Kabanata 10 : Silip

34 2 0
                                    

    Gratias Tibi Agimus, No

    Kabanata 10 : Silip

    Lumaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa aking nakikita, bigla nalang lumabas ang halo halong kinain ko kaganina ngunit ni lunok ko muli ito at tinakpan ang aking bibig.

    Ano itong nakikita ko, sa makikita ko ngayon, makikita ngayon ang matabang matanda na dinadakot ang iba't ibang parte ng babae.

    Winawakwak nito ang laman loob nito na para bang wala lang, mula sa parang bulati nitong parte ay masasabing patay na ang babae.

    Makikita ang pag nguya ng matabang lalaki habang naka upo at nginunguya ang nasa bibig pa nito, sa malapot na dugo ng babae na tumutulo na sa kanyang bibig at mga hindi na n'ya nangunguya na naikakalat lang.

    Naging mapait bigla ang panlasa ko, kitang kita sa butas ang proseso n'ya upang makuha ang laman ng babae at makain nito.

    Baliw ba s'ya at ginagawa n'ya ang ganitong bagay?, tama ba ang ginawa kong pag lalakbay?. Ngayon na ng yayari ito'y hindi ako makapag isip.

    Pag katapos n'yang ngumuya ay kumuha ulit s'ya ng isang dakot ng laman ng babae, bigla s'yang kumuhang kutsilyo at bigla nalang akong nagulat sa ginawa n'ya.

    Sa malusog na maselang bahagi ng babae, bigla nalamang n'ya itong hinawakan at saka ginilitan, ramdam ko sa sarili ko ang kanyang ginagawa.

    Isang kiliti na para ng hindi ang bumalot rin sa aking dibdib, kitang kita ko kung paano n'ya ito gawin, ng kagatin na n'ya ito, ng humiwalay na ito sa parte ng karne ay hindi ko ma imahe na mas malala pa pala ito.

    Sino ba namang hindi dito mandidiri?, kitang kita ko ang lahat ng detalye at kung paano n'ya pag laruan ang biktima, kitang kita ng dalawa kong mga mata ang mga pang ya yari.

pagkatapos mamatay ni lola melanie naisipan ko muling dito tumira, makikita ko ngayon silang wala sa katinuan, hindi ko alam kung sila pa ba iyon.

    Hindi na ako mag tataka, kahit si hector ay hindi ko ma'n lang maka usap dahil wala na s'yang abilidad na mag salita, selya naman ay hindi ko na rin makausap dahil hindi ko s'ya makita.

    Marami pa akong kailangang gawin dito sa mansyon, kailangan ko pang alamin kung ano nga ba talaga ang ng yayari, bakit sila nag kakaganito.

    Kahit sa umaga ay para lamang silang normal ngunit sa gabi ay ibang iba na ang pag katao nila, hindi ko kayang ma abala sa ganitong oras.

    Kaunti nalang at mabubuo ko na ang nawawala.

    Pero pa paano?

    Pa paano ko makukuha ang hinahanap kong sagot.

    Ngunit tiningnan ko muli ang ginagawa ng matanda, ngayon ay kinukuha naman n'ya ang puso ng babae, dinudukit n'ya mula sa ribs cage ng babae para mahanap kung nasaan ba ang puso nito.

    Ng makuha na n'ya ito'y bigla s'yang tumawa saka ito'y biglang dinurog gamit ang kanyang kamay, kinuha n'ya ang katas nito at pinatulo sa kanyang mukha.

    Sobrang saya n'ya, napapatanong nalang ako. Ano ba ang kasayahan n'ya sa pag gagawa n'ya ng ganito, isa itong canibalism at hindi ko mapigilang masuka, nalalasaha  ko na rin pati ang  sarili kong laway na patuloy na lumalabas sa aking bibig.

    Mapait at malapot.

    Pumikit ako at huminga ng malalim, ngunit nalanghap ko lang ang mabaho at malansang amoy na nang gagaling sa kinakain ng matanda.

    Hindi ko na kaya, masusuka na ako. I hindi ko alam kung kaya ko pa bang gawin ito dahil una— simula't sapul ay naparito lang ako upang hanapin ang totoo, ngunit tapos na. Pero tumingin muli ako.

    Nakakuha na ng kutsilyo ang matanda at ngayon ay hinati hati naman ang hita ng babae at inilagay ito sa isang lalagyan at saka ito'y pinabayaan, umalis na s'ya sa kanyang pag kakaupo at tumungo sa isang bagay ngunit dahil sa limitasyon ng nakikita ko sa butas, hindi ko na iyon nakita pero makikita naman ang isa pang matanda.

    Si lola.

    Si lola maria!.

    Nakangiti itong tumingin lang sa na kinaing babae at kanyang isinaad, "naging mabuti ang pag papalaki sa iyo"

    Naging mabuti?, anong ibig sabihin nila.

    Kinuha ni lola melanie ang lalagyan na pinag la lagyan ng hita ng babae at saka s'ya umalis doon, bigla akong napapikit at inisip ng mabuti ang ng yayari.

    Huminga ako ngunit hindi ko ito pinatagal sa aking baga dahil sa masangsang na amoy, iprinoseso ko ang aking nakikita.

    Naalala ko naman ang pag nguya ni lolo sa bebae at dahil doon, bigla akong napamura sa isipan, nakakita ako ng pag patay at iyon ang na proseso ko.

    Nag lakad ako at hinayaan ko muling dalhin ang sarili ko sa labas ngunit napatigil ako.

    Isang babae, boses ng matamis na babae, boses ng kilala kong babae.

    Si selya.

    Si selya nga!, "Tasia, Bumalik ka"

    Ngumiti ito, bakit gano'n.

    Pamilyar din itong boses na ito dahil ang boses na naririnig ko ngayon ay si selya.

    Bumaling ako sa likod 'ko para makita ang kanyang pustura, maayos.

    Maganda pa rin s'ya, alagang alaga ang ganda n'ya.

    Ngunit nag taka ako, bakit s'ya narito?.

    Lumabas ako at sumunod naman s'ya, sinarado ko ang bookshelf at saka s'ya tinanong ng mahina.

    "Anong ginagawa mo roon selya?"

    "Hindi ko alam"

    "Bakit hindi mo alam?"

    Umiling s'ya habang naka pikit at saka n'ya muli inimulat ang kanyang mga mata at tiningnan ako.

    "Alam ko ang totoo sa pamilya"

    "Alam—mo"

    "Alam 'ko na ang lahat ngunit wala akong karapatang sabihin sayo iyon"

    "Selya"

    Hindi s'ya makatingin, may lungkot sa kanyang mga mata, gusto ko sana s'yang yakapin ngunit tumanggi s'ya, bigla s'yang umiwas.

    Ayaw n'yang mag pa yakap at hindi ko alam kung bakit.

    "Selya..."

    "Ang lahat ng katanungan ay nasa talaarawan"

    "Talaarawan?"

    "Talaarawan ni marie"

    •••

    Pumasok ako sa kuwarto ko, mabuti at bukas pa rin ito. Hanggang naka rinig ako ng tunog ng kampana, ang kampana ay makikita sa gilid ng mansyon.

    Naka hiwalay ito sa pinakang mansyon ngunit nakakonekta ang isang hukay, ibig sabihin ay mahihirapan akong puntahan iyon.

    Sa buong buhay ko, hindi ko alam sa pamilya kung sino  nga ba ang nag papatunog sa kampana ngunit kahit na.

    Hindi ito interesente.

    Tumingin ako sa kama at ni linis ito at natulog.

•••

Happy halloween mga nilalang, masuka't matakot kayo sa inihain ng mga matatanda❤

- Gino_o

Gratias Tibi Agimus, No Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon