Jade's POV
omg nakaka excite may bago na namang ganap ngayon, ang sarap rin talagang maging Journalist bukod sa pag susulat eh, may gala rin tulad ngayon napag disisyunan naming pumunta sa Golden lead actually wala naman talaga akong idea about sa lugar na to but sabi sabi nila na mahiwaga daw tong lugar na. Bilang journalist pupuntahan tlga namin yan para mapatunayan kung totoo ba
"Hi guys welcome to my vlog" eto na sinisimulan kona mag record para mamaya tuloy tuloy nalang para narin makunan ko narin mga reaksyon netong mga to.
"Hi guys, nandito kami ngayon sa Golden leaf na pinag mamalaki nila" ayon naman kay Amie na malaki ang ngiti, kunwari hidni sya nahirapn umakyat eh maputik pa naman pa akyat bundok din kasi tong Golden leaf eh
"Hi guyss, ang ganda dito sa golden leafff!! singit naman ni Bea
"Hi Guys, its me Dianne" singit naman ni Dianne na grabe ang ngiti, sabagy minsan lang naman to makagala.
Sinundan ko naman yung mga boylet naming mga kasamahan na ang bibilis mag lakad akala mo may mga hinahabol
"Kasama namin ngayon si Levi, Eric and kaint" sabay tapat sa knila ng camera, jusko tong mga tao na to parang di marunong humarap sa camera ang paplastic ha
Habang palapit na naming marating ang tuktok ng Golden Leaf mas nalalanghap ko ang masarap na hangin, malayong malayo sa ingay at puro usok na nakagisnan ko.
Pag karating namin sa itaas ang dami palang bahay dito ngunit bakit sira sira at basag basag pa ang mga bintana. Nakakapag taka maganda naman ang paligid ngunit bakit hindi tinuloy ang mga bahay?Malaki naman ang lupa ano kaya ang problema?
habang palapit kami nakita rin namin si Francis,Hans,Gab at Caleb
"Pucha kayo napaka tagal nyo naman mga ate at kuya" ani ni Francis sabay kamot ng ulo
"Oo nga san ba kayo nag si punta ha! mga Journalist ng taon HAHAHAHA" ayon naman kay Gab na mukang nang aasar pa.
"Ngayon nakita nyo na tong Golden leaf tara uwi na tayo" ani naman ni Hans na inip na inip na kakaantay kanina.
"Huy kalma lng ante i tour nyo muna kami first time namin dito eh i vovlog ko narin for memories" ani ko naman sabay kindat at open muli ng camera.
"Sige bilisan lng natin, baka abutan tayo ng gabi mahirap na madilim kapag pababa" ani naman ni Caleb na nag mamadaling nauna at nag sunuran naman kami.
Sinimulan narin naming mag lakad lakad nakakamangha tlaga ang tanawin kaya hidni nako nag tataka kung bakit ipinag mamalaki nila ito, totoo nga mukang delikado ang pag akyat dito dahil madulas at maputik ngunit kung ganito ang tanawin na iyong masisilayan mawawala lahat ng pagod mo.
Sunod sunod naming pinasok ang mga bahay puro basag na bote lang, mga basurang hindi nalilinis at mga graffiti letters na halos punuin ang mga pader ng bawat bahay. Cool na cool tlga ako sa mga graffiti na nakikita ko sa pader kahit na nakaka sagabal to para sa ibang nag business pero kasi ang lupet ng talent na yon diba ang angas
At ng sa huling bahay na aming pinasukan
"Aackkkk" nakakagulat dahil nag tatakutan na pala sila Eric at Francis dahil nga dumidilim narin at wlaa talagang ka ilaw ilaw rito sa Golden leaf, dahil sa mga tila at asaran ay dali dali narin kaming lumabas ng bahay.Ngayon ko lang napansin na hindi pala sumama si Hans sa oag punta namin sa huling bahay at mukang kakatapos lng nito Umihi.
"Uy Takte ano to??" sabi naman ni Hans kaya nag silungunan ang lahat sa knya at may kinuha sa paa na mukang natapakan nya
"Gagi may box" pakita nya saamin at binuksan ito sabay tutok ng aking camera sa kanyang nakita. Mukang makaluma na tong box na to antik na nga ata eh maalikabok pa
"Ano yan?!?!" curious naming tanong lahat sa knya
"Wait kalma bubuksan lng" sabi namann ni Hans sabay bukas ng hawak nyang box
"shapes??" bulong ko naman dahil sa loob nito ay may ibat ibang shape na may ibat ibang kulay
"ahh alm ko to laruin tara uwi na tayo" ani naman nya na hindi ko narin kinulit.
"Anong oras kayo uuwi, Tapusin nyo nayan mag si uwi na kayo" nag silungan kami dahil sa aming narinig. ayon sa Matandang lalaki na naka motor,Mukang sya ang nag babantay sa lugar na to
"okay na po tapos na po kami,uuwi narin" sabi naman ni Dianne
"Mag ingat kayo madilim pababa at madulas din." sabi ng matandang lalaki sabay paandar ng motor at umalis na rin.
Nang kami ay pababa na masama na ang tingin samin ng mga nakatira sa parteng bundok. Hidni naman kami maingay sakto lng hehehe pero nakakatakot naman sila makatingin kaya dali dali narin kaming nag si baba kahit na madulas at madilim. Hidni narin ako nakapg record dahil focus ako sa mga paa namin dahil madulas kunting mali lng pede kang malaglag sa maliit na sapa.