kabanata 13 : Selya

29 2 0
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 13 : Selya

    Sana ay hindi talaga ganoon ang mga bagay na kinakain ko simula pa noong bata palang ako, ibig sabihin lang n'yan ay sana'y na akong kumain ng mga ganoon.

    Sino nga bang matutuwa kung malalaman nilang ganoon ang mga kinakain  ng kahit sino sa atin araw araw?, Wala.

    Tapos malalaman pa natin na mamamatay tao ang taong merong titulong ama para sa atin—walang wala.

    Gabi na, hindi na ako kumain ng pagkain ngayon at kumuha nalang ako ng baong Tinapay na galing pa sa tindahan na may ari ni lolo jose sa barangay na kung saan si lola melanie ay naka distinasyon.

    Hinayaan ko nalang ang sarili kong gutumin ang sarili ko.

    Hindi ako tumugon sa tawag ni lola maria.

    Kinulong ko muna ang sarili ko sa kuwarto upang isipin at gawin ang lahat upang malunok ko lahat ng sinabi sa 'kin ni tito agnacio.

    Isa akong ampon.

    Ng sabihin ito ni agnacio ay natulala ako, nakikita ko ang pag tataka, nahilo ako at nanuyo ang aking lalamunan.

    Wala akong masabi sa pag kakataong iyon

    Ano nga ba ang magagawa ko?, nalaman ko na.

    Nalaman ko na ang katotohanan.

    Isa pala akong ampon.

    Maliban dito ay ang nakapalibot sa akin.

    Lahat sila ay baliw.

    Lahat sila ay baliw sa bahay na ito.

    Kaya naman pala wala na ritong tao.

    Posibleng kinain nila, posibleng tumakas—kahit ako ay merong pusibilidad na tumakas rito pag katapos kong malaman ang lahat.

    Ngunit hindi pa ang kabuuan ang aking nalalaman, isa palang ang alam ko.

    At baka ngayong gabi ay malaman ko na iyon, lahat iyon.

    Ngunit nagulat ako, bumukas ang pinto.

    Biglang isang sipol ang kumawala rito, binibigyan na n'ya ako ng pag kakataon.

    Gagawin ko na.

    Gagawin ko na ang dapat kong gawin, pupunta akong basement upang tingnan ang babaeng iyon at hanapin ang talaarawan.

    Tumayo ako at nag lakad ng merong pag iingat upang hindi mahuli habang  patungo sa basement, hindi ko kinalimutan ang gasera, ginamit ko ito para mag ka ilaw sa dinadaanan kong sobrang dilim.

    Madilim pa rin talaga kapag gabi, wala sila lolo at lola, simula kaganina ay hindi ko na nakita si tito at tita—si halaya.

    Hindi pa man ako nakakapunta roon, si halaya ay nag lalakad, nasa unang palapag s'ya habang papunta palang ako roon.

    Nakita ko lang ang naka ngiti n'yang mukha ngunit hindi ko nakita ang kabuuan nito.

    Sinundan ko s'ya.

    Ngunit nakita ko s'ya sa kusina, umupo roon at nandon lang.

    Andon lang s'ya.

    Umalis na ako, baka kasi ako makita.

    Buti nalang at mahina ang gasera kaya kahit anong gawin ko, hindi nila agad makikita.

    Kaunti lang ang abot ng liwanag nito.

Gratias Tibi Agimus, No Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon