Two

2 0 0
                                    

Nandito na kami sa tapat ng bahay ni Tita Carmela malayo layo din pala ang biyahe mula sa NAIA patungo sa bahay ni tita.

Nakita kong nag doorbell si mama. At may nagmamadaling lumabas mula sa pintuan nila tita.

"Oh my God Sands! Ikaw na ba yan?"sabi ni Tita Carmela

Haaayyyy kung makasigaw naman si Tita parang end of the world na . Nakita ko si Kyle na nag-rolls eyes. Hindi niya gets ang mga girl way greetings.

"Oo laki ng pinagbago mo ha?"

Tumawa lang si Tita Carmela.at pagkatapos ay tumingin sa aming dalawa ni Kyle.

"Sandy! Ito na ba ang mga pamangkin ko? Ang laki laki na nila! Nung huli ko pang nakita ko ang mga batang ito, ang liliit pa at ang kukulit!"masayang sabi ni tita.

Hahahaha ang saya talaga kapag kasama mo ang mga relatives mo>:)

"Hello po tita." bati ko sakanya.

"Kamusta ka na ija?"sabi niya

"Ok lang po."

"Oh hali na kayo pasok kayo sa loob."sabi ni Tita.

Pumasok na kami sa loob.

"Aahh Tita saan po pala mga anak niyo?"tanong ko.

"Hindi pa sila nakakauwi dahil may pasok pa sila."

"ahh."

Sumunod kami ni Tita. Umakyat kami sa 2nd floor ng bahay nila.

"Sandy dito pala ang kwarto mo." ipinakita ni tita ang kwarto ni mama.

"Mel, pwede namang kaming tatlo ang matulog dito ang laki naman kasi ng kwartong ito."sabi ni mama.

"Ano ka ba Sandy, kapatid kita at hahayaan ko ba na nasa papag ka lang matutulog?"sabi ni tita. Ang bait bait talaga ni Tita Carmela. hehe

Pagkatapos ipinakita ang kwarto ni mama, ay kasunod naman ang kwarto ko. Haayy mabuti nalang at malaki ang bahay ni tita dahil hindi ko makakasama sa isang kwarto ang Mood Swing Boy A.K.A ang aking kapatid.

"Ijo,ija magpahinga muna kayo dahil alam kong pagod kayo galing sa biyahe."sabi ni tita sa amin.

"osiya sige na pasok na kayo mag-uusap muna kami ng mama niyo."she continued.

Pagkatapos ng sinabi niya ay agad akong pumunta sa kwarto ko at nilock ito para wala ng mangugulo saakin.

"Haay sa wakas at makakapahinga na ako." nagstretch-stretch muna ako bago at nagdive sa queen sized bed ko.

Sinubukan kong matulog kaya lang parang di talaga ako inaantok.

WHEN BOREDOM STRIKES

Sinubukan kong magsound trip pero hindi talaga keri. Wala naman akong magawa kaya lumabas nalang ako sa kwarto ko. Timing din sa pagkalabas ko lumabas din sa kabilang kwarto sii mood swing boy.

"Oh saan ka pupunta?"tanong ko.

"Kahit saan maghahanap ng malilibangan."masungit na sabi niya. Ngumuso siya at lumakad paalis.

"O-okay." For the first time in forever, pareha kami ng feelings ngayon. Baka dahil sa jetlag?

Matapos ko siyang sinagot ay naka alis na pala siya kaya bumaba narin ako para makapaghanap narin ng mapaglilibangan.

Pagkababang-pagkababa ko timing na naman na may pumasok sa loob at alam ko na kung sino ang pumasok kundi ang pinsan ko!

"OMG Katyln! Ikaw ba yan?" Nanlaki ang mga mata ni Shiena at parang halos tumakbo patungo sakin.

Tumawa ako at nagsimulang magsalita
"Ano ka ba! Oo ako to. Bakit parang nakakita ka ng multo?"

"Oooh my gahd couz! Sa wakas nakabalik narin kayo dito!" halos tumatalon na sabi niya. Hahaha

"Couz' saan pala si K.D?"sabi niya na nagtataka. Teka asan kaya yung kapatid ko?

"Lumabas kasi yun ngayon-ngayon lang pero hayaan mo na naghahanap ng malilibangan. "sabi ko sakanya. napansin kong wala si Oliver, kapatid ni Shiena.

"Asan pala si Oliver?"

"Nasa school pa ata eh. Pero dadating narin yun mamaya."sabi niya.

Nagyaya si Shiena na magmall. Sino naman ang tatangging magmall?

Kaya pagkatapos niyang magyaya umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis na .

*after 987654321 years*

Bumaba ako at nakita ko si Shiena na bihis na bihis nq

"Couz halika na para di tayo gabihin."

"Okay tara na."sabi ko at lumabas na kami.

Nagpahatid na kami kay manong driver dahil pareho kaming hindi marunong magdrive. Wala namang magawa sa kotse kaya nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa hindi na namin namalayan na dumating na pala kami sa mall.

"Couz saan mo gustong pumunta?"

"Kahit saan. Kung saan gusto mo "sabi ko sakanya.

"Kain nalang muna tayo nagugutom kasi ako."nahihiyang sabi niya.

"Hahahaha. Okay nagugutom naman rin ako."natawa nalang tuloy kami.

Nagtingin-tingin ako sa mga tao habang naglalakad. Nakakabago. Hindi na mga blonde at mga redhead ang nakikita ko. Nang may nahagip ang mga mata ko. Yun yung lalaking nakabunggo ko sa airport ha? Hinding-hindi ako nagkakamali siyang-siya yun.

"Teka couz may problema ka ba? Kanina ka pa tahimik jan ah?"nag-aalalang tanong niya

"Nababaguhan lang ako dahil hindi na blondies and brunettes ang nakikita ko."palusot ko sakanya para hindi niya mahalata na hindi talaga yung dahilan. Nagsisinungaling naman ako. Yun talagang lalaking yun. Dahilan sa mga pagsisinungaling ko.

***

Nandito kami ngayon sa isang fastfood dito sa mall at kasalukuyang umoorder si Shiena ng mga pagkain at ako naman, naghanap ng mauupuan naming dalawa.

Sa wakas nakapili na ako ng mauupuan naming dalawa at sa di kalayuan nakita ko nanaman yung lalaking nakabunggo ko sa airport at may kasama siyang babae. Oh my god! Naglalandian yung dalawa. Nasa public place kung makalandi parang sakanilang dalawa tong lugar. tsk

Pagkatapos ng ilang minuto ng pag-oorder ng pinsan ko ay nakabalik narin siya..

"Oh couz ito na pala order mo."

"Thanks couz."

"Uy couz kwento ka naman kung ano mga nangyari sayo! Nag tagal tagal kaya simula nung huli nating pagkikita. 4th grade pa ata tayo nun!"sabi niya habang nginunguya ang pagkain niya.

Nakakatawa talaga tong isang to! Pag kasi kumakain to, daig pa ang isang bunyis. Kung makakain ang takaw takaw kasi. Haha

"Ano kaba! Wala din namang nagbago masyado simula nung umalis kami ng Pinas'."masayang sabi ko.

At bago pa siya makapagsalita may isang lalaking nakatayo sa harapan namin. Cut that crap. May isang gwapong nilalang na nakatayo sa harapan namin .

TO BE CONTINUED

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon