rules

14 0 0
                                    

Eric's POV

Heto na namn tayo sa mga maiingay na tao na to.PAMBANSANG TAMBAYAN daw kasi tong bahay namin purke ako lng mag isang naka tira dito , palagi kasing wala sila mama at papa busy sa work, yung mga kapatid ko naman ayun may mga pamilya na ako nalang naiwan. Kaya eto puro tropa ko na ang nandito,kunti nalang tumira na dito tong mga to eh. Dito na nga sila natutulog kasi may mga damit din sila dito parang PBB ang peg.

heto kami ngayon nag papahinga ang iba namn kanya kanyang pwesto sa sala namin at si Francis naman binuksan ang tv kala mo sya may ari eh. Si Jade naman puwesto sa may Pc ko sabay open sinundan naman siya ni Dianne, Bea at Amie 

"Pa Edit Eric ha" seryoso nyang sabi habang nag kakalikot na sa aking Pc

"Kulet ah ngayon lang nag paalam kung kaialan nabuksan mo na Tsk" patawa kong ani parinig narin sa knilang lahat, sabay sabay namn silang nag silingunan 

"pasensya na ha, kami naman tlga nakatira dito hindi ikaw" biro naman ni Caleb na busy sa knyang pinapanuod kasama ni Francis 

"tol pa scan nga ng wifi nyo,nag palit ka na namn eh "  Isa pa tong si Kain na puro laro kapag nandito samin wala nang ginawa kundi mag COD lakas daw ng wifi eh " Kunin ko na CP mo Eric ha" malupet din tlaga.

habang si Levi naman seryosong nag babasa sa knyang libro, Si Levi kasi pinaka tahimik sa lahat pinaka matalino rin samin yan ewan ko din pano napasama samin yan eh ang tahimik pero goods yan nakikisabay din s trip namin eh

Ganito tlaga dito sa bahay may kanya kanya kaming mundo. Ewan ko ba sa mga to nandidito palagi kesyo nagagawa daw nila lahat ng malaya ganon pero hidni naman masama i mean wlang sumasaway na magulang ganon.

"Tara shot tayo" sabi naman ni Caleb na mukang na boring na sa pinapanuod

"inom na inom ka na naman tas mag kakalat ka na naman" sabi naman ni Aemi sa knya na tinataasan ng kilay

"tas ako ginagawa nyong katulong sa mga kalat nyo" singit naman ni Gab. Si Gab ang pinaka masipag sa lahat malinis din sa katawan at sa paligid ayaw nya ng may nakikitang kalat maiinis yan kaya sya palaging nag lilinis dito sa bahay tas nag huhugas narin,kaya masarap kasama sa bahay yan ang sipag eh.

"Kadiri yan nakaraan sumuka buo buo pa yung spaghetti jusko" pang aasar ni Francis naman na nag patawa saming lahat

Habng tumatawa kaming lahat eh nilabas naman ni Caleb ang kanyang wallet "Sayang Libre ko sana ng tatlong set ngayon eh, kaso lakas mang asar eh nk"

"uyyyy joke lng"

"yan ang gusto ko"

"kupit na naman yan no"

"solid yan par"

"shot shot naaa!!"

Dianne's POV

Mag kasama kaming bumili ni Hans ngayon kasi libre ni Boss Caleb eh kailangn kami bibili ngayon.

Pag pasok namin ng bahay,si Jade at Aemi nalang ang nasa sala nag eedit parin habang ang iba nasa roof top na matic doon kasi kami palagi naka pwesto kapag nag iinom masarap don sariwa ang hangin at tahimik pa.Naka ready narin ang lamesa,pitsel at baso na aming kailangan ready narin ang speaker para sa music. Usually puro kwntuhan lang naman kami, halos amg pinag kikwentuhan lng naman namin eh kung ano ang mga nangyari sa last inom namin.

Pina una ko na si Hans umakyat para narin matimpla na yung Alak dahil ako maliligo  lng muna kanina ko pa kasi to tinitiis tong lagkit ng katawan ko

"Liligo muna ako Hans mauna kana don ang lagkit kona kasi eh para fresh narin" paalam ko kay Hans na dumeretsyo narin sa taas

Habang Naliligo ako nakarinig ako ng sigawan sa sala kaya dali dali akong mag bihis para makalabas. Si Aemi at Jade nag aaway.

"Asan na Jade??Hindi ka kasi nakikinig sakin sabi ko irecord mo tong part na to yung ipapakita ko!" Sigaw naman ni Aemi

"Hidni nga kita narinig diba edi sana una palang sinabi mo na sakin!" sagot naman ni Jade na inis narin

'Tama na uminahon kayo. Di nyo kailgan mag sigawan" singit ko naman dahil mahirap na parehas na dragon tong dalawa na to "Ulitin nalang natin yung video nyo" pag papakalma ko sa knila.

"Palagi nalang kasing ganito kada may video na gagawin palpak palagi" sabi naman ni Aemi sabay alis paakyat sa rooftop

"Wow ang kapal naman ng muka mo ha! Edi snaa ikaw gumawa"
sigaw  naman pabalik ni Dianne inis na inis dahil sa pang iinsulto ni Aemi.

Sobrang lakas ng music sa taas kaya siguradong wlaang nakarinig sa knilang dalawa.Pag akyat namin ni Dianne nag kakasiyahan na sila.

"Ang tagal mo naman Maligo Dianne.Kanina pa kami nag start" sabi naman ni Bea

"syempre may nag away" sa isip isip ko

"Para fresh tlga no" sabi ko naman sabay pwesto sa pinaka gusto kong pag pwestuhan palagi.

Lumalamin na ang gabi nararamdaman kong tinatamaan na rin ng alak ang lahat dahil umiingay na lalo at kumukulit na ang lahat.

"ay tara laruin natin yung nasa Box kanina" biglang sabi ni Hans sabay kuha sa laruan na nakuha nya

"Ay gusto ko yan ha!"

"bet bet!

"tara tara!!!

"lesssgooo!!"

'salii!!"

dali dali kaming bumilog ng pwesto lahat.

"Ano bayang laro nayan Hans" tanong naman ni Bea kay Hans na busy sa kanyang nakuhanh laruan

"Larong katotohanan ang tawag dito" ani naman nya sabay tingin saming lahat.

"Ha Panong larong katotohanan eh Shapes lang naman yan" sabi naman ni Francis na nag pa taawa sa amin.

"akala mo lang yon" sagot naman ni Hans.

"tara game simulan nayan" excited na sabi ni Caleb

"okay first " seryoso nyang sabi sabay hawak sa sa laruan "Itong apat na shape na ito ay Powerful ang sinisimbolo" lahat naman kami ay nakikinig kay Hans. Tulad neto sabay bunot ng nakatingin saamin "Octagon, sinisimbolo neto ang Truth or dare kapag na bunot mo to pipili ka ng taong gusto mong gumawa sayo neto. sabay pakita neto samin at bumunot muli "Diamond naman this is the safe card, kapag ito ang nabunot mo pede mong utusan ang taong nag sinungaling sa mga naging katanungan sa kanya" sabag bunot, "Circle, Symbolize Confession, kapag nabunot mo to aaminin mo yung mga bagay na never mong nasabi sa buong buhay mo" bumunot syang muli at ang huli ay ang triangle, kapag na bunot mo to mamimili ka ng taong tatanungin mo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon