Maganda Ka

5 0 2
                                    

Oo maganda ka ang ganda mo,

Ang iyong kagandahan ay walang kahulugan

Sa bawat kilos mo ang ganda'y sumasabog,

Sa bawat ngiti mo ang mundo'y nagliliyab

Ang iyong mga mata naparang bituin sa langit,

Nagbibigay ng liwanag at sa dilim ay kumikislap

Ang iyong mga labi na tulad ng rosas na namumukadkad

Sa bawat salita mo sakit sa puso'y napapawi

Ang iyong tindig, matipuno at matatag

Lakas at giting sa iyo'y sumasaludo't nagpupugay

Ang iyong walang katumbas na talino,

Sa bawat gawa mo mundo'y namamangha't humahanga.

Oo maganda ka hindi lang sa panlabas na anyo

Kundi pati na rin sa iyong kabutihan at puso

Ikaw ay isang biyaya sa mundong ito

At sa tuwing nakikita ka saya'y umaapaw

Kaya't magpatuloy ka sa pagiging maganda

Ipagmalaki ang sarili at huwag mahiya

Dahil ikaw ay espesyal at walang katulad

Isang magandang nilikha ng Diyos na dakila

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maganda KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon