Prologue

5 0 0
                                    

"The way you stare at me."

"The way I hold you tight."

"The way you kiss me."

"The way how I'm complete because you're mine."

"The way you make me your world."

"The way I love you."

"The way I love you with all my life."

Ang sarap pakinggan. Pero ang hirap paniwalan lalo na kung hindi pala ikaw ang bumubuo ng pagkatao niya. Lalo na kung hindi ikaw ang kilala ng puso niya. At lalo na kung ikaw lang ang nagmamahal sa kanya.

Kailan kaya darating ang araw na, ikaw na. Ang araw na ikaw na ang buhay niya. Ang araw na ikaw na ang mahal niya.

________________________________________

Matagal ko na siyang mahal. Matagal na akong baliw sa kanya. Siya lang ang kilala ng puso ko. Siya lang ang bumubuo ng pagkatao ko. Siya lang ang kilala ng utak at sistema ko. At siya ang buhay ko.

Kahit kalian hindi ako ang naging laman ng puso niya. Kahit kalian hindi ako ang nakikita ng mga mata niya. Pero alam ko na akin lang siya. Lahat gagawin ko, lahat ng kalakaran ng laro lalaruin ko wag lang siyang maagaw sa akin. Kahit na sa paningin niya napaka-gago ko. Kahit na para sa kanya tarantado ako. At kahit kamuhian niya pa ako. Ganyan ko siya kamahal.

_______________________________________

Hindi ko siya gusto. Hindi siya ang tipo ko. Hindi siya ang para sa akin. Pero gusto ko siyang mapasaakin. At gusto ko siyang agawin sa kapatid ko.

Why? Simple lang naman. Lahat ng tungkol sa amin ng kapatid ko ay kompetisyon. May panalo at may talo. And this time I'll make sure I'm the winner.

Ayokong sa aming dalawa ako ang palaging talo. Ako ang palaging nag-iisa. Ako ang palaging second best. Where in fact ako ang matino sa aming dalawa at ako ang magaling.

Pero hindi ako mahalaga para sa kanila. Sana dumating ang araw na ako naman.








___________________________

You can view the characters in my tumblr page.
Here's the link: http://edzhelxtine.tumblr.com/post/120516514221/its-a-sin-to-love-you-wildest-dreams


Please don't hesitate to hit comment though. Love lots. Hope you'll support this new story of mine. Hehehe! xoxo

Risk it AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon