Chapter 1
"Lily, I love you." Madamdaming sabi ni David na kanyang nobyo.
Nasa isang mamahaling restaurant sila. Ngayon ay ang kanilang ikatatlong-taon na anibersaryo.
As usual ay siya ang nanlibre dahil wala pang pera si David. Bread winner ito ng pamilya at may mga kapatid pa na pinapaaral. Habang nasa College sila ay nagtratrabaho na si David at napakadaming sideline nito.
Naiintindihan naman ito ni Lily. Kaka graduate lang nila.
Sinuwerte siyang makapag OJT sa pinakatanyag at sikat na hotel sa buong mundo.
At ito ay ang Christophe Five Star Hotels and Restaurants.Si David ay kailangan pa ng pera upang maka board exam.
Nangako siya na susuportahan ang nobyo sa abot ng kanyang makakaya. Kaya pagbubutihin niya ang pagtratrabaho upang maging regular siya sa nasabing hotel."I love you too, David." Sagot ni Lily at nagsalo sila sa isang masarap at punong-puno ng pagmamahal na halik.
Matapos kumain ay nagyaya si David na pumunta sa kanilang bahay.
Hindi pa alam ni David kung paano siya tratuhin sa kanilang pamilya.
At ayaw niyang ipaalam ito dahil baka magalit si David at kung ano pa ang magawa nito.
Mahirap na baka maapektuhan pa ang trabaho ni David."Lily, I guess it's time na ipakilala mo ako sa iyong pamilya. Three years na tayong magnobyo pero hindi pa ako nakakadalaw sa inyong bahay." Nagtatampong sabi ni David.
Ang buong akala ni Lily na mahal talaga siya ni David!
Pero may iba pala itong motibo...Gusto niyang makita ang mansion ng mga Magdilang!
Bago niya ligawan si Lily ay inalam muna niya ang estado ng pamilya nito. Ng malaman niya na mayaman ang pamilya ni Lily ay wala siyang sinayang na sandali!
Pinaibig niya ang dalaga at nahumaling naman ito sa kanya.Napabuntunghininga si Lily. Siguro naman ay hindi magagalit ang kanyang Daddy dahil nasa tamang edad na naman siya para magkaroon ng nobyo.
"Okay, pumunta na tayo sa bahay ngayon at ipapakilala na kita sa aking pamilya." Masayang sagot ni Lily.
Halos mapalundag naman si David sa labis na tuwa!
"Thank you, Mahal ko." Sabi ni David at niyakap si Lily.
Napaganti naman ng yakap si Lily. May pag-aalala parin sa kanyang puso. Hindi siya gusto ng kanyang madrasta na si Carina.
Ang kanyang ina ay isa paring katulong ng pamilya Magdilang.
Kinilala lang siya ng kanyang Daddy matapos na lumabas ang positive result ng kanilang DNA test.
Pinag-aral at pinakain pero tumutulong din siya sa mga gawaing bahay sa mansion.Ayaw ng kanyang madrasta na si Carina na hindi siya magtrabaho dahil isa lang siyang anak ng katulong!
Tiniis niyang lahat ito para lang makapag aral ng maayos at ngayon nga ay naka graduate na siya.
Pangarap niyang umalis sa mansion ng mga Magdilang at mamuhay sila ng tahimik ng kanyang Mama na si Lucy.Mas nagkaroon siya ng inspirasyon ng makilala ang nobyo na si David.
Si David na nagpadama sa kanya ng tunay na pagmamahal.
Mahal na mahal niya ito at walang mahalaga sa kanyang buhay ngayon kundi ang kanyang Mama at si David lang!*************************
MAGDILANG MANSIONNag taxi sina Lily at David papunta sa kanilang mansion dahil walang sasakyan na maghahatid sa kanila.
Exclusive ang lupa kung nasaan ang kanilang mansion. Puro mayayaman ang nakatira rito at wala kang makikita na maliit na bahay sa nasabing lugar.
Puro mansion ng mga kilalang mga mayayaman lang ang andito.
BINABASA MO ANG
My Billionaire True Love
Romantik(The complete chapters is available to read on Goodnovel app) Penrose Lily Magdilang, isang illegitimate daughter na anak ng isang maid. Ipinagpalit ng kanyang boyfriend sa bratinella niyang kapatid at ipinakasal ng kanyang pamilya sa isang baldado...