saad ko rito sabay ngiti nang matamis.

Aalis na sana ako nang biglang higitin niya ako papalapit sa kanya, at viola! nasa ibabaw niya na ako ngayon. Nagkasalubong ang mga mata namin, malapitan kong nakita ang kulay abo niyang mga mata na kala mo’y hinihipnotismo ako.

“ So, you have no plan to get off me? ” sing lamig ng yelong sabi nito

“ S-sorry sir! ” Saad ko, at tumakbo na ng mas mabilis pa kay flash.

___________

“ Oh, bakit naging mas mahirap ka na ata sa daga? ” puna ng kaibigan kong si greg.

“ Ha? bakit? ” naguguluhang tanong ko

“ Tingnan mo nga iyang mga paa mo, iisa nalang ang may silungan ” natatawang sabi nito.

“ Hala! Oo nga pala! Naiwan ko ron sa may hotel kakamadali ko ” naiiyak kong sabi, dahil bago palang non kakabili ng sapatos ko.

“ Babalikan mo pa ba? ” tanong nito

“ Oo, ang mahal kaya non! ” naiiyak na ako dahil baka nawala na iyon.

_______________

hingal na hingal ako nang makarating ako sa hotel na napag iwanan ng takong ko.

“ Ate, may nakita ka bang takong dito? ” tanong ko sa isang babae.

“ Ay, oo! Pasok ka ron sa vip room, makikita mo hinahanap mo ” saad nito

Wow, may pa vip. Angas naman

Pumasok ako sa nasabing kuwarto, at namangha ako sa laki ng loob nito, grabe naman ito.

“ Hello? May tao po ba rito? ”

Walang sumagot. Siguro andito lang talaga yung takong ko, huhuhu naiiyak na ako ang mahal non e.

Hinalungkat ko ang buong kuwarto, Ngunit ni isang takong ay wala akong nakita.

“ Looking for this? ” isang malamig na boses ang nagpapitlag sa’kin.

Nilingon ko ito, at napanganga sa nakita. Naka-towel lang ito, Walang saplot any pang-itaas. Kaya malayang pinagmamasdan ng mga mata ko ang kanyang six pack abs. Hmm, ang yummy!

Nagulat nalang ako nang may tumapik sa pisngi ko. Nakakahiya! napatulala pala ako

“ Hey? hindi ako pagkain para paglawayan mo ” Saad nito.

“ U-uh a-ano, ang kapal mo naman ” saad ko na ikinagulat niya, maski ako ay nagulat din.

“ No one dares to talk to me like that ” madilim ang mukha na ani nito. Palapit ito nang palapit sa'kin, kaya palayo rin ako nang palayo.

“ S-sorry na, sir ” nauutal kong usal

Sa bawat pag atras ko’y di ko na namalayan na basa pala ang sahig, Kaya nadulas ako. Ngunit di pa naman nakakalapat sa sahig ay may malakas na braso na agad ang humila sa’kin.

Ngunit di ko inaasahan ang sumunod na nangyari, Nasa ibabaw ko na siya and we fucking kissed!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The One Of a KindWhere stories live. Discover now