Chapter 1 - Hired

655 7 1
                                    

Caileigh Vaughn Ocampo's POV

Nandito ako ngayon sa MRT nakatulala habang hinihintay ang tren, papasok pa lang ako sa pinapasukan kong BPO Company, galing akong Ortigas at sa Ayala dapat ang baba ko pero dahil lutang ako nalagpasan ko at nandito ako ngayon sa Magallanes.

Papasok palang ako pero mukhang pauwi na ko dahil sa itsura ko na naliligo sa sariling pawis, alas siyete pa lang ng umaga at naabutan ako ng rush hour pero hindi naman Lunes ngayon kung hindi Miyerkules pero parang ang daming tao ngayon. Ang tagal naman kasing matapos gawin ang subway ng bawas bawasan naman ang pasahero dito, pwede rin naman akong mag carousell kaso ayoko ko kasi wala ako sa mood magbus.

Napabalik ako sa realidad ng bumukas na yung pintuan ng tren, may dumating na palang tren ng hindi ko namamalayan, o 'di ba girl lutang talaga.

Pumasok na ko sa loob at tumayo nalang ako dahil sa susunod na istasyon naman akong baba. Humawak na ko sa handrail handle habang nakatingin ng diretso sa pintuan ng tren at hinihintay na sumara ito. Napansin ko naman yung katabi kong babae na mukhang nahihirapan abutin ang handrail dahil kinulang siya sa height at napatingin naman ako sa lalaki na katabi rin namin na inofferan siyang humawak nalang sa muskaladong braso ng lalaki, the guy looks harmless at mukhang genuine naman yung offer niya pero mukhang hindi komportable yung babaeng katabi ko dahil pawisan yung lalaki kaya naman bumulong ako sa babae at nag offer na ko kung gusto niya sa akin nalang. Tumango naman siya at humingi ng pasensiya sa lalaki ngumiti naman ang lalaki at sinabing naiintindihan niya.

"Ayala Station," rinig kong announced sa loob ng Tren.

Kaya bago pa ko lumagpas ulit sa Istasyon ko ay nagpaalam na ko sa babae pero bago ako lumabas ng tren ay nilipat ko ng pwesto ang babae kung saan makakahawak siya ng maayos sa handrail. Nagpaalam na ko sa kanya at nagpasalamat naman siya sakin na nginitian ko nalang. Nakakahiya talaga minsan tumulong. Hay buhay ang aga ko naman gumawa ng good deeds, sana nalang maganda ang araw na ito.

NANDITO na ko sa loob ng office at laking pasasalamat ko dahil hindi ako nalate, muntik lang dahil 7:58 a.m akong nagtime in pagkatapos 'nun pumunta na 'ko sa cubicle at binuksan ko na ang iMac nasa harap ko.

Tulad ng sinabi ko kanina na nagtatrabaho ako sa BPO pero hindi ako invoice more on Emails ako like pag may mga nagreport na may problema, ako mag aassist at magchecheck kung valid ba yung reasons o trip lang talaga mangreport ng account.

Lunch break na at papunta na ko sa cafeteria, nakatayo na ko sa labas ng elevator at hinihintay ito magbukas.

"Girl, muntik ka na malate kanina ah," nagulat naman ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Jenna sa tabi ko.

"Kagulat ka naman" tumawa naman ito kaya inirapan ko ito.

"Oo nga e' buti naka abot ako" pag sagot ko sa sinabi niya.

Bumukas na yung elevator kaya pumasok na kami kasama ang taga ibang floor.

"Hi, Caileigh" bati sa'kin ni Bryan.

Ngumiti naman ako bilang pagbati ko dito. Kinurot ko naman sa tagiliran si Jenna dahil patagong sinisiko ako nito, mang-aasar nanaman ito sa akin panigurado. Number 1 shipper namin 'to ni Bryan.

May gusto kasi ito si Bryan sa akin at sinubukan pa nga ako nito ligawan pero tinanggihan ko dahil hindi pa 'ko ready at masakit pa rin ang puso ko dahil bakla ako! At masakit pa rin yung puso ko sa huling relasyon ko.

Bumukas na ang elevator at lumabas na kami ni Jenna para maglunch.

4 p.m na at tapos na yung duty ko, nakakapagod kahit nakaupo ka lang at nagchecheck lang ng emails. Pagka time out ko ay rerekta na agad ako sa interview ko na malapit lang din dito sa Ayala. Walking distance kaya ngayon nasa tapat na agad ako ng restaurant at nakatingin sa malaking signage "Così Delizioso" yan ang pangalan ng restaurant na pag aapplyan ko.

Risked it All (On-Hold)Where stories live. Discover now