Chapter 28

152 8 1
                                    


HENRIETTA felt lazy this morning. Actually, ilang araw niya na iyong napapansin at hindi maganda ang kutob niya. It’s been weeks since she had this unprotected sex with Segriel. Maghihintay pa muna siya nang ilang araw bago mag test.

Actually, mula nang dinala siya ng binata sa office nito sa Mandaluyong ay naging ‘medyo’ maayos sila. She decided to give it a chance this time. Lalo na’t naiinis siya dahil may umaaligid na namang ibang babae kay Segriel! Why does he needs to be fucking attractive?! Unang tingin pa lang, hindi na niya gusto ang Natalie na iyon!

“You’re not going to work?” her mother ask her.

Umiling siya. “I’m gonna work here. Medyo masakit ang ulo ko.”

“Okay.” tumango ito. “Make sure to call your Uncle Pan for your absence in office today.”

Tumango siya sa ina.

“The kids are outside. Si Ivella ay nasa boutique niya.”

“She’s supposed to be at home dahil hindi pa nahuhuli ang stalker niya.” aniya.

Bumuntong hininga naman ang ina. “She was with Yvanka’s loved child.”

“Ysaac’s half brother? Mom! He has a name.” reklamo niya sa ina.

Nagkibit balikat lang ito sa kaniya.

Tsk. Wala na talagang pinagbago ang mom nila though medyo nagiging open minded na ito sa ideya na hindi lahat ng mayaman ay para lang sa mayaman. Come to think of it, paano nakuha ni Segriel ang loob ng mga magulang niya? Pinagbubuntis niya pa lang si Leo Heinly ay nakakapasok na ito sa mansyon nang hindi niya nalalaman.

Siguro kung noong una pa lang, naging ganito ang pagtrato ng mga magulang niya kay Segriel, hindi na siguro sila nahirapan pa at hindi nauwi sa hindi pagkakaintindihan ang relasyon nila. Siguro, hindi siya nawalan ng tiwala.

Ang hirap na kasing ibalik kahit na wala naman talagang kasalanan si Segriel noon.

Ang daming nasayang na oras para sa kanilang dalawa.

And, speaking of Segriel, ngayon pala ay pumayag siyang dalhin nito si Leo Heinly sa repair shop nito sa Mandaluyong. Ito ang unang pagkakataon na pumayag siyang hiramin nito ang anak, dahil madalas ay si Segriel ay nagpupunta ng mansyon para makita si Heinly.

“Please come with us, mommy!” anang anak. Bihis na bihis na ito.

He was wearing a navy blue polo shirt and jeans, katerno nito ang suot ni Segriel. They look so cute in their twinning outfits.

“Mommy have a slight headache, honey.” paliwanag niya sa anak.

“Uminom ka na ba ng gamot?” si Segriel.

“Later.” sagot niya.

Binalingan nito ang anak nila. “Mommy is not feeling well, how about we cancel your visit today to my office? Let’s just take care mommy.” mahinang anito.

Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Henrietta sa sinabi nito. Sayang naman ang twinning outfit ng dalawa kung hindi sila tutuloy? She looked at her son who’s eyes were glimmering in anticipation! Ngayon lang ito lalabas ng mansyon kasama ang ama tapos siya pa ang hadlang para hindi iyon matuloy? Gosh, Henrietta!

“No, no... I’m fine. You two can go. It’s just a slight headache.”

“Then, come with us, mommy.” Heinly said in his puppy eyes.

She sighed. “I’ll just take a bath real quick.” dadalhin niya na lang ang ilang paperworks niya at doon na niya iyon ire-review sa office ni Segriel.

Frigid KissWhere stories live. Discover now