Lunes na at nandito ako ngayon sa BPO company para magresign, napag isipan ko na magresign nalang dahil hanggang 10 pm ang Cosi Delizioso kaya hindi kakayanin ng schedule ko. Pagkatapos ko dito didiretso na ko sa Restaurant para magpirmahan na ng kontrata.
"Uy! Caileigh" rinig ko tawag sa pangalan ko kaya lumingon ako sa taong tumawag sa akin.
"Hi, Jenna" pagbati ko sa kanya.
"Balita ko magreresign ka na?"
"Oo, natanggap na kasi ako sa isang Restaurant."
"Buti ka pa natupad na ang dream job mo, kailan kaya ako" malungkot na saad niya.
Nagtapos kasi si Jenna ng Industrial Engineer, wala naman siyang mahanap na trabaho pero may tatlong kompanya na ang pending daw dahil next year sa March daw ay mag oopen daw sila ng Job offering at isa si Jenna ang nakapila sa pending list of potential applier kaya ayun tiis tiis lang sa BPO ang mahalaga may monthly income siyang nakukuha.
"Don't worry let's manifest na next year matanggap ka na rin sa isang industrial company" sabay tapik sa balik niya.
"Let's manifest that!!" masiglang aniya niya.
"Ms. Ocampo, approved na po ang resigned niyo" biglang sabi ng isang employee sa department ng H.R.
"Thank you" pasasalamat ko na may ngiti.
"Paano ba yan Jenna, see you when I see you na lang" paalam ko dito at yumakap ulit kami sa isa't isa bago ako magpaalam ng tuluyan.
Pagkatapos ko doon, dumaan muna ako sa Starbucks kasi trip ko lang.
Pumili na ko para maka order na. Ilang sandali lang ay ako na.
"Hi, can I get a grande of Iced White Chocalate Mocha and 2 cake pop please."
Inulit ni Miss Kaye yung order ko, "That's all lang ba ma'am?" tanong niya at tumango lang naman ako sa kanya.
"Take out?" i just simply answered her, "yes."
"Name nalang po ma'am."
"LC" I said.
Pagkatapos 'nun pumunta na ko sa waiting area at tumingin sa malaking glass window kung saan makikita mo ang mga taong nag-uusap at naglalakad may mga nakangiti, may mga seryoso naman.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tinawag na ang pangalan na binigay ko, well I prefer not to used my real name, sometimes I just used my initials pero mas madalas kahit anong pangalan o salita na lang kung ano una pumasok sa utak ko. Katulad ng sinabi ko kanina, LC stands for Leigh-Cai binaliktad ko lang yung sa first name ko, it's fun to play around with your name kaya.
Pumunta na ko sa claiming ng order at hahawakan ko na yung Coffee ng iba ang nahawakan ko at may nararamdaman akong kuryente kaya naman tumingin ako kung kaninong kamay ang nahawakan ko, base sa kamay palang halatang mayaman ito ang kinis, ang lambot, at ang mala kandila nitong mga daliri parang ang sarap kahawakan ng kamay at masarap ipas— stop brain, bad.
Nang tumingin ako sa kaniya ay ganun nalang ang gulat ko kung sino ang babaeng kaharap ko ngayon na nakatingin din ito sa akin.
"Hands" rinig kong sambit nito.
"H-huh?" parang tangang sagot ko.
"Your hands" pag ulit niya at tumingin sa mga kamay namin kaya naman napabitaw ako at tumikhim.
"Uhm, Hi Ma'am Guevarra" bati ko sa kanya at kumamot sa batok.
Inirapan lang naman ako nito at kinuha na yung coffee niya at tumalikod na.
YOU ARE READING
Risked it All (On-Hold)
RomanceWhat are you willing to do for love? Are you ready to risk? [UNEDITED]