Three

2 0 0
                                    

Sasagot na sana si shiena sa sagot ko sakanya. Nang may isang lalaking hindi ko kakilala na nakatayo sa table namin.

"Hi. Pwede maki-upo? Wala na kasing table eh."sabi nung lalaki.sgl

Tumingin tingin ako sa paligid at halos puno na nga.

"Sure."sabi ko pero nag-no si Shiena.

Nagtataka naman ako sa sinabi ni Shiena.

"Sige sa iba nalang ako uupo ayaw kasi ng kasama mo."sabi sakin nung lalaki

Kaya naman sa walang kadahilanan sinipa ko si shiena sa ilalim ng lamesa at tintigan ko siya ng nakakamatay na tingin. Haha yan kasi hindi pina-upo.

"Yah! You can seat here."walang ganang sabi niya

Wala din naman pala tong laban saakin.

"Thanks. Ranz Villarozo pala."sabi niya at inabot ang kamay niya sakin at nakipagshake hands at tumabi kay Shiena.

"Hi babe."at nag wink ito kay Shiena.mmm I smell something fishy here.

"Anong babe ka dyan!"galit na sabi ni Shiena.

Bago pa makasagot si Ranz kamo.inunahan ko na siya.

"Tek-teka nga! magkakilala kayo?"naguguluhang sagot ko sakanya.

"yup!~of course not!"sabay nilang sinabi.

I gave Shiena a death glare para magsabi siya ng totoo.

"You win. Yes I know this bastard!"

galit na sabi niya. Yun naman pala eh nadadala lang tong isang to sa isang pandidilat ko.

"Classmates kami."sabi ni Shiena

Kaya pala. Baka magkaaway.

"Couz cr muna ako ha?" paraan ko talaga yung para makapag usap sila ng matino. May hindi sinasabinsi Shiena sa akin. Ma out of place din kasi ako kapag nandun ako.

Pagkatapos kung sinabi yun pumunta nako kaagad sa cr para narin makapag ayos sa sarili ko dahil kanina hindi ako nakapag ayos ng maayos dahil sa pagmamadali ko.

SA CR

Pagkadating ko ng cr nag ayos-ayos lang ako saka lumabas na. At saktong pagkalabas ko nakita ko sa isang sulok ng upuan yung lalaking nakabunggo ko sa airport at kasama pa din niya ang babaeng parang nasa bar kung makapaglandi!

Hindi ko nalang pinansin sila at nagderederetso na ako sa paglalakad patungo sa pinsan ko.

"Couz sa'n na pala si Ranz?tanong ko sakanya dagil pagkadating ko wala na siya

"Ahmm nauna na siya. May klase pa kasi hehe."nahihiyang sabi niya.Matanong ko nga to kung ano ang namamagitan sakanila. :p

"Couz ha! May hindi ka ba sinasabi sakin?"mapang-asar na sabi ko sakanya.

"Anong may hindi sinasabi ka dyan?!"natatawang sabi niya.

"Boyfriend mo ba yon?!"masayang sabi ko sakanya.

"Ba't ang tagal mong nag cr?"tanong niya.

Teka, nagcha-change topic itong si Shiena para makatakas sa tanong ko.

"Teka nga! Ini-iba mo usapan eh. So! Ano na? Boyfriend mo ba yon?"

"Boyfriend?! Hindi no! Sa palakang mukha niyang yon magkakagusto ako?! Hahaha itaga mo yan sa bato!"sabi niya na tawang-tawa.

"Baka nangliligaw sayo yun?"sabi ko sakanya. Toh naman kung makapag sabi ng palaka.

"Yun? Manliligaw sakin?A-huh subukan lang niya!"galit na sabi niya.Haha kung alam ko lang dito sa pinsan ko deep inside kinikilig na itey! Haha.Mhhm sayang gwapo pa naman yung isang yun.

"Alam mo couz mabuti pang umuwi na tayo para makapag pahinga ka na!"sabi niya. Haha ayaw niya talaga aminin kung ano ang namamagitan sakanila pero malay natin magkabigan lang talaga sila.

Kaya sumunod nalang ako sa sinabi niya at umuwi na kami dahil medyo pagod din ako galing sa biyahe...

***

Sa Bahay

Dumeretso na ako sa kwarto ko upang makapag pahinga...

Wala namang magawa atsaka hindi din ako inaantok kaya inopen ko nalang cp ko at nag fb . Ang dami ko nang notifications simula kasi nung nasa California pa kami hindi na qko nag oopen ng fb ko.

*tok*tok*tok

"Pasok." matipid kong sabi nang marinig ko na may kumakatok sa pintuan.

Pagtingin ko sa pintuan nakita ko si mama na papalapit sa kama ko.

"Hi mom."sabi ko sabay halik sa pisngi niya

"Hello dear. Komportable ka ba dito?"

"Yes mom."masayang sabi ko.

"May sasabihin pala ako sayo."

Nakangiti si mama at tinapink niya ang balikat.

"Ano po yun?"magalang kong tanong.

Nagclear throat muna siya at nagsimulang magsalita.

"Uhmm dito na kayo mag-aaral ng kapatid mo."sabi ni mama

What?! Why?!

"Talaga po mom? Why?" hindi naman sa di gusto ko. Gusto ko pero bakit?

"Oo. Dito na kayo mag-aaral dahil mas gusto ko muna dito tayo sa Pinas'. Kaya maghanda ka na para makapag enroll kana bukas sa school nina Shiena."

Siguro na miss ni Mom ang mga pamilya niya dito. Teka pano naman bahay namin sa California?

"Mom, pano naman bahay natin sa California?"tanong ko sa kaniya.

"Babalik din naman tayo dun. Pero baka bakasyon lang tayo makakauwi don. At kay Shiena kana lang magpasama magpa enroll bukas tutal nandon naman siya sa school."sabi ni mommy.

"Okay mom."masayang sabi ko.

"Oh! Mag handa ka na. Magdidinner na tayo sa baba. Tatawagin ko lang kapatid mo."sabi ni mama.

I just nod. Pagkatpos ay lumabas na siya ng kwarto.

Halong emosyon ang nadarama ko. Masaya ako na dito sa Pinas' and in the same time, mamimiss ko din ang California.

Kkaya naligo muna ako bago ako bumaba.

"Oh ija nandiyan ka na pala. Halika na dito. Kakain na tayo."pag-aanyaya ni Tita.

Kaya pumunta na ako sa hapagkainan at nakita ko na si Mama, si Kyle at si Oliver na naka upo na. San' si Shiena?

"Ah Tita san' pala si Shiena?"tanong ko kay Tita.

"Ah nasa taas pa. Ah manang pakitawag ky Shiena." sabi ni Tita.

"Ah Tita ako nalang tatawag sa kanya." pagvovolunteer ko.

TO BE CONTINUED

Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon